KC Concepcion dedicates first Best Actress trophy to mom Sharon Cuneta: “Thank you, Ma. Best actress na din ako…”

“Thank you for exposing me to the world of movie making. This is for you.” Ito ang Instagram post ni KC Concepcion kung saan inialay niya sa kanyang ina na si Megastar Sharon Cuneta ang Best Actress trophy niya mula sa 30th Star Awards for Movies. Nagwagi si KC para sa pagganap niya sa Shoot To Kill: Boy Golden.


Sa kabila ng kontrobersiyang nakapaloob sa resulta ng 30th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC), lubos ang kasiyahan ni KC Concepcion sa natanggap niyang parangal bilang Movie Actress of the Year.

Nanalo si KC para sa kanyang pagganap sa pelikulang Boy Golden: Shoot To Kill, The Arturo Porcuna Story.


Ito ang kauna-unahang Best Actress award ni KC.

Read: Vice Ganda, KC Concepcion win top acting honors at the 30th Star Awards for Movies; On The Job named Movie of the Year

Bago ito ay nanalo siyang Best Drama Supporting Actress sa 27th PMPC Star Awards for Television na ginanap naman noong November 2013.

Nagwagi si KC para sa pagganap niya sa ABS-CBN primetime series na Huwag Ka Lang Mawawala.

Hindi nakarating si KC sa awards ceremony ng Star Awards for Movies, na ginanap sa Solaire Resort and Casino sa Parañaque City, noong Linggo, March 9, dahil kasalukuyan siyang nasa U.S. kung saan siya nag-aaral.

Sinabi ni KC sa isang panayam noong Disyembre na balak niyang kumuha ng acting classes sa New York sa first quarter ng 2014.

Read: KC Concepcion pursues plan to study abroad

KC SAYS THANK YOU. Ipinahayag ni KC ang kanyang pasasalamat sa kanyang pagkapanalo sa pamamagitan ng social media.

Una siyang nag-post sa kanyang Instagram account na @xtina_ontherocks.

Naka-post ang Star Awards trophy ni KC na taglay ang sumusunod na caption:

“This Best Actress award is dedicated to my mother & to ALL my fans who never left my side, who truly believe in me & continue to inspire me. Can’t wait to hold you, baby... #ToGodBeTheGlory #PMPCStarAwards #MarlaDee #BoyGolden #BestActress”

Kasunod nito ay isa pang post na larawan ng text message sa kanya ng inang si Sharon Cuneta.

Sa text message ay binati ng Megastar ang anak sa pagkapanalo nito.

Sa caption naman ay sinabi ni KC kung gaano kahalaga sa kanya ang pagbati mula sa ina:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayyyy THIS means the world to me!! Grabe dati bitbit lang Nya ako lagi sa shooting. Every success feels complete when it makes my momma proud. Wowww... A text from my mother, whose passion, talent & legacy I admire greatly. My mother whom I love deeply & unconditionally. Thank you, Ma. Best actress na din ako, hehe, thank you for exposing me to the world of movie making. This is for you. Work hard, dream big!!!❤”

OUT OF THE COUNTRY. Sunud-sunod din ang posts ng pasasalamat ni KC sa kanyang Twitter account.

Kuwento niya, galing siya sa simbahan nang mabasa niya ang text message ni Toni Gonzaga upang ipaabot ang balitang siya ang nanalo bilang Movie Actress of the Year.

Isa sa mga host ng 30th PMPC Star Awards for Movies si Toni.

Sa Twitter, ang isa pang bumati kay KC ay si Vice Ganda, na siya namang nagwagi bilang Movie Actor of the Year para sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Biniro ni Vice si KC na nanalo nga sila, pero pareho naman silang hindi nakadalo.

Ito ay dahil nasa U.S. din ngayon ang comedian-TV host.

Si Vice ay nagpunta sa Amerika para sa kanyang concert sa San Francisco at Los Angeles na pinamagatang I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Amerika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN