Richard Gomez on allowing teenage daughter Juliana to accept suitors: “Baka makakita ng lalaki na katulad ko, huwag muna!”

Richard Gomez on doing sexy roles: “Dun natin patutunayan na yung mga bata, kaya nilang gawin yung ginagawa ko... Panoorin muna natin yung younger generation kung paano nila ginagawa. Sila na muna.”


Noong kasagsagan ng kasikatan ni Richard Gomez ay binansagan siyang “Adonis of Philippine Cinema” dahil sa kanyang kaguwapuhan at matipunong pangangatawan.

At magpahanggang ngayon, siya pa rin ang pangunahing simbolo ng kakisigan sa local showbiz. Ano ang reaksiyon niya rito?

Sabi ni Richard, “Marami namang guwapong artista diyan. Hindi pa lang sila nagma-mature.”

Pero iba pa rin siya dahil tila hindi siya nagkakaedad. Ano ba ang sikreto niya?

Sagot ng 47-year-old actor, “Kailangang positive lagi ang outlook sa buhay.

“Alam mo naman ako, ganun lang ako, ‘di ba?

“Kapag may problema, i-solve mo kaagad.

“Kapag hindi, kalimutan mo na.”

Marami sa mga fans ni Richard ang nami-miss siyang mapanood muli sa isang daring o sexy na role. Puwede pa kaya niyang gawin ang mga ganitong klaseng eksena?

Sagot ng aktor, “Dun natin patutunayan na yung mga bata, kaya nilang gawin yung ginagawa ko.”

Ayaw na niyang sumabak sa mga ganitong mapangahas na roles?

“Huwag muna. Panoorin muna natin yung younger generation kung paano nila ginagawa.

“Sila na muna,” nakangiting sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa 30th Star Awards For Movies na ginanap sa Solaire Grand Ballroom noong Linggo, March 9.

Isa si Goma sa nag-host ng awards ceremony, kasama sina Dawn Zulueta, Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Robi Domingo, at Maja Salvador.

BUSY COUPLE. Malaking bagay rin siguro sa pananatili ng kaguwapuhan at matipunong katawan ni Richard ang kanyang misis na si Lucy Torres-Gomez.

“Isa pa ‘yon! Kailangang happy talaga ang family life mo.

“Mabait yung misis ko, e,” nakangiting pagsang-ayon niya.

Kung si Richard ay may sisimulang sitcom kasama si Sharon Cuneta, ang Pirated Family, si Lucy naman ay babalik muli sa paghu-host sa pamamagitan ng Celebrity Dance Showdown.

Parehong sa TV5 mapapanood ang dalawang programa nina Richard at Lucy.

Si Richard ang chief of staff ni Lucy sa Congress. Ngayong magiging abala sila ulit sa showbiz, paano na ang time nila sa isa’t isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng aktor, “Ngayon naman, ang kagandahan lang, pareho yung taping days namin.

“So, by the time na matapos ako, patapos na rin siya.

“Parang nagtrabaho lang kami the whole day nang sabay, pero hindi kami nawawala sa ibang araw.”

UNICA HIJA. Kumusta naman ang kanilang unica hija na si Juliana Gomez?

“Ang laki na! Thirteen na siya ngayon,” banggit ni Goma.

Nagkakaroon na ba ito ng mga crush gaya ng ibang karaniwang nagdadalaga na?

“Sus! Oo. Actually, ninenerbiyos na nga ako nang konti!” sabay tawa niya.

“Ninenerbiyos ako kasi, unang-una, bata pa siya.

“Siyempre, ayaw natin na ang anak natin e mabola ng ibang lalaki, ‘di ba?

“Baka makakita ng lalaki na katulad ko, huwag muna!” tawa na naman niya.

Open ba sa kanya si Juliana pagdating sa mga nagiging crush nito?

“Hindi naman. Siyempre makikita mo kasi, e.

“Like, yung sa mga magazines, yung mga idinidikit na posters ng gaya ng One Direction.

“Iyon ang panahon ngayon, e. Iyon ang kinalolokohan ng mga kabataan ngayon—One Direction. ”

May crush din ba si Juliana na local male celebrity?

“Hindi siya naglalagay ng posters nun, e, kaya hindi ko alam kung may crush siyang local celebrity!” tawa ulit ni Richard.

Mas close at open ba si Juliana sa mommy nitong si Lucy?

“Depende sa sitwasyon. Siyempre kapag sa sports, malapit sa akin ‘yon.

“E, kapag mga intimate na usapan naman, sila ng mommy naman niya ang nag-uusap, e.”

May image na pabling noong si Richard. Ito kaya ang dahilan kaya nag-aalala siya para kay Juliana ngayon?

Sagot niya, “Hindi naman. Pero dahil pabling ako dati, nararamdaman mo yung mga nambobola, ‘di ba?

“Yung style nila, alam ko.

"Aba, siyempre! Papunta pa lang sila, pabalik na ako, ‘di ba?”

So, kung may manliligaw kay Juliana, dadaan muna sa kanya? May screening muna?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi ko namang nililinis ang shotgun ko, e!” biro pa ng aktor.

Anong age ba niya papayagang mag-entertain ng suitors si Juliana?

“Basta huwag lang masyadong bata. Sa ngayon, bata pa siya, e.

“Kaka-teenager pa lang niya. Siguro kapag mga 17 o 18, puwede na siguro.

“Hopefully mga ganung edad. Hindi naman natin maiiwasan iyon.

“Pero kung nasa tamang edad na, mas maganda.

“Gusto ko i-prolong muna niya yung kabataan niya.”

Hindi ba nagkakainteres pumasok sa showbiz si Juliana?

“Marami siyang ginagawang mga modelling-modelling sa Bench at saka mga commercials.”

Okey lang ba sa kanila ni Lucy kung gustuhin nitong mag-artista rin?

Sagot ni Richard, “Siguro tapusin muna niya ang pag-aaral niya. Walang problema ‘yon.

“Okey naman, e. Kaya lang kasi, kapag bata, nag-artista, ang hirap, e.

“Sa schedule ng mga artista, ang hirap makapag-aral, e.

“Kung gusto niya talaga, sasabihin ko sa kanya, ‘Tapusin mo muna ang pag-aaral mo.’”

POLITICS. Dalawang beses nang sumubok na pumasok sa pulitika si Richard ngunit hindi siya pinalad.

Sa ngayon ba ay isinara muna niya ang pinto niya sa larangang ito?

Tugon niya, “Hindi naman. Kaya lang, si Lucy kasi ngayon ang nandun, e.

“So, while Lucy is a congresswoman, lahat ng kailangan niyang support, nandiyan kami.

“Lalo na ako, kasi ako yung chief of staff niya, ‘di ba?”

Hihintayin muna niyang matapos ang term ni Lucy bago siya muling sumubok na kumandidato ulit?

“May dalawa pa siyang term. Ituluy-tuloy muna niya ‘yon.

“Ako naman, basta wala lang nanggugulo sa kanya, e.

"Tutulong ako at susuporta lagi sa kanya. Iyon talaga ang trabaho namin, e.

“Kasi kapag hindi ka gumalaw, kawawa yung mga tao doon,” pagtukoy niya sa constituents nila sa Ormoc.

“At saka malaking bagay yung celebrity tayo. Makakahingi tayo ng tulong sa iba-ibang mga organizations.

“Palitan kami ni Lucy ng pag-uwi sa Ormoc, every two weeks ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, every week, isa sa amin ang nandun. Alternate kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN