Ai-Ai delas Alas denies dating rumors; still mum about rift with Kris Aquino

Ai-Ai delas Alas on bashers: “Dahan-dahan, kasi kahit artista kami, kahit mga public property kami may mga puso rin kami na nasasaktan. Saka tao kami, e. Tao na kahit papaano, dapat ninyong galangin. Hindi naman kami basura, carpet or anything na puwede ninyong pagsalitaan ng kung anu-ano.”


Kumalat sa Internet kamakailan ang larawan ng comedienne na si Ai-Ai delas Alas kasama ang PBA player na si James Yap.

Kuha ang naturang larawan sa victory party ng San Mig Coffee Mixers (na nag-kampeon sa 2014 PBA Philippine Cup) at birthday party ni James (na nagdiwang ng kanyang 32nd birthday noong February 15) noong March 6 sa Sky Lounge, sa Bonifacio Global City, Taguig.

Patunay lamang ito na nananatiling magkaibigan sina Ai-Ai at James sa kabila ng matagal nang hiwalay ang basketbolista sa dati nitong asawang si Kris Aquino, na unang naging malapit na kaibigan ni Ai-Ai.

Sabi ni Ai-Ai tungkol dito, Oo naman, praise God, totoo yun.

“Yun ang happiness niya talaga, gusto niya yun.”

Natutuwa rin si Ai-Ai na nagkaayos na sina James at Kris pagkatapos ng ilang buwang alitan nila.

Nagkasundo na rin ang mag-asawa tungkol sa visitation rights ni James sa anak nila ni Kris na si Bimby.

Sabi ni Ai-Ai, “Maganda naman yun na nagkasundo ang lahat. Ganun talaga, dapat maging happy tayo sa lahat.”

Ngunit tumanggi namang magsalita si Ai-Ai nang subukan naming tanungin kung bukas din ba siyang makipag-ayos na kay Kris, na kaalitan niya ngayon.

“Ay, ayokong magsalita about dun,” pag-iwas niya.

DEKADA AWARDEE. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Ai-Ai sa 30th Star Awards For Movies noong Linggo, March 9, sa Solaire Grand Ballroom.

Isa si Ai-Ai sa pinarangalang aktres na nagpakita ng husay nitong nakalipas na dekada. Kasama niyang naparangalan sina Judy Ann Santos at Eugene Domingo.

Ano ang masasabi niya sa karangalang ito?

Saad niya, “Siyempre, napakalaking achievement nito, napakalaking recognition.

“Kasi for ten years, kumbaga, kapag ‘di mo ito nakuha, next lifetime mo na makukuha, aabangan mo uli after ten years.

“Sabi ko nga, thank you sa PMPC kasi napakalaking recognition itong ibinigay nila sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka masaya ako kasi bihira lang kaming mga aktres na nakakakuha ng Aktres ng Dekada, so thank you sa PMPC.”

AFTER THE PAIN. Noong 2013 ay nagdalamhati si Ai-Ai dahil sa pagkamatay ng kanyang biological mother na si Gloria Hernandez.

Sa kabila nito, positibo ang komedyana na may kapalit na kasiyahan ang bahaging ito ng kanyang buhay.

“Ganun talaga, kasi ang buhay, parang gulong ‘yan.

“Maganda, ‘di maganda, ‘di maganda, maganda…

“Ang natutunan ko diyan, parati lang tayong move on, move forward.

“Pag may pain, ganun talaga ang buhay, May sakit, may saya.”

Samantala, itinanggi ni Ai-Ai ang balitang may bago na raw siyang boyfriend pagkatapos maaprubahan ang divorce nila ng dating asawang si Jed Salang.

Sabi niya, “Hindi, hindi, wala. Single and happy.”

Nakikipag-date ba siya ngayon?

Tugon ni Ai-Ai, “Dating, regular?

“Parang softdrinks lang ito! May regular, sugar-free.

“Hindi, puwede din naman akong makipag-date sa variety!

“Para hindi painful, okay na yun, para happy-happy lang.”

Pero diin ni Ai-Ai, “Ay, hindi pa.

“Ayoko… yung healing, malapit nang matapos.

“Siguro muni-munian muna natin ang mga pangyayari sa buhay natin.”



DYESEBEL BASHERS. Kasama si Ai-Ai sa upcoming fantaserye ng ABS-CBN na Dyesebel.

Ang gaganap sa iconic Pinoy mermaid ay si Anne Curtis, na nakakatanggap ngayon ng pambabatikos mula sa ilang bashers.

Ano ang reaksiyon dito ni Ai-Ai?

Pahayag niya, “Ang social media naman, hindi talaga nawawalan ng bashers, e.

“Sabi ko nga sa sarili ko, iba na talaga ang buhay ngayon.

“Parang yung mga tao, pag nakapagsalita sa iyo, parang pag-aari, kilalang-kilala, ginawan mo sila ng masama. Ganun.

“Sabi ko, ‘Wow! Iba na ang panahon.’

“Siguro, I think, yung iba… ako, opinyon ko lang ito, ha.

“Dahan-dahan, kasi kahit artista kami, kahit mga public property kami may mga puso rin kami na nasasaktan.

“Saka tao kami, e. Tao na kahit papaano, dapat ninyong galangin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman kami basura, carpet or anything na puwede ninyong pagsalitaan ng kung anu-ano.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN