Isabelle Daza wins New Movie Actress of the Year at the Star Awards; names Sarah Geronimo as her favorite actress

Isabelle Daza on choosing her next acting assignment: “I think I will choose the roles that I’m going to take part in. At kung maganda yung project, siyempre go lang nang go. So I’m excited to work with different actors and different directors naman.”


Si Isabelle Daza ang nagwaging New Movie Actress of the Year sa 30th PMPC Star Awards For Movies na ginanap sa Solaire Hotel noong Linggo, March 29.

Nanalo si Isabelle para sa pagganap niya sa pelikulang It Takes A Man And A Woman, na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

“Im happy,” sambit niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos niyang tanggapin ang tropeyo.

“My mom [Gloria Diaz] is here, actually a lot of my titas are here.

“They’re all here to support me and to cheer me on, so napakasarap ng feeling!

“Kasi I’ve worked on this movie very hard for one year. It’s nice to be acknowledged.”

ISABELLE, THE ACTRESS. Pakiramdam ba niya ay aktres na siya ngayon?

“I think ano… kailangan ko nang isulat yung ’actress’ sa… alam mo yung sa Immigration form when they put occupation?” sabay tawa ni Isabelle.

Dagdag niya, “Minsan kasi, inilalagay ko dun, ’student.’ Minsan, ’Dabarkads…’ I just felt reluctant.”

Ngayong nanalo na siya ng award, mas ipa-prioritize na ba niya ang acting?

Sagot ni Isabelle, “I think I will choose the roles that I’m going to take part in.

"At kung maganda yung project, siyempre go lang nang go.

“So I’m excited to work with different actors and different directors naman.”

Sino ang favorite actress niya?

“You know what, Sarah Geronimo is a very underrated actress.

"Napakagaling niyang aktres, but I guess people see her as a singer.

“But she is just so smart and so clever, and so funny.

“Na ako, napahanga talaga ako sa kanya.”

Ano ang mga bagong projects na nakatakda niyang gawin?

“I’m about to do a movie. Mga two weeks from now, start na kami ng shooting.

“Pero confidential pa ang tungkol dito.

“Siguro in two weeks, malalaman niyo rin ang details.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dalawa bale yung uumpisahan ko.

“Yung isa ay horror, so that’s exciting. And the the other one, isang romantic-comedy naman.”

Kailan naman siya gagawa ulit ng soap?

“Kapag may time na. I also like to choose the roles din siyempre,” sabi ni Isabelle.

Is she aiming for bigger and meatier roles this time?

“Why not? I’m up for the challenge,” sagot ng Eat Bulaga! co-host.



SUPPORTIVE MOM. Bago siya magpunta sa awards night, ano ang sabi sa kanya ng ina niyang si Gloria Diaz?

“She just said ano, ‘You will win!’ Iyon ang mga positive reinforcement niya.

“She’s very supportive and proud.

“My mom is my most honest critic and my number one fan.

“Pagdating sa pag-aartista, my mom has told me a lot of things. Like, I need to act with eyes more.

“Sabi rin niya, I need to talk less. Yung mga gano’n.”



THE ESCORT. Nakatawag-pansin naman sa marami ang foreigner na naging escort ni Isabelle sa wards night. Iilan lang kasi ang nakakakilala na boyfriend pala niya ito.

“That’s Adrian. He’s so happy rin nung nanalo ako,” banggit ng 26-year-old TV host-actress.

Source of inspiration ba niya ang kanyang boyfriend?

“May gano’n?” sabay tawa niya.

“Lahat naman… everybody that I love and part of my life.”

Napag-uuasapan na ba nila ang kasal?

“Oh, my gosh, I’m very young!” tawa na naman ni Isabelle.

Gaano na ba katagal ang relasyon nila?

“Matagal na. Check ninyo yung Instagram… gano’n na katagal!”

Kung kailan siya unang nag-post ng tungkol sa kanila ni Adrian?

“Oo, ‘yon!” nangiting pagsang-ayon niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN