Jasmine Curtis Smith’s indie film Puti to compete at the 32nd Brussels Int’l Fantastic Film Festival

Unti-unti nang nakikilala si Jasmine Curtis Smith bilang isang aktres. Aniya, noong nakaraang taon ay nagtrabaho siya upang makilala siya hindi lamang bilang nakababatang kapatid ni Anne Curtis.


Isang karangalan para kay Jasmine Curtis Smith na mapabilang ang indie movie niyang Puti sa official selection ng 32nd Brussels International Fantastic Film Festival sa Belgium, na gaganapin mula April 8 hanggang April 20, 2014.

Ang nasabing international film festival sa Brussels, Belgium, ay itinatag noong 1983 bilang “venue” para sa mga pelikulang horror, thriller, at science fiction.

Sa ngayon ay pinag-iisipan pa raw ni Jasmine at ng kanyang manager kung dadalo sila sa nasabing festival.

“Mama Betchay [Vidanes, her manager] and I are thinking if we should go to Brussels or not to represent Puti, because we have been chosen as an official selection for the Brussels Film Festival.

“Pinag-iisapan pa namin [kung pupunta kami].

“Pag sure na, maghahanda na kami.

"But for now, support lang kami on social media," saad niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Jasmine sa press launch niya bilang bagong endorser ng Sunsilk Shampoo noong March 6, Huwebes.

Ang Puti ay idinirehe ni Mike Alcazaren at naging official entry sa kauna-unahang CineFilipino Film Festival noong September 2013.

Sa nasabing local film festival, ang pelikula ang nag-uwi ng Best Production Design, Best Sound Design, at Best Cinematography.

Nagwagi rin ang Puti bilang Best Feature sa Young Critics Circle, ka-tie ang Ang Turkey Man Ay Pabo Rin ni Randolph Longias at Angustia ni Kristian Sendon Cordero.

Ang Puti, isang psychological thriller, ay tinampukan din nina Ian Veneracion, Lauren Young, Bryan Pagala, at Leo Rialp.


WHAT’S NEXT FOR JASMINE. Marami rin ang mga nakahilerang proyekto para kay Jasmine.

Aniya, malapit nang iere ang kanyang self-titled drama series sa TV5, ang Jasmine.

Naurong ang original schedule na pag-ere ng nasabing teleserye dahil napuno ang schedule ni Jasmine. Sa Mayo na ito ipalalabas.

Kasalukuyan din siyang nagsu-shooting ng pelikula nila ni Nora Aunor, ang Dementia.

Bukod dito ay nakatakda ring bumida sa isa pang pelikula si Jasmine na sisimulan sa Abril.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma naman ng young actress kamakailan na may gagawin siyang pelikula sa ABS-CBN film outfit na Star Cinema.

Read: Jasmine Curtis Smith on co-star Nora Aunor: “Hindi niya ipapamukha sa iyo na baguhan ka."

Ani Jasmine, unti-unti na niyang natutupad ang kanyang pangarap na makilala bilang isang aktres at hindi lamang bilang kapatid ni Anne Curtis.

“Last year, it was preparation to be recognized as an individual.

“Parang plakadong-plakado na talaga siya, parang individual na ako.

"And with these endorsements coming in, mas nagiging cemented talaga siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN