Veteran entertainment writers react to PMPC statement about vote-buying allegation

Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang inilabas na pahayag ng Philippine Movie Press Club (PMPC) kung saan pinanindigan nilang walang katiwaliang naganap sa 30th Star Awards for Movies, lalo na sa Movie Actor of the Year category.


Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang inilabas na opisyal na pahayag ng pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) tungkol sa alegasyon ng showbiz columnist at radio host na si Jobert Sucaldito.

Ito ay kaugnay sa akusasyon ni Jobert na may “vote buying” diumanong naganap sa 30thPMPC Star Awards for Movies, partikular na sa Movie Actor of the Year category.

Napanalunan ni Vice Ganda ang award para sa pagganap niya sa comedy film na Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Kabilang sa mga natalo ni Vice sa naturang kategorya sina Laguna Governor ER Ejercito para sa Shoot To Kill: Boy Golden at Joel Torre para sa On The Job.

Nominado rin sina Robin Padilla (10,000 Hours), Piolo Pascual (On The Job), Dingdong Dantes (Dance Of The Steel Bars), at Jake Macapagal (Metro Manila).

Read: Vice Ganda, KC Concepcion win top acting honors at the 30th Star Awards for Movies; On The Job named Movie of the Year

Ayon sa mahabang litanya ni Jobert sa kanyang Facebook account, may isang PMPC voting member diumano ang nag-lobby para mapunta kay Vice ang Best Actor award.

Bagay na labis na ikinagalit ni Jobert dahil may “22” out of 38 voting members diumano siyang nakausap na susuporta at boboto para kay ER.

Read: PMPC Star Awards for Movies results marred by vote-buying accusation

Pero mariin namang kinontra ng mga opisyal at miyembro ng samahan ng PMPC ang alegasyong ito ni Jobert.

Sa kanilang inilabas na statement kagabi, March 11, nanindigan ang PMPC na patas at dumaan sa masusing pag-aaral ang naging boto ng kanilang mga miyembro.

Read: PMPC refutes vote-buying allegation at the Star Awards for Movies



JOBERT’S REACTION. Ilang oras pagkatapos maglabas ng official statement ang PMPC, nagbigay agad ng kanyang reaksiyon si Jobert sa pamamagitan din ng kanyang Facebook account.

Pinagtatawanan lamang daw ni Jobert ang pahayag ng grupo ng entertainment writers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “I read the official statement of PMPC.

"Ini-imagine ko lang sila habang kinu-compose nila ang said statement. For sure, kahit sila mismo ay tumatayo ang mga balahibo pati sa kanilang kili-kili dahil they are composing a LIE.

“Kailangan kasi nilang isalba ang mga kaluluwa nila dala ng kalokohan ng ilang mga sugapang miyembro.

"Kawawa naman ang mga matitinong members nila dahil nadadamay sila sa dungis ng ilang hinayupak.

“Pakitanong nga ang grupong ito kung sino ang ibinoto nila. Dalawang taga-EXECOM nila... maliwanag na VICE GANDA, di ba?”

Dagdag pa ni Jobert, “Mamatay na ang nagsisinungaling.

"Hasus, alam na namin ang buong story diyan kaya huwag na tayong magmaang-maangang pa.

"Isang malutong na halakhak lang ang katapat niyan—HA!HA!HA!HA!HA!HA!”

May hamon pa si Jobert sa mga taga-PMPC.

Sabi niya, “Buksan ninyo ang mga balota para magkaalaman.

“Hindi yung 3 lang ang nakakaalam sa bilang kuno—yung dalawa ay members pa ng EXECOM na parehong maka-VICE GANDA and the 3rd is your president na walang kasing-nerbiyoso na isang dilat lang ng kasamahan niya ay nagpa-palpitate na.

“I am challenging you—count the votes in public.

"Yung walang bura, ha. Kapag may bura, dapat may initials ng bumoto.

“Palusot nila, may legal process daw sa ganoon, kailangan daw ng court order pa. Hasus!

"Pati kapwa-members nila ay nililinlang nila dahil kung sino ang gusto ng EXECOM nilang manalo ang siyang lalabas dahil sila ang may hawak ng ballot boxes."

PAST PMPC OFFICERS. Dahil sa isyu, may mga dating miyembro ng PMPC at ilang beteranong entertainment columnists din ang naglabas ng kanilang opinyon tungkol dito.

Sa pamamagitan ng kanilang Facebook accounts, nagbigay sila ng kanilang mga kuro-kuro tungkol sa “vote-buying” allegation.

Una na rito ang scriptwriter at indie-film director na si Ronald Carballo, na dating entertainment columnist at officer ng PMPC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “HINDI NAMAN YUNG PAGIGING FIRM NG DECISION ANG KINUKUWESTIYON NI Sucaldito Jobert, AT NG MGA NAKAKAUNWA SA INYONG KABABUYAN.

“KUNDI YUNG MGA PERANG TINANGGAP NG BAWAT VOTING MEMBERS PARA IPANALO ANG KUNG SINUMANG HIGHEST BIDDER AT YUN ANG IPINAPANALO NINYO.

“REGARDLESS DIN KUNG SINO YUNG ARTISTA. KASE NGAYON, KAHIT DESERVING PA YUNG WINNER, SINO PANG MANINIWALA? EH, INILALAKO, IBINIBENTA AT NABIBILI NAMAN TALAGA ANG MGA BOTO NINYO. WAG NA KAYONG MAGMALINIS!

“DISAPPOINTING AT KADIRI TALAGA KASE 30 YEARS AGO, ISA KAMI SA NAGTATAG NG PMPC STAR AWARDS FOR MOVIES AND TV. YAN YUNG MGA PANAHONG IGINAGALANG ANG PMPC AWARDS AT MAY KREDEBILIDAD PA DAHIL HINDI NAMIN IPINAGBIBILI ANG AMING MGA BOTO.

“NGAYO’Y MATAGAL NINYO NANG NILALAPASTANGAN AT BINABABOY ANG MAGANDA AT MARANGAL NAMING SIMULAIN.

"HANGGA’T TUMATANGGAP KAYO NG PERA MULA SA MGA ARTISTA, KUMAKATOK KAYO KUNG NASAAN MAN SILA PARA MANGHINGI NG BAYAD AT INUUBLIGA NINYO SILANG BIGYAN KAYO NG PERA AT WAG KAYONG TANGGIHAN PAG GUSTO NINYONG MANGAROLING SA KANILA, MANANATILI KAYONG WALANG KREDEBILIDAD SA PAMIMIGAY NINYO NG AWARDS NA KUNG HINDI NINYO KAIBIGAN ANG NANANALO, BAYAD NAMAN TALAGA LAHAT SA IBA’T IBANG URI NG PARAAN.

“ITIGIL NINYO NA YAN BAGO PA TULUYANG MABABOY NANG MABABOY ANG PMPC NA WALA NAMAN KAYONG LAHAT DIYAN NUNG ITINATAG YAN.

“KAYA WALA KAYONG KARAPATANG BABUYIN ITO AT PAGKAKITAAN DAHIL HINDI GANYAN KA-CORRUPT ANG TUNAY NA ADHIKAIN NG ORIHINAL NA SAMAHAN NG PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB....”

Ayon naman sa komento ng beteranong manunulat na si Bong de Leon sa isang post ni Jobert:

“Wish ko may senate hearing na rin kung may scam sa PMPC ng mabilanggo ang mga baklita. Ano ba yan. noon pa ang bilihan ng awards no? well, nothing like sa pamumuno ni Manay Etel Ramos and the few succeeding Presidents.”

May mahaba namang Facebook status ang isa pang veteran showbiz writer na si Ed de Leon at dito ay naglahad siya ng kanyang reaksiyon tungkol sa isyu:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We have been asked by people what we can say about the latest PMPC Star Awards boo-boo.

"Our colleague Jobert Sucaldito has posted in his social networking account, and has written in his newspaper column about how disgusted he was after he was victimized by ’dagdag-bawas’ that he suspected happened because according to him he lobbied for ER Ejercito, ’contacted’ 22 voting members out of the 38 and lost.

“Or it could be the case of a ’double cross’ because some of the members he ’lobbied’ did not actually vote for ER Ejercito as best actor.

"We should also consider that no other award in the 30th PMPC Star Awards is being questioned other than the ’best actor’ category.

"’Lobbying’ or ’bribery’ was never an issue in the other categories except on the best actor.

“Jobert has admitted ’bribery’ when he said ’walang alam si ER dito, nangutang ako sa mga kaibigan ko para makalaban.’

"So he said that the ’lobby’ meant monetary considerations.

"There is another question about a member in good standing of the PMPC, and therefore a voting member, identified as Francis Simeon, who was said to have ’lobbied’ and therefore has also ’bribed’ other members to vote for the eventual winner Vice Ganda.

"The other issue was, the winner was supposed to be Joel Torre, but ’he will not buy votes.’

"These are the given facts in the case, in which we wanted to keep quiet until we read this morning the column of our friend Alfie Lorenzo at Abante Tonite saying, ’Hindi ba sinasabi ni ER na iyang PMPC ang pinaka-credible na award giving body para sa kanya? Ano ang masasabi mo Ed de Leon?’

"Now this we have to say. There are two questions with what happened here. First, is it legal? Second, is it moral?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The PMPC refused to answer any accusation pending a meeting of the general membership.

"It is stupid to question the decision of the PMPC legally. First, they are the legal owners of Star Awards. As legal owner they can do whatever they want to do with it. Their decision is up to them. Whoever they say are winners cannot be questioned legally. It is now up to the public to accept it or not.

"If the PMPC tolerates ’vote buying’ and ’bribery’ masked as a ’legal lobby,’ it is up them.

“Legally they can sell their awards. They can even auction their awards to the highest bidder, and there can be no legal question because they own the awards.

“We should take note, that it is not only the PMPC that has been questioned on bribery, almost all have been in the same trouble, except the Manunuri who they never accused of bribery but the practice of ’sila-sila, tayo-tayo,’ and the Catholic Mass Media Awards which has no other interest but guide the faithful in what they think is best to see.

"So the next question is moral. Is it moral to be ’selling votes’ for an awards supposed to be given for excellence?

"But then, is it also moral for someone to ’buy’ awards supposed to be given for excellence?

"If you ask us, there is a moral question to those who ’sell’ as well as to those who ’buy.’

"Morality is relative. What may be immoral for some is acceptable to the other.

"Let us say the given example that an outsider can bribe, but a member must not bribe.

“What is the difference between bribery from an outsider and a qualified member. It remains to be the same ’bribe’ and therefore immoral.

"We cannot dictate on what the PMPC should do within their ranks. The general membership may decide to open to the public their ballot box to prove if there was indeed ’dagdag-bawas’ or not.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The PMPC may choose to do some action or just sit down on the complaint against them.

"As we’ve said, they are a private entity, and the Star Awards is solely their domain. They may however lose their credibility.

“They may conduct their own investigation, or better still appoint people who will conduct an independent and unbiased investigation, and declare to the public what happened.

"If there are erring members, they should be purged.

"But as we said it will depend on the PMPC to do everything. They can also choose to be like ’Humpty Dumpty’ just sitting down on the wall and just be careful not to have ’a great fall.’

"But one thing is sure, even if there is a rumour of an anomaly, about this time again next year, there will be a 31st Star Awards for Movies, and the attention hungry will vie or die to have it, even if they have to “lobby” or not.

“After all that’s showbusiness. They are all dying for awards, and sometimes even create awards and titles just to please themselves and boost their ego.”



BUKSAN ANG BALOTA. Sa post naman ng entertainment editor na si Dindo Balares tungkol sa statement ng PMPC, nagkomento naman ang isa pang batikang showbiz columnist at dati ring officer ng PMPC na si Mario Bautista tungkol dito.

Aniya, “tama si jobert. buksan ang mga balota. kung wala silang itinatago. hindi puede yung basta nag-issue ng ganyang statement. P15,000 daw per PMPC member ang nangyaring bayaran. e 22 yung binigyan. kuwentahin how much money is all that. for a questionable award? lugi nga naman silang nagbayad! kakahiya!”

Tugon ni Dindo, “Elders like you, Tito Mario at siguro the past presidents ng PMPC at iba pang cooler heads should come forward. Kung ano ang mapagkakaisahan ng elders, sa pananaw ko, ’yun ang dapat maging guide.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe sa pamunuan ng PMPC ngunit habang isinusulat ito ay wala pa kaming natatanggap na sagot mula sa kanila.

Ayon naman sa isang insider, una at huling pahayag na raw nila tungkol sa isyu ang inilabas nilang statement kagabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN