Venus Raj: “I think, being in a relationship that you’re not sure of is really a great mistake.”

Venus Raj insists she’s still single now: “Kapag serious na, that’s the time na I’ll let you know naman. If it’s there… it’s there at malalaman niyo. At saka if ever na mag-e-entertain ako ng suitor o magbu-boyfriend ulit ako, mas gusto ko yung ordinary guy. Para po mas tahimik ang buhay. Pero wala muna po akong time para sa lovelife. Busy ako ngayon sa mga activities for a cause. That’s my advocacy.&rdqu


Marami ang naiintriga kung bakit biglang-bigla ay nagpaikli ng buhok si Venus Raj.

Iniisip tuloy ng iba na baka may kinalaman ito sa nangyaring breakup nila ng dating boyfriend niyang si Andrei Felix.

Paliwanag naman ng beauty queen turned TV host, “It’s summer, mainit. At saka para maiba naman.

“At saka, ever since, gusto ko talaga ng maikling buhok.

“E, kaso nga, dahil beauty queen-beauty queen, hindi ako pinapayagan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Venus sa pictorial niya para sa GMA News TV program na Business Flight, na ginanap sa Antel Platinum Condominium, Makati City, noong Biyernes, March 7.

SINGLE BUT HAPPY. Ilang buwan na rin ang nakararaan matapos silang maghiwalay ni Andrei. Kumusta ang status ng kanyang lovelife ngayon?

Bulalas niya, “Ay, naku, single! But I’m very happy.”

Todo-iwas na si Venus kapag natatanong tungkol sa ex-boyfriend niya. May nararamdaman pa rin ba siyang sakit?

“No. And, well, it’s a non-issue kasi for me,” paliwanag niya.

Bad breakup ba ang nangyari sa kanila, na ayaw na niyang maalala?

“There are issues na parang feeling ko is necessary to be kept, not to be talked about. And for respect na rin for the person.”

Bukas na ba siya sa pag-e-entertain ng suitors ngayon?

Sagot ni Venus, “Yes naman po. And ano ako… in God’s time, if God will send the guy for me.

“Definitely, meron naman na darating talaga, ‘di ba?

“Basta sa ngayon po, inaantay ko pa ang padala ni Lord.

“Hindi naman kailangang magmadali.”

Bakit balitang merong isang foreigner na nakikitang ka-date niya kung minsan?

“Sinong foreigner? Wala!” natawang pagtanggi ni Venus.

May balita ring isang pulitiko raw ang nanliligaw sa kanya ngayon?

“Sabi nga po, pero hindi po totoo ‘yon.

“Ang aking civil status po ngayon ay still single.

“And gusto ko, kapag serious na, that’s the time na I’ll let you know naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If it’s there… it’s there at malalaman niyo.

“At saka if ever na mag-e-entertain ako ng suitor o magbu-boyfriend ulit ako, mas gusto ko yung ordinary guy. Para po mas tahimik ang buhay.

“Pero wala muna po akong time para sa lovelife.

“Busy ako ngayon sa mga activities for a cause. That’s my advocacy.”

VENUS, THE STUDENT. Nag-aaral si Venus ngayon ng Community Development course sa University of the Philippines.

Banggit niya, “Nakakadalawang semester na po ako. So, dalawang taon na lang.”

Bakit iyon ang kursong napili niyang kunin?

Paliwanag ni Venus, “Kasi product po ako ng isang foundation noon. Isang foundation ang nagpaaral sa akin sa college.

“I took up Journalism kasi before sa Bicol University.

“And then, sabi ko, I want to have a foundation also in the future.

“Anything that has to do with education and children.

“And I also want to teach. Kasi feeling ko, I have so much to share sa mga kabataan.

“So, if I’m gonna be a teacher, I think that would be the best venue for me to share and inspire young minds.

“And siguro, kapag tumanda na po ako at wala na rin sa show business, maganda na meron pa rin akong ginagawa—even until I’m old.”



BIGGEST MISTAKE. Nang maging kinatawan ng Pilipinas si Venus sa Miss Universe 2010, sa question and answer portion ay tinanong siya: What is one big mistake that you have made in your life and what did you do to make it right?”

Ang sagot ni Venus: “You know what sir in my 22 years of existence I can say there is nothing major major, I mean problem that I have done in my life because I am very confident with my family with the love that they are giving to me. So thank you so much that I am here!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon, makalipas ang apat na taon, kung itatanong ulit sa kanya ito, maiiba na ba ang kasagutan niya?

Saad ni Venus, “Actually, marami naman po talaga akong mistakes.

“Pero still, with the help of my family and with God’s grace, nalalagpasan nating lahat ‘yon.”

Sa ngayon, may masasabi na ba siyang “biggest mistake in life” na nagawa niya?

Tugon niya, “I think, being in a relationship that you’re not sure of is really a great mistake.”

Mukhang madali siyang naka-move on sa breakup nila ni Andrei. Yun nga lang, parang nahihirapan pa siyang makahanap ng kapalit nito.

Pero ayon kay Venus, “Hindi naman daw hinahanap ang kapalit. Kusang darating na lang daw ‘yon.

“Kumbaga, ipagpi-pray mo lang na sana good yung values. Maganda yung character.

“’Tapos same kayo ng paniniwala at mahal ang pamilya mo.”



NEW BATCH OF BINIBINING PILIPINAS CANDIDATES. Year 2010 nang manalong Bb. Pilipinas-Universe si Venus. Same year din nang makapuwesto siya bilang 4th runner-up sa Miss Universe pageant.

Ano ang tingin niya sa present batch of candidates ng ongoing Binibining Pilipinas pageant?

Sagot niya, “Actually, marami akong gusto.

“Sa fashion show nga nila, may mga gusto akong candidates na nag-shine nang husto.

“Meron akong kababayan. Meron din akong mga kaibigan na sumali na dati at candidate ulit ngayon.”

Parang sa reign niya nagsimula na mapansin ulit ang gandang Pinay sa Miss Universe.

Dahil kasunod niya ay pawang pumuwesto rin sa nasabing prestigious beauty pageant sina Shamcey Supsup (3rd runner-up noong 2011), Janine Tugonon (1st runner-up noong 2012), at Airela Arrida (3rd runner-up noong 2014).

Ano ang masasabi niya rito?

“Well, sa akin, tinitingnan ko siya na… inspirational.

“Natutuwa ako na I get to inspire so many young women.

“Na kahit pala taga-probinsiya, e, okey lang na lumuwas sila ng Manila para sumali sa Binibining Pilipinas.

“Mas gusto ko po ‘yon na every year, ‘Uy, si Venus Raj nga nakaya, bakit hindi ko kakayaning higitan yung nagawa niya?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas natutuwa po ako na malaman na ganun, oo.”

Pero mukhang mas nakaka-pressure sa sinumang magiging representative ng bansa para sa Miss Universe this year dahil apat na magkakasunod na taon nang nagiging runner-up ang Pilipinas.

“Opo!” sabay ngiting pagsang-ayon ni Venus.

“Pero sinasabi naman namin sa kanila na, ‘Huwag kayong masyadong ma-pressure. Kasi kapag na-pressure kayo, hindi ninyo mai-enjoy yung pageant.’

“Sayang yung opportunity at saka yung parang once in a lifetime ngang ganun na experience.

“Lahat ng kababaihan, gustong mapunta sa kinalalagyan nila. So, just enjoy the pageant, ganun lang po.”

Bago siya nakoronohang Bb. Pilipinas-Universe noong 2010, nauna siyang sumali sa Miss Earth Philippines, kung saan naging runner-up siya sa titulong Miss Eco-Tourism.

Saad ni Venus, “I was only 19 that time.

“Okey lang naman kung ilang beses ka mang sumali sa mga beauty contest, as long as wala ka pang crown na napapanalunan.

“And nung nanalo ako as Bb. Pilipinas-Universe, iyon na ang peak ng dream ko.

“Na parang… ibang pangarap naman ang ipu-fulfill ko.

“Napakarami ko pang pangarap.

"Nabanggit ko na nga na I want to teach and I also want to have my own foundation na makakatulong sa mga kabataan.”

HOUSE IN CAMSUR. Sunod na naikuwento ni Venus ang tungkol sa ipinagawa niyang bahay sa Bato, Camarines Sur, na kanyang hometown.

Masaya raw siya na natapos na ito sa wakas.

“It’s a three-bedroom house, ‘tapos may malaking kitchen. Meron ding lanai.

“Paputul-putol ang construction nun.

“Kapag walang budget, hinto muna. ‘Tapos kapag nagka-budget ulit, tuloy na naman.

“Dito sa Manila, meron akong condo unit. Pero one bedroom lang.”

Twenty-six years old na ngayon si Venus. Anong edad niya gustong mag-asawa?

Tugon niya, “I think before 30 po. Kasi I wanna have my little kids before I reach the age of 30.

“Siguro mga dalawang anak lang, okey na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ilan ang ibigay ni Lord, okey sa akin."

Ano ang deam wedding niya?

“Ako lang po, basta ikasal ako sa taong mahal ko. ‘Yon lang.

“It doesn’t matter kung anong klase ng ceremony ‘yon.

“What’s important is may blessing ni Lord, may blessing ng pamilya, at committed ka dun sa taong papakasalan mo,” pahayag ni Venus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN