Rich Asuncion will not join beauty pageants again; frets over showing some skin in Kambal Sirena

What counts more to Rich Asuncion than being lucky in love is being blessed with career offers, signifying a stable outlook for her future in showbiz.


May mga nagsasabing dapat ngayong taon sumali si Rich Asuncion sa Binibining Pilipinas, at hindi noong 2009 kung saan pumuwesto lang siya bilang first runner-up.

Marami kasi ang humahanga sa kagandahan at kaseksihan nito ngayon, kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang nararamdaman niya tungkol dito.

Tugon ng StarStruck alumna, “Ngayon, hinayang… sana natutukan to noon.

"Kasi nong time na yun, hindi ko siya personally gusto.

"Hindi personal decision, naudyok lang ako na pasalihin… ng Artist Center [talent management arm ng GMA], yung handler ko.

"Siguro kung more years pa bago ako sumali, iyong meron akong initiative na sumali.

"Feeling ko, naunahan lang ako ng udyok ng iba.

"Pero okey lang, kumbaga hindi rin naman sobrang luhaan [talunan]."

Ayon pa kay Rich, medyo napahiya siya sa naging sagot niya sa question-and-answer portion ng beauty pageant.

“Ayaw ko yung answer ko, kasi kinabahan ako."

Paliwanag niya, "Ang dami kong iniisip noon, maraming distractions.

“Pero hindi naman totally ako talunan. At least may naiuwi naman ako, being first runner-up is not bad.

"At sa totoo lang, ayoko rin masyadong ma-lock in sa Binibini kasi gusto ko ring magtrabaho muna."

Nakausap ng PEP si Rich sa grand launch ng Kambal Sirena noong nakaraang linggo.

NOT JOINING AGAIN. Ayaw na raw niyang sumali ulit kahit sa tingin ng iba ay hinog na hinog na siya.

Isa sa mga humikayat kay Rich na sumubok muli ay ang Miss World Philippines noong nakaraang taon kung saan ang nanalo ay si Megan Young.

“Ayoko talaga,” sambit niya.

“No, no, okey na yung experience ko.

"Hindi naman tayo suwapang, sa iba naman yun."

Nasambit pa ni Rich na nagka-trauma man siya sa pagkakasali niya sa Binibining Pilipinas ay wala na ito sa kanya.

“Other than not receiving the cash prize? Charot!... Hindi, okey na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na raw niya hinahabol ang cash prize na P50,000 na dapat niyang matanggap mula sa Binibining Pilipinas bilang first runner-up.

“Pero yung mga showcase-showcase… mga damit-damit, ibinigay naman nila,” sabi niya.

Kasama ba sa agreement ng winner at ng Binibining Pilipinas Charities Inc. na kapag hindi dumalo sa mga events ang winner ay hindi niya matatanggap ang iba niyang premyo?

“Oo… basta, wala talaga yung mga bagay na dapat sa tamang kalagyan niya nung mga panahong yun.”

ZERO LOVELIFE. May mga sabi-sabi na kaya hindi nakapag-concentrate sa kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas si Rich ay dahil busy siya sa lovelife nila ni Aljur Abrenica noon.

Wala na bang balikan ng mga alaaala kapag nagkikita o nagkakasama ang dalawa sa project?

Magkasama ang dalawa sa bagong fantaserye ng GMA na Kambal Sirena.

Sagot ni Rich, “Wala na yun, matagal na yun.

"Saka wala kasi kaming time sa ganyan.

"Hindi kasi kami nagkakasama pa sa taping nang matagal.

"Malay naman natin, pag inunahan niya ako, tsitsikahin ko rin siya.

"Wala namang problema doon, basta walang magagalit.”

Si Aljur ay may kasintahan ngayon sa katauhan ni Kylie Padilla, habang si Rich ay single ngayon.

Sabi pa ng Kapuso actress, “Wala talaga, zero.

"After Ervic may dalawa pa akong dinate, hindi naman nag-work."

Ang tinutukoy ni Rich ay si Ervic Vijandre, na naging kasintahan din ni Marian Rivera at ngayon ay rumored boyfriend ni Ariella Arida, ang Miss Universe 2013 3rd runner-up.

Napangiti naman si Rich sa comment ng press na mahilig si Ervic sa mga beauty queen.

"Ayaw niya ng hindi Miss Universe, chos!” sambit ni Rich, dahil first runner-up lang ang puwesto niya sa Binibining Pilipinas.

Dagdag niya, “Basta, kung saan siya masaya.

"Happy naman ako, maraming work.

"Basta, work na lang tayo."

LUCKY IN CAREER. Kung naghahanap man siya ng boyfriend, gusto raw niya "yung patatawanin ako, yung masasandalan ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa niya, "Kasi mag-isa lang ako, yung constant companion, hindi masyadong busy.

"Yung hindi artista, in short.”

Gusto ba niyang siya lang ang busy?

“Oo, mag-adjust siya,” sagot ni Rich.

Higit isang taon na raw na single si Rich mula sa huli niyang pakikipagrelasyon.

Hindi naman siya nalulungkot sa kawalan ng lovelife dahil ang kapalit naman nito ay sunud-sunod na trabaho.

Sa paniwala nito, "Pag may lovelife, hinihigop niya ang suwerte ko.

"Siya ang nagkakatrabaho, ako hindi. Charot!"

Agad naman niya itong binawi, “Hindi, naman, joke lang yun.”

Mas mahalaga raw ngayon kay Rich na dumarating ang suwerte sa career niya.

"Hindi na ako matagal na naghihintay ng project.

"Ganito ang mga ibinibigay nila sa akin, magagandang roles.

“Saka binigyan na rin ako ng GMA ng guaranteed contract, two shows a year for three years.

“Hindi na ako mangangamba kung meron o walang ibibigay sa akin.

"Kumbaga, sigurado na akong may pagkakaabalahang trabaho sa bawat taon.”

KAMBAL SIRENA. Ang kasalukuyan ngang pinagkakaabalahan ni Rich ay ang bagong fantaserye ng GMA Network, ang Kambal Sirena, na pinagbibidahan ni Louise delos Reyes.

Kaya lang, aminadong nahirapan si Rich na mag-topless sa taping.

Kuwento ng aktres, nilagyan ng double adhesive ang kanyang dibdib upang hindi matanggal ang nakatakip na buhok sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Pero hindi rin raw ito naging safe dahil nakitaan din raw si Rich sa eksena.

Lahad niya, “’Di ba [sa trailer], nong lumalangoy ako, nakitaan ako ng... pero may adhesive naman.

“Iniisip ko na lang na trabaho ito para sa ikabubuti ng buhay. Kumikita ka ng pangkabuhayan.

“Hindi naman nakikita yung ano [nipple] ko, yun talaga dapat takip yun, secure na secure.

“Though kita yung mga pisngi-pisngi [ng boobs], hindi naman siya bastusin kahit kakarampot lang aking boobing [dibdib].”



TOUGH JOB. Ayon pa kay Rich, kapag nagti-take na sila nang naka-costume ay pinapaalis na ang mag taong hindi kailangan sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alaga naman kami sa set.”

Ano ang pakiramdam niya kapag naka-costume na siya bilang sirena at halos wala nang damit?

Sagot ni Rich, “Mas nanaig yung ginaw, ang lamig kaya.

"Batangas kaya kami, paiba-iba—Anilao, Nasugbu, Laiya.

"Then, may Cavite kami, may pool.

"Meron kaming chroma, harness... mahirap din.

"Ibinitin ka... actually mas nagha-harness kami kaysa sa Darna.

“Kasi mas dapat na maging consistent yung fluidity mo sa tubig, dapat ganun din siya sa chroma.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN