Lovi Poe on slapping Maricel Soriano in their drama series: “Oh, my God! You know, parang hindi ko kaya talaga!”

Aminado si Lovi Poe na bilang isang public figure ay hindi maiiwasang usisain ang kanyang personal na buhay. "Oo, pero mas masarap kasi na… yung pinag-uusapan sa ‘yo is about your craft, not your personal life."


Todo ang ginagawang paghahanda ngayon ni Lovi Poe para sa gagawin niyang bagong primetime series sa GMA Network, kung saan makakasama niya sina Dingdong Dantes at Maricel Soriano.

“I’m getting ready for it,” masiglang bungad ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) noong March 9.

Ibang-iba raw ang atake ng teleseryeng ito na ididirek ni Andoy Ranay, ang Dalawang Mrs. Real.

Saad pa ni Lovi, “Definitely it’s not a typical soap opera, kasi makakasama namin dito si Ms. Maricel Soriano.

"It’s gonna be extraordinary."

MAJOR CHANGE. Hindi pa raw naisagawa ang story conference ngunit nag-meeting na silang tatlo—si Lovi, Maricel, at Dingdong kasama ang buong staff ng bagong teleserye.

“The meeting was very good.

"Napag-usapan na namin yung pilot epiode.

"Excited kaming lahat dahil nga may kanya-kanyang kaming istorya.

“At saka may mga kailangan akong pag-aralan for my character, hindi siya the usual Lovi na napapanood ninyo dati.

“Magpapagupit nga ako ng buhok, talagang may major change.

"Kailangan ko ng change, hindi lang sa looks but even sa personality.

“Hindi siya chill na ganito.”

Base sa working title nito na Dalawang Mrs. Real, tila pag-aagawan nina Lovi at Maricel si Dingdong.

Nangingiting pahayag ni Lovi, “It’s hard for me to say kung anong klaseng agawan yung mangyayari, kasi nga it’s not the usual.”

SAMPALAN BLUES. Ayon kay Lovi, hindi pa rin nila napag-uusapan kung magkakaroon ng tarayan, sampalan, at matitinding confrontation scenes ang teleserye.

"‘Coz we don’t want it to be the same nga sa typical na soap opera."

If ever, kakayanin ba niyang sampalin ang Diamond Star na nabansagan ding Taray Queen?

“Oh, my God! You know, parang hindi ko kaya talaga!” sabay tawa ng Kapuso actress.

“I have high respect for her, like, super!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I thought of that na sabi ko, ’My God, how can I even like push her?’

"I can’t do it, hindi kaya, hindi ko kaya," naiiling pa niyang sabi.

Pero kapag naman daw ni-require nga ito kanya, "Susubukan kong kayanin."

Kung siya naman ang sasampalin ni Maricel, since idol niya ito, “Okey lang, oh my God, I’ll accept it, willing ako, of course!"

Sambit pa ni Lovi, “Kanino ka pa ba magpapasampal kundi kay Ms. Maricel Soriano, privilege ‘yon, talaga!

“Makasama mo lang siya sa eksena e malaking bagay na para sa akin.”

Pressure at excitement daw ang nararamdaman ni Lovi sa pagsasama nila ni Maricel bilang major characters sa isang major project.

Aniya, “One of the things that I’ve dreamed of ever since is to be with Ms. Maricel Soriano.

“Now that it’s about to happen, parang kinakabahan ako.

"Of course it’s always nice to accept another challenge.

“And I’m sure marami akong matututunan kay Ms. Maricel.

"She’s a very, very wonderful person at nung nagkasama kami, magaan ang loob ko sa kanya kaagad, she was very nice to me.

“So I know everything will go smoothly.”



KISSY-KISSY. Pangalawang beses naman daw niyang makatrabaho si Dingdong sa bagong seryeng gagawin nila sa GMA.

Una silang nagkasama sa pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Saad ni Lovi, “This is our first soap together and I’m happy for the chance to work with him again.

"Lagi naman akong ilang kapag may kasama akong lalaki, I’m very shy.

"But with Dingdong naman, very maalaga siya, so I’m sure there’s no problem."

Handa na rin daw siya kung sakaling may kissing scenes sila ni Dingdong dahil nagawa na raw niya ito sa pelikula nilang dalawa, "but not so much."

And will there be so much kissing scenes between Dingdong and Maricel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know! Nakalagay na ‘yon sa kamay ng mga writers!” sabay tawa ni Lovi.



AS USUAL. Napunta na sa usapan ang nali-link sa kanya ngayon na si Rocco Nacino, nang tanungin si Lovi kung may magseselos sa parte niya sa love scenes nila ni Dingdong.

Reaksyon nito, “Ay, wala, of course!”

At kung ano man ang estado ng relasyon niya kay Rocco ay ito iyon: “We’re very chill… ‘yon! Oo.”

Kapag natatanong sila ni Rocco tungkol sa real score sa kanilang dalawa, ang madalas nilang naisasagot ay “We’re getting there.”

Nakakarating na ba sa dapat kapuntahan ang magandang pagtitinginan nila sa ngayon?

“No. No. No. No.

"You know me naman, I don’t speak about my personal life that much, e!” tawa ni Lovi.

They want to keep it in private?

“I don’t know, I’m not comfortable talaga talking about my personal life.

"’Yon! And I expect the same from Rocco."

So, read between the lines na lang, gano’n?

“Yes!” matipid pa ring sagot ni Lovi.

STILL MUM. Aminado si Lovi na pareho silang public figure ni Rocco kaya hindi maiiwasang usisain ang personal nilang buhay, partikular ang tungkol sa status ng relationship nila sa ngayon.

Pahayag into, “Oo, pero mas masarap kasi na yung pinag-uusapan sa ‘yo is about your craft, not your personal life.

“Kumbaga, napagdaanan ko na ‘yon like a million times before.”

Gusto niyang proteksyunan kung anuman ang meron sa kanila ni Rocco kaya mas gusto niyang huwag na lang maging vocal hinggil dito?

“I’m not really very vocal, e, I don’t know how to put my feelings into words.

"So I’d rather not speak about it, ’yon."

May nasabi kamakailan si Rocco na gusto raw niyang yayain si Lovi na magbakasyon sila na naka-backpack lang sa isang Asian country ngayong summer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Lovi dito?

“Yeah, why not, let’s see!

“Well, my sister is in Europe now, I can go visit her.”

Doon na lang niya yayayain o isasama si Rocco?

“I don’t know, let’s see.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN