Jobert Sucaldito to PMPC: "I challenge them to sue me."

“We will reap the fruits of this thing in the end. Kasi, industry problem ‘yan, e, it’s sickening, sobra na ‘yan, matagal na ‘yan,” says Jobert Sucaldito about exposing the alleged anomaly in the recent 30th PMPC Star Awards for Movies.


“Nakakatuwa habang binabasa ko.”

Ito raw ang naging reaksiyon ni Jobert Sucaldito nang mabasa niya ang official statement ng Philippine Movie Press Club (PMPC) tungkol sa isiniwalat niyang anomalya diumano sa nakaraang 30th PMPC Star Awards for Movies.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa entertainment columnist-radio kagabi, March 12, sinabi niyang hindi siya bilib sa ginawang official statement ng PMPC.

Read: PMPC refutes vote-buying allegation at the Star Awards for Movies

“Ang comment ko lang, siguro habang isinusulat nila, kinu-compose nila ang kanilang official statement, for sure ang mga balahibo nila at pati sa kili-kili nila ay nagtayuan dahil sa kahihiyan, because they know they’re composing a lie.

“Kaya sabi ko, isa lang ang katapat ko diyan, isang malutong na halakhak.”

Naninindigan si Jobert sa nauna niyang pahayag kung saan nabanggit ang umano’y “bayaran” at “dagdag-bawas” para sa mananalong Movie Actor of the Year.

Kabilang sa mga nominado sina Vice Ganda (Girl, Boy, Bakla, Tomboy), ER Ejercito (Shoot To Kill: Boy Golden), at Joel Torre (On The Job).

Sa awards night na ginanap noong Linggo, March 9, ang itinanghal na nanalo ay si Vice.

Tinanong ng PEP si Jobert kung handa ba siya kung sakaling magsampa ng kaso laban sa kanya ang PMPC.

Sagot niya, “I challenge them to sue me para maglabasan lahat, para doon na sila tuluyang mawasak.

“‘Yon ang gusto ko nga, e. I even expected that they’ll go that far.

“Kapag ginawa nila ‘yan, wasak talaga sila dahil hawak ko ang ebidensiya ko.”

Read: PMPC Star Awards for Movies results marred by vote-buying accusation



SOURGRAPE. Dahil sa kanyang ginawang pagsisiwalat, may ilang nagsasabi na maaaring nagsa-sourgraping lamang si Jobert dahil hindi nanalo ang ikinampanya niyang si Laguna Governor ER Ejercito.

Pinabulaanan naman ito ni Jobert.

Aniya, “Hindi puwedeng sabihing sourgraping kasi, unang-una, I don’t really believe in them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Between ER, na ni-lobby ko, and Vice, I think the rightful winner is Joel Torre, e.”

Patuloy pa niya, “Hindi ako puwedeng mag-sourgrape because si ER, dalawang beses nang nanalo, two consecutive.

“Kasuwapangan naman namin kung gusto pa namin na aming na lahat.

“Kaya lang, dahil si Joel Torre ay hindi nila papanalunin, between Vice naman and ER, kay ER na ako.

“Kasi, ‘yan ay bonus lang naman.

“Kung first year namin siguro ito, puwede pang isiping ganun, e.”

Nanalong Movie Actor of the Year si ER sa Star Awards for Movies noong 2012 para sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story at noong 2013 para sa El Presidente.

Ano ang masasabi niya sa usap-usapang si ER daw ang nagbigay sa kanya ng pera para "mag-lobby" sa mga miyembro ng PMPC?

Tanggi ni Jobert, “Kahit halughugin niyo pa yung opisina, wala siyang kinalaman.

“Pera ko ‘to. Pera ko ‘to, ubos na ang pera ko.”

Bukod kay ER, aminado si Jobert na nag-lobby rin siya para sa leading lady ng Boy Golden na si KC Concepcion, na siyang nagwaging Movie Actress of the Year.

Katuwiran niya, “Ni-lobby ko ‘yan. Bakit? Kasi pelikula ko ‘yon.”

Dahil sa kanyang mga nasabi, handa na rin umano si Jobert sa anumang negatibong masasabi tungkol sa kanya.

“Sanay naman tayo sa ganitong buhay.

“As long as wala silang hawak na baril at ikamamatay ko bukas.

“Marami naman akong friends from the inside.

“It’s the system that we’re fighting.

"My relationships with them, hindi pa rin nagbabago. It’s just the system.”

Diin pa niya, “Sa mga trumatrabaho ng ganyan, sa mga nagpapabili at nagpapagoyo, this is all for you. It’s not just PMPC.”



NOTHING PERSONAL. Sa ginawa niyang pagsisiwalat, nilinaw ni Jobert na hindi naman ito personal na atake sa artista kundi sa sistema ng pagpili ng mananalo ng organisasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng pangyayari, sinabi pa niyang wala siyang personal na galit kay Vice.

“Naaawa rin ako kay Vice kasi biktima rin siya.

“Sabi ko nga, lahat ng artista—singer o aktor—nangangarap naman talagang mag-level up. Normal lang ‘yon.

“Ang problema lang kasi, yung iba nagmamadali.

“Walang kasalanan si Vice dito, nangarap lang din siya.

“Hindi naman niya kasalanan ‘yan.

“Ang organisasyon ang may problema kasi nga yung iba diyan, nagbebenta ng boto.”

At kung sakaling si Joel Torre ang itinanghal na Movie Actor of the Year, hindi raw aalma si Jobert.

Sabi niya, “Papalakpakan ko siya.

“I felt so bad for him.

“Alam mo, nakita ko yung grupo nina Peque Gallaga, Lore Reyes, Cherie Gil, when Vice’s name was announced, they stood out na nakikita ang mukha na nalulungkot sila.

“Alam mo, sana nga wala nang ganun-ganun.”



CHALLENGE TO AWARD-GIVING BODIES. Sa kabila nito, nanindigan si Jobert sa kanyang naging unang pahayag.

Ang pagsisiwalat daw niya ay para sa ikabubuti ng mga award-giving bodies ’tulad ng PMPC.

Sabi ni Jobert, “Biktima tayong lahat dito. Pero nagbubukas ito ng aral sa industry.

“Sa ngayon, medyo masakit pa ‘yan sa mga involved.

“Pero eventually, mae-enjoy natin ito, e.

“We will reap the fruits of this thing in the end.

“Kasi, industry problem ‘yan, e, it’s sickening. Sobra na ‘yan, matagal na ‘yan.”

Dagdag pa niya, “Sa ngayon, magdudulot pa ’yan ng sama ng loob.

“Pero alam mo, hopefully, very soon, maiilang na sila.

“This time, yung mga susunod na awards, they’ll come up with rightful winners, makakatulong ito sa ating lahat.

“Siyempre, makikita nila ang mga pangyayaring ito, hindi sila papayag na mangyari rin sa kanila.

"Kasi, alam nila na may precent na hindi maganda.”

Kung maaari raw sana sa mga susunod na pagbibigay ng parangal, “Wala nang magpapasulsol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Amongst yourselves, pumili kayo ng matino, ng maayos, kahit na walang pangalan ‘yan basta magaling.

“Kapag bilangan, bilangin ninyo in front of an accountant.

“Dati raw ginagawa nila ‘yan, e.

“Ngayon, wala na, tatlo lang sila sa execom na may hawak.”

Samantala, mananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag na gustong ipalabas ng PMPC tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN