Ruru Madrid turns down TV project because of his religion

Ruru Madrid on focusing on his career and studies: "Okey muna ako sa ganito—focused sa career at sa pag-aaral. Although open rin naman po ako kung sakaling may ma-meet ako na gugustuhin kong ligawan o maging girlfriend.Sa ngayon, hinihintay ko lang na may dumating, e.Pero habang wala pa, career at pag-aaral muna. Ito muna ang gagawin kong lovelife!"


Hindi man nanalo bilang New Movie Actor of the Year si Ruru Madrid sa 30th PMPC Star Awards For Movies, na ginanap sa Solaire Hotel noong Linggo, March 9, wala raw siyang naramdamang pagkadismaya.

“Siyempre po, maging part lang ako ng mga nominado, masaya na ako.

“Isang malaking karangalan na ‘yon,” sabi ng Kapuso teen actor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Last year, si Ruru ang nanalo bilang New Male TV Personality sa PMPC Star Awards For Television. At naging isang malaking inspirasyon daw para sa kanya ang nasabing award.

“Malaking bagay po yung nare-recognize ka kahit baguhan pa lang na artista para mas mag-push pa ako sa trabaho na ‘to.”

Nagmarka ang performance ni Ruru sa indie film na Bamboo Flowers. Ito ang naging daan para masama siya sa list of nominees bilang New Movie Actor of the Year ng Star Awards for Movies na kinabibilangan din nina Rodjun Cruz, Teejay Marquez, Akihiro Blanco, Arkin del Rosario, Mimi Juareza, Kiko Matos, at ng nanalong si Vince Tañada na isang baguhang indie actor.

CHOOSING HIS ROLES. Mapili na ba siya ngayon sa tatanggaping roles?

Sagot ni Ruru, “Actually, hindi po ako ang namimili ng roles.

“Yug manager ko po ang nagdi-decide tungkol sa bagay na ‘yan.”

Ang manager ni Ruru ay ang award-winning director na si Maryo J. de los Reyes.

Kuwento pa ng binata, “May isang role nga recently na maganda sana, pero hindi namin nagawang tanggapin. Sayang.

“May involve po kasi na religion dun sa role na ‘yon. I’m an INC [Iglesia Ni Cristo] po kasi.

“So, sa amin pong mga INC… talagang grabe yung faith ko.

“Kapag may conflict sa pagiging INC ko, gaano man kaganda ang role, hindi ko po puwedeng tanggapin.

“Sa isang bagong TV series po ‘yon. Hindi ko na lang po tutukuyin kung anong show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagpaalam po ako sa Iglesia Ni Cristo about that role.

“Sabi nila, alam na daw po namin ang sagot, so kami na po ang tumanggi.

“And naintindihan naman po ng management ng GMA-7 na grabe raw pala talaga ang faith ko.

“Siguro gano’n nga po talaga, na kailangan kong magdesisyon kapag sinusubok ang pananampalataya ko.”

TV PROJECTS. Pinakahuling drama project ni Ruru sa GMA ang weekly series na Dormitoryo at ang primetime series na Akin Pa Rin Ang Bukas.

Regular siyang napapanood ngayon sa musical-variety show na Sunday All Stars.

Saad niya, “Hindi naman po ako nawawalan ng ibang TV guesting at saka mga out-of-town shows.

“Ngayon, I have much time na mag-exercise. Hindi pa po kasi ako puwedeng mag-gym.

“So, nagba-basketball ako, ‘tapos push-ups… gano’n.

“Also, tuloy lang ang regular schooling ko sa Marikina Christian Life College. Third year high school po ako.

“Okey muna ako sa ganito—focused sa career at sa pag-aaral.”

Dagdag pa ng 16-year-old actor, “Although open rin naman po ako kung sakaling may ma-meet ako na gugustuhin kong ligawan o maging girlfriend.

“Sa ngayon, hinihintay ko lang na may dumating, e.

“Pero habang wala pa, career at pag-aaral muna. Ito muna ang gagawin kong lovelife!” tawa niya.

“Pero kung sa crush, marami nga po akong crush na mga artista, e.

“Unang-una na si Ate Yan… Marian Rivera.

“Crush ko rin po si Barbie Forteza at saka si Julia Barretto.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN