Jose Manalo’s daughter tried to commit suicide, lawyer confirms

“Laging umiiyak at laging hinahanap yung tatay at hinahanap yung mga pangako ng tatay na siya’y haharapin, na sila’y susuportahan,” says Atty. Dennis Manahan about the daughter of Eat Bulaga! host Jose Manalo.


Nakatanggap ang ilang miyembro ng entertainment media, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ng suicide note na gawa diumano ng pangalawa sa bunsong anak ng Eat Bulaga! host na si Jose Manalo.

Kinumpirma naman ito ni Atty. Dennis Pangan, legal counsel ng anak ni Jose, sa isang panayam sa radyo, na nailathala sa website ng Philippine STAR kanina, March 13.

Ayon kay Atty. Pangan, nagtangkang magpakamatay ang 17-year-old na anak ni Jose kagabi, March 12, sa pamamagitan ng pag-inom ng sari-saring gamot.

“Noong abutan po ng kanyang ina ay nakahandusay na po yung bata at wala na pong malay at sinugod po sa pagamutan," salaysay ni Atty. Pangan.

Ang sinasabing dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng anak ni Jose ay matinding depresyon na dulot umano ng hindi pagtupad ng ama sa mga naipangako sa kanila.

Kabilang dito ang tulong na pinansiyal para sa kanyang pag-aaral.

Sabi ni Atty. Pangan, “Laging umiiyak at laging hinahanap yung tatay at hinahanap yung mga pangako ng tatay na siya’y haharapin, na sila’y susuportahan.

“At dahil po sa hindi pagsuporta sa bata, ito ngang nag-suicide ay ’di na pumasok sa eskuwelahan ‘tapos nalipat ng eskwelahan.

“Pinangakuang babayaran yung tuition fee. Hindi binabayaran yung tuition fee.

"At last week, sinabihan na hindi mag-aaral yung bata."

Nabanggit din ng abugado na labis ding nalulungkot ang anak ni Jose para sa bunsong kapatid nito.

“Sobrang depressed po siya para sa bunsong kapatid dahil noong Pasko raw po, ni isang kendi wala daw ipinadala yung tatay o ng kung ano man na naalala sila ng tatay nila.

“Parang hanggang ngayon ho ay parang hindi sila tinuturing na anak ng kanilang tatay," sabi ni Atty. Pangan.

Ang anak na ito ni Jose na nagtangkang magpakamatay ang nagsampa ng reklamong child abuse laban sa comedian-TV host noong nakaraang taon.

Ito ay sa kadahilanang hindi raw nagbibigay ng anumang financial support para sa kanyang pag-aaral ang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ito ang unang pagkakataon na naringgan ang mga anak ni Jose sa estranged wife na si Analyn Manalo tungkol sa hindi pagbibigay ng TV host ng financial support.

Sa dating panayam ng PEP sa panganay nilang anak na si Nicco, sinabi nito, “Ako, ipinagdadasal ko talaga na maayos at magkasundo.

“Forget about kung ano ang gusto niya, ano ang gusto niya.

“Isipin natin ang responsibilities natin, kung ano ang kaakibat niyan, and kung sino ang mga taong involved na dapat hindi nadadamay.”

Read: Nicco Manalo on dad Jose Manalo: "It’s not too much hatred, it’s more of a lot of questions, na siguro soon ay masasagot."

Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag ang kampo ni Jose tungkol sa insidenteng ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN