Robi Domingo says he and girlfriend Gretchen Ho have agreed not to do shows together

Robi Domingo is successful in his dream job of hosting reality shows "and I would like to grow in this field that I chose."


Magtatapos pa lang ang Biggest Loser Pinoy Edition Doubles sa isang buwan, kung saan segment host si Robi Domingo, ay naghahanda na ang young TV host-actor sa pag-uumpisa ng dalawa niyang magkasunod na reality shows sa ABS-CBN.

Isa rin si Robi sa naging host ng katatapos na 30th PMPC Star Awards For Movies, kung saan nakasama niya sina Maja Salvador, Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Richard Gomez, at Dawn Zulueta.

Nalayo na talaga siya sa acting?

Pagsang-ayon ni Robi, “Well, you can say that.

"Pero hindi pa rin nagsasarado yung pintuan ko sa acting po.

“Kasi kahit nalilinya ako ngayon sa hosting, kailangan ko ring mapagdaanan yung acting.

"It would be nice if I can do both, ’di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robi pagkatapos ng Star Awards for Movies noong Linggo, March 9, sa Solaire Hotel.

DREAM JOB. Dalawa hanggang tatlong beses isang linggo ay nasa camp ng Biggest Loser si Robi.

Saad nito, “Whenever there are challenges sa mga contestants, I’ll be there.”

Dagdag pa niya, “We’re finishing up Pinoy Edition Doubles, parang hanggang April 26 yata yung show.

“And then, papasok yata po yung Season 5 ng Pinoy Big Brother, ’tapos yung The Voice Philippines Season 2.

"Puro reality shows ang naka-lineup sa akin at masasabi ko na ito po talaga ang buhay ko when it comes to hosting."

Ito rin daw ang kanyang dream job at kuntento na siya sa takbo ng kanyang career ngayon.

"Sobra!" bulalas niya.

“I’m still living the dream, ito talaga ang gusto ko, e.

"And I would like to grow in this field that I chose."

GIRLFRIEND. Nangiti si Robi nang matanong tungkol sa girlfriend niyang si Gretchen Ho, na nakilala bilang volleyball star ng Ateneo Lady Eagles at ngayon ay TV host sa sports channel ng ABS-CBN.

Kita naman sa aura niya na masaya siya dahil balance at maganda ang estado ng kanyang career at lovelife sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re doing fine, we really find time for each other once or twice week at least.

"Kasi importante ang communication talaga, e.

“For the record, one year na ang relasyon namin next week.”

Nagsi-celebrate din ba sila ng "monthsary" gaya ng karamihan sa magkarelasyon?

Tugon ni Robi, “Monthsary? Not so much.

"Kasi for me, it defeats the purpose of celebrating the [real] anniversary.”

Robi is 24, Gretchen is 23. Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

“Hindi pa, malayo pa,” sabay ngiti niya.

“Kasi I think we’re too young to think about marriage, starting a family.

“Sobrang layo pa.

“Right now... I think we are about to reach our prime pa rin, we are achieving that one.”



SEPARATE WORLDS. Sumasabak na rin sa hosting stints si Gretchen. Ano ba ang career goal o plans nito sa pagkakaalam niya?

Pahayag ni Robi, “I think she wants to be like a mix of Dyan Castillejo and Bianca Gonzalez—hosting and reporting.”

Pero ayaw raw nilang pareho na magkasama sa isang project o show.

Paliwanag ni Robi, "We don’t want to mix the working environment with our personal lives."

"Kasi ang dami nang nangyayaring gano’n.

"Ayaw lang naming i-risk so much.

“Masaya na kami doing our jobs separately, we want to be in our own worlds.

"And then meet in the middle.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN