Gabby Eigenmann hands off in Jaclyn Jose-Andi Eigenmann feud

Gabby Eigenmann says he’s been talking to ex-sweethearts Joyce Ching and Kristoffer Martin, his young co-stars in Paraiso Ko’y Ikaw. According to him, "What happens in the near future basta alam nilang sila talaga. Feeling ko they are trying to prepare themselves. Mga bata pa kasi sila. When they are mature enough and if they are meant to be, they are meant to be."


Malapit nang magtapos ang early primetime series ng GMA na Paraiso Ko’y Ikaw, kung saan kabilang sa cast si Gabby Eigenmann.

Samantala, patuloy pa ring naghu-host at nagpe-perform si Gabby sa regional shows ng GMA-7.

Natutuwa raw ang aktor dahil parang nababalanse ang ginagawa niya mula sa telebisyon na puro pag-arte naman.

Sa mga hindi nakakaalam, unang nakilala si Gabby bilang isang singer at TV host sa dating musical-variety show ng GMA na SOP.

Nakapag-release na rin siya ng dalawang albums—ang Loving mula sa Viva Records at Sa Di Kalayuan mula sa GMA Records.

Babalikan na ba ni Gabby ang kanyang singing career na tila napabayaan niya?

Tugon niya, “Well, hindi naman literal na napabayaan.

"Kaya nga kapag may regional, kahit mag-host o kumanta, doon ko na lang naibubuhos ulit.

"Nakaka-miss kasi minsan kumanta.

“And it’s been years na rin naman since nag-focus ako sa singing ko and parang new chapter na rin sa pag-arte.

"Kasi pinagsabay ko, I never really found my niché as a singer.

"Same thing being a host and actor, at the same time, kailangan may isa dun na nangingibabaw."

At sa totoo raw, pagiging commercial model lang naman ang hangad niya noon hanggang sa mapasok na nga siya sa showbiz.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa opisina ng PPL Entertainment Inc., sa Quezon City.

ON KRIS AND JOYCE. Kinumusta rin ng PEP kay Gabby ang tatlong bagets na kasama niya sa Paraiso Ko’y Ikaw—sina Kim Rodriguez, Joyce Ching, at Kristoffer Martin.

Ayon sa aktor, “Okay naman silang tatlo. They are friends, they constantly talk to each other.

"Sina Joyce at Kristoffer naman, kahit wala naman na silang relasyon, they remain friends.

"Kinakausap ko yung dalawang yun."

Dati nang nakasama ni Gabby sina Joyce at Kristoffer sa primetime series na Munting Heredera noong magkasintahan pa ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng 36-year-old actor, “Si Kris, nakausap ko, one-on-one, nakakatuwa.

"I heard his side. Tinanong ko siya, ’What is love?’

"Sabi niya, ’Love is a verb.’

"’Di ba, verb, action word yun, so ang dami mong puwedeng gawin, sacrifice, ang dami.

"Sa edad nila, akala nila, alam nila.

“Siyempre, that’s how they see it at a young age, e.

“Si Joyce naman, she’s hanging on to something na... basta alam niyang okay sila.

"What happens in the near future, basta alam nilang sila talaga.

"Feeling ko, they are trying to prepare themselves.

"Nakakatuwa silang dalawa, mga bata pa kasi sila.

"When they are mature enough and if they are meant to be, they are meant to be."

ON KIM. Unang beses naman daw niyang makatrabaho si Kim at nasurpresa raw siya rito.

Saad ni Gabby, "May potential yung bata to grow as an artist.

"May eksena kaming ginawa, nararamdaman ko na medyo nahirapan siya.

"But then again, sabi ko, ’I’m here. I’ll guide you, I’ll help you.’

"Throughout the day, naging comfortable na siya, naging okay na.

“So, every time we look at each other’s eyes, may mararamdaman ka.

"Actually, silang tatlo, pagdating sa pag-arte, hindi sila yung papetiks-petiks lang."



DOUBLE NOMINATION. Sa kaso naman ni Gabby, kinikilala na siya ngayon bilang isang mahusay na aktor.

Sa gaganapin ngang Golden Screen TV Awards sa Teatrino Greenhills sa March 21, nominado si Gabby sa dalawang kategorya: Outstanding Performance by an Actor in a Single Drama/Telemovie Program para sa pagganap niya sa Magpakailanman: Kagat ng Aso at Oustanding Supporting Actor in a Drama Program para sa Mundo Mo’y Akin.

Isang magandang regalo raw sa nakaraang birthday ni Gabby, noong March 2, ang natanggap niyang double nomination.

Saad niya “Noong isang gabi kasi, hindi ako makatulog, so nagbabasa-basa lang ako sa Twitter, biglang naglabas ng list.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, nauna ko pa ngang nabasa sa DongYan [Twitter page] pa na nominated si Dingdong [Dantes], nominated si Yan [Marian Rivera].

"Noong makita ko yung pangalan ko sa Outstanding Supporting Actor, natuwa ako.

"Noong ginawa ko yung Mundo Mo’y Akin, I was just doing my job.

"Kaming dalawa ni Tita Jane [Jaclyn Jose, his co-star] yung nagbibigay ng puso, then sine-share namin sa iba para pagandahin ang eksena.

“Hindi naman namin ginagawa yun para ma-nominate o manalo, ginagawa namin yun para pagandahin ang eksena o show.

"Yung effort namin to make the show nice or to make the scene nice, napansin.

"Sabi ko, if that mattered at nakita, okey na kami."

Nagulat raw siya nang lumabas na naman ang pangalan niya sa listahan ng nominees para sa Outstanding Single Performance.

Saad niya, "Yung episode na ’Kagat ng Aso,’ yun ang pinaghirapan ko talaga.

"Although hindi ako nag-immersion, I did my research.

"Pinag-aralan ko kung paano ba ang isang taong na kinagat ng aso at nagkaroon ng rabies."

Ayaw raw nitong "mag-expect" at masaya na ito na nominado siya.

"Nakita ko ang lineup, okay na mahilera lang ako.

“To be nominated is a great privilege, I take it as a recognition.”

Pero natatawa nitong dagdag, "But if you’ll really dig inside my heart and you really want me to say it, siyempre pinaghirapan ko yun."



FAMILY ISSUES. Nabanggit na rin lang niya si Jaclyn Jose, tinanong ng PEP si Gabby kung hindi ba niya sinubukang pag-ayusin ang aktres at ang anak nitong si Andi Eigenmann.

Magkapatid sa ama sina Gabby at Andi, samantalang magkaiba naman ang kanilang mga ina.

Ang ama nila ay ang aktor na si Mark Gil; ang ina ni Gabby ay ang actress-model na si Irene Celebre; at si Jaclyn naman ang ina ni Andi.

Sagot ni Gabby tungkol kina Jaclyn at Andi, “I never meddle, but if they feel like asking, that’s the time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kung ako, yung papasok ko ang sarili ko, hindi, e.

"Napapakiusapan naman ako ni Tita Jane, parang, ’Ikaw na ang bahala. Kung may gusto man akong iparating, ikaw na ang bahala.’

"Kung hindi niya matutukan o maibigay ang gusto niya kay Andi, nandito ako.

“Yung tampuhan naman na ‘yan, ever since naman ‘yan.

"Although nandito kami, pero ang pagiging mother ni Tita Jane kay Andi, hanggang kamatayan yun."

Dugtong pa niya, “Si Andi is growing up as a mother as well.

"She’s a single mother, she wants to try to do things on her own.

"Hindi naman pinagbabawalan o pinipigilan siya, yung decision-making lang naman.

"Nandiyan si Tita Jane, hindi naman to make kontra but to give her take on that.”

Bilang kuya, sinasabihan din ba niya si Andi?

“Oo, hindi mawawala yun, she understands naman.

"Si Andi kasi, free-spirited ‘yan.

"Pero sabi ko nga sa kanya, ’The decisions that you make will not be always right. The people around you, who cares for you, they are all here to guide you.’"

Kinumpirma rin ni Gabby na naghahanap ngayon si Andi ng mas malaking condo unit para sa sarili nito at sa anak na si Ellie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN