Gerald Anderson says girlfriend Maja Salvador has nothing to worry about his team-up with Anne Curtis

Gerald Anderson on working with Anne Curtis for the first time: “Like I said kanina, sobra akong nae-excite. Nae-excite ako para sa viewers because it’s a new tandem, it’s something exciting. Kasi siyempre, as a leading man, pangarap ko ring makasama si Anne, so I just hope na suportahan kami ng tao.”


First time makatrabaho ni Gerald Anderson si Anne Curtis sa bagong fantaseryeng handog ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television, ang Dyesebel, na magsisimulang umere sa Lunes, Marso 17.

Kung si Anne ang sirenang si Dyesebel, ginagampanan naman ni Gerald ang isa sa mga leading men nito bilang ang taga-lupang si Fredo.

Ka-love triangle nila si Sam Milby bilang ang sirenong si Liro.

Kaya naman sa grand press launch ng Dyesebel na ginanap kagabi, Marso 13, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound, ay natanong si Gerald kung kumusta naman ang unang pagtatrabaho nila ni Anne.

Sagot ng Kapamilya hunk, “Very exciting. Ito yung first time kong makasama si Anne.

“It’s one of the reasons kung bakit ko rin ito tinanggap and it’s gonna be a very exciting tandem para po sa lahat.”

Ano ang dating sa kanya ni Anne kapag naka-sirena na ito?

“Siyempre, it’s obvious na she’s very beautiful, very sexy, of course.

“Pero pag nasa taping po kami, mas actually nagbabantay po ako, e, kasi mabigat po yung buntot niya.”

Binubuhat niya ba si Anne?

“Minsan kapag nililipat po namin ng puwesto. Teamwork po kaming lahat,” sagot niya.



UNDERWATER ROMANCE. Pagkatapos ng presscon proper ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap pa si Gerald.

Inamin nga ng young actor na pinangarap niya ring makapareha si Anne.

Saad niya, “Like I said kanina, sobra akong nae-excite.

“Nae-excite ako para sa viewers because it’s a new tandem, it’s something exciting.

“Kasi siyempre, as a leading man, pangarap ko ring makasama si Anne, so I just hope na suportahan kami ng tao.”

Bilang sirena at sireno, sina Anne at Sam ang madalas na magkaroon ng underwater scenes.

Pero ayon kay Gerald, may mga eksena rin sila ni Anne sa tubig.

“Yeah, marami kaming mga eksena sa tubig na nagkaroon kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napaka-beautiful, napakaganda talaga, lahat ng shots namin, we’re underwater.

“Meron kaming crew talaga na pang-underwater.”

Matatawag niya ba itong “underwater romance?”

Sabi ni Gerald, “Yeah, actually dito lang nila mapapanood iyan sa Dyesebel.

“’Di ba, wala tayong teleserye na, you know, yung mga kilig moments, yung mga beautiful moments sa ilalim ng tubig?

“So, isa iyan sa mga dapat abangan.”



NO JEALOUSY. Para kay Gerald, ano ang best qualities ni Anne?

“Well, siyempre professionalism. Sobrang mahal na mahal niya ang trabaho niya.

“And kung physically, she’s a very beautiful girl.”

Dahil si Anne nga ay “very beautiful girl” at mayroon pa silang “underwater romance,” hindi ba pagmumulan ito ng selos ng girlfriend ni Gerald na si Maja Salvador?

Tugon ni Gerald, “A, wala naman, hindi naman. Alam naman niya it’s all work, e.”

Pareho naman daw silang artista ni Maja kaya naiintindihan nila ang trabaho ng isa’t isa.

Bukod diyan, may boyfriend din si Anne sa totoong buhay sa katauhan ni Erwan Heussaff.

Advantage ba iyon na pareho silang may karelasyon ngayon ni Anne kaya walang magaganap na selosan?

Sabi ni Gerald, “Kaya nga naging okay yung working relationship.

“Sa ngayon, nakailan [eksena] pa lang kami, but napakasaya ng taping namin.”

Masaya nga raw si Maja para kay Gerald sa panibagong proyekto niya at very supportive daw ito sa kanyang career.



BATTLE OF HUNKS. Dahil sa pagkakaroon ng dalawang sirena-serye sa primetime—ang Dyesebel ng ABS-CBN at Kambal Sirena ng GMA—hindi lang daw “battle of sirenas” ang mangyayari kundi pati “battle of hunks” dahil sa mga nagkikisigan at nagguguwapuhang mga leading men.

Ano ang masasabi ni Gerald dito?

Tugon niya, “Siyempre, kaya kami nagtatrabaho, dito niyo po makikita ang hard work po namin at gusto lang namin makapagbigay ng napakagandang show.

“Gusto ko ring gamitin ang chance na ito para makapagbigay ng inspirasyon po para sa inyo at sa viewers para to stay healthy, to stay fit, to look good this summer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sana po magawa namin iyan.”

Madalas bang masisilayan ng mga manonood ang maganda niyang katawan?

Sabi ni Gerald, “Alam ko po hanggang sa dulo meron po, e.

“Pero like I said, gagawin ko po ang best ko para po maging inspirasyon para po sa lahat.”

Gaano kadalas siya mag-workout para ma-maintain ang kanyang abs at kakisigan?

“Halos araw-araw. Pag may pagkakataon talaga, nagwo-workout ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN