Anne Curtis appreciates thumbs-up from former Dyesebel star Marian Rivera

“Hindi ako naniniwala sa nagpapasimula ng tsismis sa aming dalawa, na sinabi niyang hindi raw bagay, kasi alam kong hindi niya ‘yon masasabi kasi friends kami,” says Anne Curtis about Marian Rivera’s statement about her as the new Dyesebel.


Ikinatutuwa ni Anne Curtis na aprubado ng mga dating gumanap bilang Dyesebel, ’tulad ni Marian Rivera, ang pagganap niya sa iconic Pinoy mermaid.

Sa nakaraang panayam kay Marian, sinabi niya: "Happy ako na si Anne ang gagawa niyan."

Dagdag pa ng Kapuso actress, “Wala akong nakikitang masama na, alam mo yun, maging Dyesebel si Anne.

“Dahil Anne is very beautiful, napaka-lovable ni Anne, at bagay siya bilang Dyesebel.”

Nagpasalamat naman si Anne sa naging pahayag ni Marian tungkol sa pagiging bagong Dyesebel niya sa grand press conference ng bagong fantaserye ng ABS-CBN kagabi, March 13.

“Natutuwa ako kay Marian, ang bait-bait niya, kasi nga nagkakasama kami,” nakangiting sabi ni Anne.

Dahil dito, ayon kay Anne, napatunayan na walang problema sa pagitan nila ni Marian sa kabila ng pagganap nila bilang sikat na sirenang nilikha ni Mars Ravelo.

Aniya, “Hindi ako naniniwala sa nagpapasimula ng tsismis sa aming dalawa, na sinabi niyang hindi raw bagay kasi alam kong hindi niya ‘yon masasabi kasi friends kami.”

Sa pamamagitan nito, hiling ni Anne sa kani-kanilang fans na pilit silang pinagkukumpara: “At least, sana natauhan na sila.”

Read: Marian Rivera happy for Anne Curtis as new Dyesebel

Read: Alice Dixson to Anne Curtis playing Dyesebel: “Have fun, enjoy the experience.”

NO MORE CONTROVERSIES. Nagpapasalamat din si Anne na sa kabila ng mga kontrobersiyang hinarap niya, naibigay pa rin sa kanya ang proyektong Dyesebel.

Ang Dyesebel ang unang TV adaptation ng ABS-CBN sa mga likha ng kilalang komiks novelist na si Mars Ravelo, matapos makakuha ng long-tern acquisition ang TV network.

Saad ni Anne, “Sobra ako talagang thankful ngayon, sobrang natutuwa.

“Hindi ko talaga ma-express yung feeling ko.

“Hindi ko po alam pero sobra lang po akong thankful. Salamat sa paniniwala.”

Natutuwa rin siya na tapos na ang matinding kontrobersiyang hinarap niya kamakailan.

Para sa kanya, “You know you just gotta learn the art of deadma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, once you let it go, it disappears, and it disappears. I’m happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN