Sam Millby all agog over reunion with ex-girlfriend Anne Curtis in Dyesebel

Sam Milby has put on hold his dream of becoming an international actor because of his commitments here, but he is set on going back to Hollywood for more auditions. He says, "From those auditions, in dealing with the pressures and the kaba, everything helps you grow a lot. Ang ganda ng experience, e."


Sobra raw ang excitement ni Sam Milby sa muling pagsasama nila ng kanyang dating girlfriend na si Anne Curtis sa isang programa sa telebisyon.

Ito ay sa pamamagitan ng fantaseryeng Dyesebel, na magsisimula nang ipalabas sa March 17 sa ABS CBN.

Huling nagkasama sina Anne at Sam sa dating fantaseryeng Dyosa noong 2009 pa.

Sa pelikula naman ay huli silang nagtambal sa Babe, I Love You noong 2010.

Pahayag ni Sam, "Sobrang suwerte ko na nakasama ako dito [sa Dyesebel].

"Sobrang laki ng cast, it’s such a star-studded cast and ang babait nila."

Bukod kina Sam at Anne, kasama rin sa powerhouse cast ng Dyesebel sina Gerald Anderson, Dawn Zulueta, Ai-Ai delas Alas, Zsa Zsa Padilla, Gabby Concepcion, Albert Martinez, at Eula Valdes.

Patuloy ng Fil-Am actor-singer, "I’m working for the first time with Gerald, matagal na kaming magkaibigan.

"And, of course, with Anne, after four years na wala kaming project together."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment media si Sam kagabi, March 13, sa grand press launch ng Dyesebel sa Dolphy Theater ng ABS CBN.



REUNION TELESERYE. Hindi ba sila nagkailangan ni Anne sa muli nilang pagtatagpo bilang screen partners, bukod kay Gerald na unang pagkakataon ding makatrabaho ng aktres sa telebisyon?

Natatawang sabi ni Sam, "Wala, wala!

"Actually, ang naisip ko nung first day ng taping, magiging awkward ako.

"But it was really nice.

"Kumbaga, it was starting all over again, yung friendship namin."

Kumusta naman si Anne bilang si Dyesebel?

"Oh, she’s doing a great job!" pagmamalaki niya.

"Enjoy na enjoy siya sa role niya kaya makikita mo how happy she is.

"At saka, never ko namang napanood yung mga dating Dyesebel, so I can’t compare her, ’di ba?

"Sa ngayon, I have no doubt that she is the perfect person to play Dyesebel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Perfect combination, she has the right amount of sweetness and sexiness.

"She’s perfect for the role."

Dugtong pa niya, "I always admire her.

"I’ve seen her grow as a woman and as an artist and as a person.

"Masasabi ko ngayon na I admire her more for the woman that she’s become."

SWIMMING LESSONS. Sa puntong ito, inalam namin sa kanya kung ano ang preparasyong ginawa niya para sa kanyang role sa Dyesebel.

Si Sam ay gaganap bilang isang merman na mai-in love kay Anne bilang si Dyesebel.

Aniya, "A lot of swimming lessons.

"Si Anne, maraming beses na siyang nagkaroon ng swimming sessions sa Dyosa, pero ako first time kong gaganap bilang isang merman.

"Napakahirap para sa akin na magmukhang natural sa tubig na hindi ako nahihirapan.

"It was difficult for me, I still need a lot of training."

Kailangan pa rin daw niyang masanay sa tubig dahil lumalabas sa screen na nahihirapan siya.

"Awkward na nahihirapan talaga na parang me ugat na galit na galit," sabay turo ni Sam sa ugat niya sa kaliwang parte ng kanyang leeg.



HUNKY-DORY. Sa role niya bilang merman, makikitang naka-topless ang hunk actor mula sa simula hanggang sa katapusan ng kuwento nila.

Kilala bilang mahiyain si Sam kaya naging curious kaming alamin kung hindi siya nahihirapan sa bagong role na ginagampanan niya.

"Hindi naman," sagot niya.

"May times naman na nakikita na ako onstage na walang shirts, ’di ba?

"It just inspires me to be fit, mas conscious ako ngayon na mag-gym para maganda ang labas sa TV.

"Hindi naman sa shy ako or what, sa Dyosa ganun din ang character ko.

"Yun nga lang, it’s an inspiration to stay trimmed.

"I have always been a health-conscious person.

"Buong buhay ko actually, ganun talaga ako."

HOLLYWOOD DREAM. Pagkatapos nito ay inusisa namin kay Sam ang plano niyang maging isang international actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaan na kung ilang beses na rin siyang nagpabalik-balik sa Amerika para mag-audition doon.

Sabi ni Sam, "May plans pa rin akong bumalik dun.

"Naka-hold lang ngayon siyempre dahil ang daming blessings ngayon dito sa Pilipinas.

"Hindi naman puwedeng iwanan ang mga blessing dito.

"But, for me, gusto kong bumalik dun para lang sa auditions.

"Ang ganda ng experience, e.

"Yun pa rin ang dream ko, so I have plans of going back."

Dagdag pa niya, "From those auditions, in dealing with the pressures and the kaba, everything helps you grow a lot.

"Dito kasi sa atin, you are given a script, you read it, then you should be in character na.

"Dun, when you do auditions, nasa isang room ka, you study it and you never know kung ikaw ang mapipili."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN