Ai-Ai delas Alas willing to guest in Abunda and Aquino Tonight but prefers Boy Abunda to do the interview

How did Ai-Ai delas Alas end up in a mermaid teleserye? "E, ang sabi ng ABS, ‘O, ayan, may show, may role para sa ’yo, magtrabaho ka na!’ Ako po ay sunud-sunuran lang."


Papayag daw si Ai-Ai delas Alas na mag-guest sa Abunda and Aquino Tonight para i-promote ang Dyesebel, ang bagong fantaserye ng ABS-CBN na kinabibilangan ng comedienne.

Ang Abunda and Aquino Tonight ay ang nightly talk show nina Boy Abunda at Kris Aquino sa Kapamilya network.

“Oo, okay lang naman, huwag niyo kaming intrigahin,” sabi ni Ai-Ai patungkol sa kanila ni Kris Aquino.

Hindi naman kaila sa publiko na may tampuhan ngayon sa pagitan nina Ai-Ai at Kris.

Ayos lang ba sa kanya na si Kris ang mag-iinterbyu sa kanya?

Diretsong sagot ni Ai-Ai, “Mas maganda kung si Boy na lang.

"Ano ba, ama ko yun, ’no!

“Ano ba kayo, huwag niyo kaming intrigahin,” ulit niya patungkol sa kanila ni Kris.

MAKING FUN. Naghalakhakan naman ang mga imbitadong press sa presscon ng Dyesebel kagabi, March 13, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN sa mga "pakikay" ni Ai-Ai.

“Nagkalat ang mga junjun, ang dami!” pagtukoy ni Ai-Ai sa male models na nakasuot ng mermen sa presscon kagabi.

At dahil sa costume ng male models na hapit na hapit, kita ang mga abs ng mga ito at bumabakat ang dapat bumakat.

“Nagkalat ang mga junjun! May maliit, pero maraming malalaki!” natatawang biro pa ng komedyana.

Dagdag pa niya, “Kaya kapag wala nang eksena, mainit ang ulo ng mga direktor, gusto nila laging may eksena ang mga sireno.”

Unang beses daw gaganap na sirena si Ai-Ai bilang si Banak.

Kuwento ng Comedy Concert Queen tungkol sa training niya sa paglangoy, “Muntik na akong malunod, nakakaloka!

“Sanay kasi ako sa five feet, ’tapos inilagay ako sa ten feet, kaya ayun, glug, glug, glug!

"Pero nakuha naman ako agad nung [diving] instructor, as in mabilis niya akong nakuha.”

Ayon sa mga taga-ABS-CBN, kumpleto sila sa divers at first-aid staff sa training at taping para sa Dyesebel para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw naging sagabal kay Ai-Ai ang malalaki niyang dibdib sa paglangoy bilang sirena.


“Ay, hindi, hindi sila naging pabigat.

"Sa tubig, magaan sila dahil sa buoyancy.

“Spell? Basta buoyancy,” ang muling pagpapakuwela ni Ai-Ai.



PRETTY WOMEN. Dahil magaganda ang mga aktres na kasama niya sa serye, natanong si Ai-Ai kung ano ang feeling niya na napasama siya sa hanay nina Anne, Andi Eigenmann, Dawn Zulueta, Zsa Zsa Padilla, at Eula Valdes.

"So, pangit ako, ganun?!" buwelta niya.

“Hindi, okay naman, kasi para ako ang naiiba.”

Dagdag pa niya, “’Yang si Anne, baby ko ’yan, kaya masaya ako na magkasama kami ulit.”

Naging mag-ina sila sa pelikulang Ang Cute Ng Ina Mo noong 2007.

GOOD SOLDIER. Sa tanong kung bakit tinanggap niya ang papel bilang sirena, ipinaliwanag ni Ai-Ai kung ano ang kahalagahan ng pagiging contract star kaysa talent lamang.

“Network contract ako sa ABS, so magtrabaho man o wala, sumusuweldo ako.

"E, ang sabi ng ABS, ‘O, ayan, may show, may role para sa ’yo, magtrabaho ka na!’

"Mas maganda naman po na nagtatrabaho at sumusuweldo.

“Ganun po sila kababait sa akin!

“Kahit ano po ang ipagawa sa akin, gagawin ko basta suwelduhan lang ako.

“Ako po ay sunud-sunuran lamang, ako po ay masunuring sundalo!” ang tumatawa pa ring sabi ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN