Sef Cadayona commits himself to a career in comedy

Sef Cadayona says making people laugh has always been his passion: “Ever since with my parents, wala naman akong gustong gawin kundi magpatawa. Yung mga kaklase ko, clown na ako ng school. ‘To ngayon, clown na ako ng mga Kapusong nanonood ngayon.”


Para kay Sef Cadayona, ito na ang tamang panahon upang makilala siya bilang isang komedyante.

Aniya, “Siguro this is the perfect age to be branded as a comedian.

“Pag bata, mahirap, e. Pero pag nasa middle age ka na, nakukuha na ng isang komedyante na makipag-rapport sa bata o matanda man.

"So, I think it’s the perfect age for me to be funny and to make people laugh on TV."

Paliwanag niya, “Comedy has been one of my outlets in life.

“Ever since with my parents, wala naman akong gustong gawin kundi magpatawa.

“Yung mga kaklase ko, clown na ako ng school.

“‘To ngayon, clown na ako ng mga Kapusong nanonood ngayon.”

Sa ngayon, dalawang comedy programs sa GMA ang kinabibilangan ni Sef—ang Bubble Gang at Vampire Ang Daddy Ko.

"Masaya ako kasi everything is falling slowly into place.

“And being branded as a comedian per se is what I really wanted to do here in GMA," pahayag nito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sef sa kanyang unang dance competition na ginanap noong Miyerkules, March 12, sa GMA Network Center, Quezon City.



LOVELIFE. Matatandaang December 2013 nang kumpirmahin ni Sef at ni Yassi Pressman ang kanilang long-term relationship, habang nasa kalagitnaan ng pagpo-promote ng kanilang Metro Manila Film Festival entry na Kaleidoscope World.

Hiwalay na ang dalawa, pero ayon kay Sef, nakakapag-usap na sila ngayon ni Yassi dahil na rin magkasama sila sa Sunday musical-variety program ng GMA, ang Sunday All Stars.

“We’re okay now, we talk in Sunday All Stars. We see each other so we’re okay na.”

Inamin naman ni Sef na hindi priority sa kanya ang lovelife ngayon dahil nais niyang makapag-focus sa kanyang career.

Aniya, “I guess this year, hinay muna tayo sa pag-settle with a partner.

"Kasi ito na, e, sunud-sunod na yung mga proyektong gusto ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pagka may partner tayo, magiging masyado tayong masaya, so ngayon focus muna.

"Tama na ang labas muna."

Hindi naman daw isinasarado ni Sef ang kanyang pintuan kung sakaling dumating ang taong magpapatibok ng puso niya.

“Hindi mo rin naman masasabi kasi malay mo may dumating, ’di ba?

“Sino ba naman ako para tanggihan… pagmamahal na nga, tatanggihan mo pa.”



HAPPY FEET. Sa tulong ng GMA Artist Center at ng mga produktong kanyang ini-endorse, matagumpay na naisagawa nni Sef ang isang dance competition at ice cream party para sa kanyang ika-25 kaarawan.

Pagpapasalamat ni Sef, “Eto nga, napakasaya, kasi unang-una, ang dami kong sponsors.

“Napakaraming pasasalamat kasi sila yung tumulong sa amin para mabuo ang konseptong ito.”

Kilala si Sef bilang isang dancer nang sumali ito sa 5th season ng artista search ng Kapuso network, ang StarStruck.


“Kasi yun ang hilig ko. Kung hindi ako nagpapatawa, yun ang sunod na hilig ko,” paliwanag niya.

Kaya naman isang dance competition ang unang pumasok sa utak ni Sef nang tanungin siya ng GMA Artist Center kung ano ang gusto niyang gawin para sa kanyang kaarawan.

“Wala akong ibang maiisip kundi mag-start ng isang dance contest, lalo na sa mga barangay.

“Kasi before naman ako mag-artista, sumasali ako sa ganyan, so alam ko yung mga hirap nila.

“At gusto kong magpamahagi ng konting saya dito sa mga dancers natin sa Pilipinas.”

Matagal nang nakaplano ang dance competition na ito kaya naman ipinagpapasalamat ni Sef na sa wakas ay natuloy na rin ang espesyal na araw na ito.

Kabilang sa mga tumulong na sponsors sa dance competition nito ay ang Sweet Escape cupcakes, RRj, Aficianado, at Selecta.


BIRTHDAY WISH. March 3 ang araw ng kapanganakan ni Sef at sa tuwing tatanungin ng mga tao kung ilang taon na siya, hindi sila kadalasang naniniwala kapag sinasabi niya ang kanyang edad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Sef, “Kahit i-push kong sabihin sa kanilang ‘I’m 25,’ walang maniwala sa akin.

“Sabi nila mukha daw akong 18.”

Biro pa ng Bubble Gang star, “Wala, e, young-looking! Joke lang!”

Madalang mag-celebrate ng kanyang kaarawan si Sef dahil na rin sa trabaho, kaya naman isang salu-salo kasama ang pamilya at mga kaibigan ang nais niyang gawin para sa kanyang kaarawan.

Sabi ni Sef, “Mostly dinner with parents or with friends, kadalasan ganun.

"It’s what I always do and have always wanted to do.

“Mas nae-enjoy ko yung ganun kesa party kasi we get the chance to talk.

“Mas gusto ko yung magkakasama lang, yung mingle-mingle, ’tapos kain ng napakasarap na pagkain.

"Yun lang naman ang habol ko sa birthday ko, e."

Ano naman kaya ang kanyang mahihiling para sa kanyang kaarawan?

Tugon ng dancer-actor, “I guess for me to achieve what I dream of and want to do, which is to make people laugh.

“Siyempre, I always wish to be more successful in life, in career, in being a loving son.

“My wish is for me and family is to become united as we have always been, kung paano ako nung nagsisimula pa lang ako.

“Gusto ko ma-keep yung bonding namin ng parents ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN