Richard Gomez joins Philippine team in Asian Men’s Club Volleyball Championship

Richard Gomez on being the oldest player in national volleyball team: “Sabi ko naman, age doesn’t matter as long as kaya kong tapatan yung physical ability nila. Pare-pareho naman yung lakas namin, I will do my best. Yun, nag-pay off naman yung pagtitiyaga sa training at pag-focus lagi sa game.”


Malaking achievement para sa actor-sportsman na si Richard Gomez na maging miyembro ng Men’s PLDT Home Tvolution team na magre-represent sa Pilipinas upang makipagtunggali sa labimpito pang bansa sa 2014 PLDT Home Fibr Asian Men’s Club Volleyball Championship.

Gaganapin dito sa bansa ang kumpetisyon, sa Abril 8-16, sa Mall of Asia Arena at Cuneta Astrodome.

Ang mananalo rito ang magiging representative ng Asian region sa 2014 Federation Internationale de Volleyball World Championship sa Betim, Brazil, sa Mayo 2014.

Makasaysayan din ito para kay Richard dahil siya ang kauna-unahang Pilipinong atleta na nakasali sa pang-apat niyang Philippine team sa iba’t ibang larangan ng sports.

Unang sumabak si Richard sa national rowing team noong early 1990s bago siya humakot ng mga medalya sa fencing—isang bronze, tatlong silver, at dalawang gold—sa Southeast Asian Games mula 1995 hanggang 2005.

Pumang-apat na puwesto naman siya sa shooting competition sa 2005 SEA Games sa Manila.

“Unang-una, I consider myself a lucky person considering na hindi na ako twenty-two years old. Over 32 na ako,” biro ni Richard, 47.

“Kaya noong nagpa-open tryout ang volleyball association, I took a chance kahit na maraming mas batang players mula sa iba’t ibang eskuwelahan.

“Nakita naman ng coaches na maayus-ayos naman ang performance ko kaya nakapasa ako, although I cannot say I’m the best player of the team.

“This is not the first time na i-represent ko ang Pilipinas.

“First time na i-represent ko ang Pilipinas as part of the rowing team.

“And then sa fencing, which I’m part of the national team for a long time.

“And then sa shooting team.

“And ngayon dito sa volleyball, it’s another challenge not just for me but of course sa mga kasama kong players, sa mga coaches na araw-araw pinapapawis kami.

“Sa tiwalang ibinibigay ng Philippine Volleyball Federation, thank you very much.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Richard sa media event na inihanda ng PLDT Home Fibr at Philippine Volleyball Federation para ipakilala ang unang pitong players na nakapasok sa Philippine team.

Ginanap ito sa NBA Café sa SM Aura, Taguig City, kahapon, Marso 13.



LOVE FOR THE SPORT. Bakit sa lahat ng sports, volleyball ang napili niya ngayong pagtuunan ng pansin?

Paliwanag ni Richard, “Ang history kasi ng volleyball ko, I’ve been playing it since elementary and high school.

“When I retired from fencing in 2006, after nun, wala na akong masyadong ginagawa.

“And when Lucy [Torres-Gomez, his wife] won as congresswoman in 2007, naging busy yung araw ko, ‘tapos di ako masyadong busy sa gabi.

“So, naghanap ako ng sport na puwede kong laruin.

“Nakita ko yung volleyball dahil maraming games ang volleyball na sa gabi nilalaro.

“So, I took the time to play the game again.

“Marami nang nabago sa game. So, I tried, I competed.

“Nag-elevate yung games, sumali ako ng mga club league, mga national championship hanggang magkaroon ng tryout ang Philippine Volleyball Federation.

“I did my best sa tryout.

“Sabi ko, ‘I’ll try my best. I’m not sure if I can make it to the team.’

“Pero nag-pay off naman because of hard work.

“Noong nasama ako sa first cut, kasi yung first cut, 30.

“Ang dami namin pero tuluy-tuloy lang ang training hanggang sa ma-cut ng 18, ’tapos magiging 12.”



GOOD RELATIONSHIP WITH TEAMMATES. Si Richard ang isa sa open spikers ng national team.

Kasama niya sa team ang mga Pinoy na sina JP Torres, Ron Jay Galang, Jeffrey Malabanan, at Alnakran Abdilla.

Kinuha namang imports ang Australian players na sina Cedric Legrand at William Robert Lewis.

Ang players na pupuno sa natitirang slots ay iaanunsiyo sa Marso 20.

Kumusta naman ang relasyon ni Richard sa teammates niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng aktor, “It’s good kasi tuwang-tuwa sila sa akin.

“May joke nga ako sa isa sa kanila. Sabi ko, ‘Ilang taon ka na?’

"Sabi niya, ‘Twenty-two na po.’

“’A, ganun ba,’ sabi ko, ‘doblehin mo yung edad mo, lamang pa ako sa iyo!’” sabay tawa ni Richard.

Dagdag niya, “Yung hard work na ibinibigay nila, yun din ang ibinibigay ko.

“Kaya nagkaroon kami ng mutual respect na hindi porke’t may edad na ako ay hindi ko na kayang gawin yung ginagawa nila.”

’Tulad ng biro niya, hindi niya ba inisip yung age factor?

Sabi ni Richard, “Alam mo naisip ko yun, e, at nakita ko yung mga nagta-tryout, ang babata nilang lahat.

“Sabi ko naman, age doesn’t matter as long as kaya kong tapatan yung physical ability nila.

“Pare-pareho naman yung lakas namin, I will do my best.

“Yun, nag-pay off naman yung pagtitiyaga sa training at pag-focus lagi sa game.”

Nakikipag-bonding din ba siya sa kanyang teammates?

Sagot niya, “Yes, importante yun.

“In fact, marami sa kanila minsan niyayaya ko sa house, ‘Mag-dinner tayo doon, magsama-sama tayo.’”

Paano niya ide-describe ang team na ito?

Sagot ni Richard, “This team is a very young team but it is a good, strong team.

“Ang sa amin lang, we will do our best. We’ll take it game at a time.

“We will not promise that we will become champion but we we’ll do our best to make it to Top 8.

“Top 8 lang, makapasok tayo ng Top 8, malaking breakthrough na iyon for Philippine volleyball.

“And when we do get to the Top 8, then mas lalo naming gagalingan para maging successful itong ginagawa namin.”



SUPPORTIVE WIFE. Ano naman ang sinabi ng asawa niyang si Lucy sa bagong stint niya sa national volleyball team?

Saad ni Richard, “Well, at times umuuwi akong masakit yung katawan ko, si Lucy sasabihin, ‘Bakit ba tinitiis mo iyan?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘I really enjoyed this sport. I really love my team. I’ve been playing this since I was young.’

“And sabi ko, ‘Maybe this is not my last chance, but maybe this is a good chance for me to be part of the team and to represent the country again.’”

Ganun lang daw talaga si Lucy, pero very supportive naman daw ito sa lahat ng kanyang ginagawa.

Sa katunayan, masaya pa ngang ibinalita ng kanyang asawa sa Instagram account nito ang pagkakasali niya sa national team:

“Congratulations @richardgomezinstagram for making it to the Men‘s National Volleyball Team for the Asian Men‘s Volleyball Championships. So proud of you my love❤❤❤.”



STILL COMMITTED TO SHOWBIZ. Sa kabila ng bagong sport na pinagkakaabalahan ngayon ni Richard, hindi naman daw niya kinakalimutan ang trabaho niya bilang aktor.

Sa katunayan ay nagte-taping din siya para sa bagong show niya with Sharon Cuneta sa TV5, ang Pirated Family.

“Light sitcom ito, pampasaya lang, pampaligaya,” sabi ni Richard.

Ano ang feeling na muli silang magtatambal ni Sharon?

Tugon niya, “Masaya kasi na-stall yung movie project namin ni Sharon five years ago.

“Eto, nag-usap kami, ‘Gawa naman tayo ng sitcom para it’s easy to shoot.’”

Dahil ba gumagawa siya ngayon ng project sa TV5, ibig sabihin ba nito ay iiwan na niya ang ABS-CBN?

Paglilinaw ng aktor, “No, no, I’m not leaving ABS.

“I talked to Cory Vidanes [ABS-CBN executive], sabi ko sa kanya, since na-stall muna yung project namin ni Dawn [Zulueta], sabi ko I don’t want to be idle.

“TV5 is giving me an opportunity to work with Sharon Cuneta in a sitcom. But definitely, it’s going to be a 13-week, one season.

“Sabi ko, ‘Let me do this first.’

“Sabi ni Cory, ‘Okay lang.’

“Pero tuloy naman yung movie namin ni Gretchen [Barretto] with Star Cinema.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN