Joyce Ching denies rumored reconciliation with Kristoffer Martin; admits they are friends now

Joyce Ching will pursue a course in filmmaking when she decides to take a college degree as she envisions herself tracking a career in showbiz as director: “Alternative route din kasi hindi naman forever na makakapag-artista ka."


Ikinalungkot ni Joyce Ching na dalawang linggo na lamang ieere ng GMA Network ang drama series na kinabibilangan niya, ang Paraiso Ko’y Ikaw.

Paliwanag ng young actress, “Kasi siyempre mami-miss ko rin yung mga katrabaho ko dito sa soap.

"Tsaka parang nitong mga nakaraan pa lang kami sobrang nagiging kumportable sa isa’t isa.

“’Tapos iyon nga, tapos na.”

Hindi pa sila masyadong nakakapag-bonding ng co-stars niya?

Pakli nito, “Nakakapag-bonding naman po, pero recently lang talaga kaming naging ganun kakumportable [sa isa’t isa].”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si G sa pocket press conference nila nina Kim Rodriguez, Kristoffer Martin, at Phytos Ramirez para sa Paraiso Ko’y Ikaw noong Huwebes, March 13, sa GMA Network Center.

MEMORABLE PEOPLE. Sino naman ang pinakamami-miss ni Joyce sa drama series nila?

“Si Kuya Gab,” pagtukoy ni Joyce kay Gabby Eigenmann.

Sabi pa niya tungkol sa co-star, “Sobra talagang friendly.

"Parang sa lahat, siya talaga yung tsumitsika sa lahat ng artista.

"Kapag wala na kaming energy, siya talaga yung punong-abala sa pagpapataas ng energy namin.

“Sobrang bait, talagang pati yung mga personal mong problema, puwede mong ilapit sa kanya, ganun.”

Okay na rin daw sila ng isa pa niyang co-star sa show na si G Tongi.

Matatandaang lumabas ang isyung hindi nagustuhan ni G ang pagtawag ni Joyce dito ng "Tita G."

Read: Joyce Ching clams up after a scolding from Paraiso Ko’y Ikaw co-star G Tongi

Si Gabby rin daw ang dahilan kaya masasabing na-break ang ice sa pagitan nina Joyce at G.

“Medyo pasaway din si Kuya Gab!” at natawa si Joyce.

“Inasar niya lang po si Miss G, pumunta siya sa tent, ‘Excuse me, Miss G, may babati daw sa ’yo!’

“’Tapos, iyon po, wala na.”

Ano ang sabi sa kanya ni G?

“Wala po, sabi lang ni Miss G, ‘Luku-luko ka talaga, Gabby!’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At hindi na raw nila pinag-usapan ni G ang isyu.

NO RECONCILIATION. May balitang nagkabalikan na raw sila ni Kristoffer Martin, pero inililihim lang nila.

Mabilis na pagtanggi ni Joyce, “Wala, hindi po totoo na nagkabalikan kami, wala po.

“Pero okay kami ngayon, friends kami.”


Minsang bumisita ang PEP sa taping nila ay sweet silang nag-uusap sa isang sulok kasama ang mga fans nila.

Giit ng young actress, “Friends po kami, opo, pero hindi po kami nagbabalikan.”

Hindi “pa”?

“Hindi po kami nagkabalikan,” ulit ni Joyce.

Bakit sweet sila sa taping?

“Kasi si Kristoffer, ’di ba, nag-aaral siya, very passionate siya sa pagse-share ng mga natututunan niya sa school.

"About business, kung paano magpapayaman, iyon po yung ikinukuwento niya.

“Sa lahat naman kasi, kasama po namin nun yung mga fans namin, e.

"Iyon din po, kinakausap niya kaming lahat tungkol sa pagpapayaman."

LOOKING BACK. Hindi sila nagkasama sa eksena noon ni Marian sa Endless Love dahil si Joyce ang gumanap na batang Nadine Samonte.

Si Kathryn Bernardo ang gumanap na batang Marian at si Kristoffer ang gumanap naman noon na young Dingdong.

Naging close ba sila ni Kathryn noon?

Sabi ni Joyce, “Konti lang din kasi yung taping days namin noon sa Endless Love, kaya naging friends pero hindi yung sobrang close talaga."

Hindi raw sa Endless Love na-develop ang dating romance nila ni Kristoffer.

Kinaiinisan nga raw nila ang isa’t isa noong mga panahon na iyon.

“Hindi naman kami magkaaway, pero irita kami sa isa’t isa.

“Kasi po nayayabangan ako sa kanya, ’tapos siya naman din, naiirita sa akin.

"Parang presko daw ako, parang iyon po ang sinabi niya!” ang natatawang pagbabalik-tanaw ni Joyce.

Hindi nila inakala na magkakaroon sila ng relasyon.

“Hindi namin in-expect, nakakaloka!”



FILM COURSE. High school graduate si Joyce bago siya pumasok sa showbiz at may balak raw ito magbalik-eskuwela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Communication Arts o Film daw ang gusto niyang kuning kurso sa college.

Paliwanag nito, “Para at least related na sa ginagawa ko.

“Alternative route din kasi hindi naman forever na makakapag-artista ka.

“Gusto ko talaga itong field na ito, so kung hindi man ako artista, siguro director.”

Gusto niyang maging direktor?

"Opo, why not, pagtanda."

Gusto niyang maging the next Gina Alajar?

“Why not?”

Si Gina ang direktor nila dati sa Tween Hearts at AnnaKareNina.

Kapag direktor na siya, ang una raw niyang gustong idirek ay sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

“Rom-com ang gagawin ko for them.”

Given the choice and the chance, sino ang susunod niyang gustong apihin at sampalin na artista bilang kontrabida?

Sagot niya, “Si Miss Marian, why not, ’di ba?

"For a change, at saka gusto ko po talagang makatrabaho si Miss Marian.”



NO TO FHM. Hindi pa alam ni Joyce ang susunod niyang proyekto sa GMA.

“Waiting pa rin ako.”

Kapag kontrabida ulit ang next role niya, okay lang sa kanya?

“Opo! Ako, wala naman akong problema.

"Basta sa akin, ang importante sa akin, maganda yung character.”

Ang ayaw raw ni Joyce ay ang mag-pose para sa FHM.

Aniya, “Ayoko po, bata pa po ako, nineteen.

“Well, hindi rin ready yung katawan ko.”

Kung ready na ang katawan niya, papayag na siya?

“Depende pa rin po, pero ngayon wala po sa utak ko yun.

“Hindi ko po kasi alam yung itatakbo ng utak ko sa mga susunod na taon, e, pero ngayon po ayoko talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN