Paolo Contis wishes annulment of marriage to Lian Paz be granted

Sinorpresa si Paolo Contis ng kanyang mga kasamahan sa Villa Quintana sa bisperas ng kanyang kaarawan noong March 13. Pahayag ng aktor, "Matagal na akong hindi nabigyan ng ganitong importansiya. Nasanay ako na ako lagi ang nagpapasaya sa mga kaibigan. Honestly, masaya talaga ako, ginawa niyo ‘to sa akin."


Sinorpresa si Paolo Contis ng kanyang co-stars sa GMA afternoon soap na Villa Quintana nang binigyan siya ng mga ito asalto noong Huwebes ng gabi, March 13, na ginanap sa Centerstage, sa Quezon City.

Kahapon, March 14, ipinagdiwang ng Kapuso actor ang kanyang 30th birthday.

Si Sunshine Dizon ang nag-asikaso ng naturang party kasama ang production staff ng afternoon drama.

Ang drama ni Sunshine, iti-treat daw nila ng asawa niyang si Timothy Tan ng dinner si Paolo sa may Friday’s sa Quezon City, kasama ang isa pa nilang co-star na si Marky Lopez.

Pinakiusapan ni Sunshine si Paolo na kung puwede dumaan lang sila sandali sa Centerstage dahil nakiusap daw ang mga kaibigan niya na kung puwedeng dalhin ang aktor.

Pinagbigyan naman ito ni Paolo, pero laking gulat niya pagpasok dahil bumulaga sa kanya ang iba pa niyang co-stars na sina Raymart Santiago, Elmo Magalona, Janine Gutierrez, Maricar de Mesa, ang direktor nilang si Gina Alajar, at ang buong production staff at executives ng Villa Quintana.

Inamin ni Paolo na na-touch siya sa ginawa ng mga kasamahan niya sa show.

“Matagal na akong hindi nabigyan ng ganitong importansiya.

"Nasanay ako na ako lagi ang nagpapasaya sa mga kaibigan.

“Honestly, masaya talaga ako, ginawa niyo ‘to sa akin.

"Thank you talaga,” mensahe ng aktor sa mga kasamahan niya.

Pahayag pa ng aktor, “More than anything, I wanna thank God na sa dami ng pinagdaanan ko, andiyan pa rin ako. Inalagaan Niya ako.

"Hindi Niya ako hinahayaang maligaw ng landas.

"Kahit ilang beses kong pinili ang maling lugar, andiyan pa rin ang Panginoon para tulungan ako sa lahat.”

Kasunod nito ay nagpasalamat din siya sa GMA Network sa patuloy na suporta sa kanya.

“GMA has been supportive sa akin sa gitna ng ibang trials na may mga rason na hindi nila ako i-renew, alagaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero more than anything, inalagaan nila ako lalo," sabi niya.

Ang hangad lang daw niya sa kanyang kaarawan ay magtuluy-tuloy ang magandang takbo ng kanyang career, lalo na’t extended pa ng ilang buwan ang Villa Quintana.

Pahayag pa ni Paolo, “It’s my very first mabait na role.

"Masaya naman at tinatangkilik nila.

"And it works, salamat sa tiwala nila," pahayag pa niya.

ANNULMENT. Ang isa pang hiling ni Paolo ay maayos na raw sana ang annulment nila ni Lian Paz.

Sabi niya, “I cannot discuss kung kailan ang trial ko, but it’s moving.

"GMA is very supportive as well.

"Medyo complicated pa kasi, technical siya about the case."

Pangako pa ni Paolo sa sarili, babalik siya sa social media kapag natapos na ang annulment nila ni Lian.

Habang ongoing ang kaso, mabuting tahimik lang daw muna at wala muna siyang Instagram at Twitter account.

Paliwanag niya, “Marami ka kasing masabing mali.

"So, huwag ka na lang magsalita, and isa sa pagsasalita is thru social media.

"So, para sa akin, baka may panahong ma-tempt ako na sumagot ng mali, at least maiwasan ko na."

Wala naman daw silang problema ni Lian dahil napapanatili naman nilang maging magulang sa dalawa nilang anak na babae.

“Hanggang dun lang naman. Ang importante is I can see my kids anytime I want.

"Hindi ko naman nakakalimutan ang responsibilidad ko bilang ama," sabi ni Paolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN