Raymart Santiago clueless about estranged wife Claudine Barretto’s current situation; misses his children a lot

Ang tanging concern lang daw ngayon ni Raymart Santiago ay ang kanyang dalawang anak na gusto na sana niyang makasama sa mga darating na araw. Ayon sa 40-year-old actor, “Medyo matagal-tagal ang mga kaso dito sa atin, e. Nandito ako para sa mga bata. Yun ang ipinaglalaban ko, ang kaligtasan ng mga anak ko."


Tikom ang bibig ni Raymart Santiago kaugnay ng mga kasong isinampa nila laban sa isa’t isa ng kanyang estranged wife na si Claudine Barretto.

Ito ay dahil sa gag order na ipinatupad ng korte.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Raymart sa surprise birthday party para sa co-star niya sa Villa Quintana na si Paolo Contis noong Huwebes ng gabi, March 13, sa Centerstage, Tomas Morato, Quezon City.

Sabi ni Raymart, hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa nakahiwalayang asawa.

May naririnig daw siya, pero hindi niya alam kung ano talaga ang totoo.

Ang tanging concern lang daw ngayon ni Raymart ay ang kanyang dalawang anak na gusto na sana niyang makasama sa mga darating na araw.

Ayon sa 40-year-old actor, “Medyo matagal-tagal ang mga kaso dito sa atin, e.

“Nandito ako para sa mga bata.

"Yun ang ipinaglalaban ko, ang kaligtasan ng mga anak ko."

Nalulungkot lang daw siya dahil matagal na niyang hindi nakikita ang kanyang mga anak.

“Malungkot pa rin ako, dahil nami-miss ko ang mga anak ko. Pero darating tayo diyan,” sabi niya

Ayaw ring sabihin ni Raymart kung kailan sila uli magtatagpo ni Claudine sa hearing.

Bagamat may schedule na raw sila ay aalamin pa niya ito sa kanyang abugado.

“As much as possible, sana ayokong binu-broadcast kung kailan dahil ayoko ring ipaalam sa mga tao ang mga nangyayari.

“Sila lang naman yung nagsasabi ng schedule, nakikita ko nandun na lang yung mga press.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN