Elmo Magalona and Janine Gutierrez still refuse to confirm their relationship

Elmo Magalona on Janine Gutierrez: "Everytime na nakakasama siya, everytime na mas nakikilala ko siya… natutuwa lang ako pag kasama ko siya. Hindi kasi mahirap maging close kay Janine, ’coz she’s super nice, super caring, and that’s what I like about her."


Namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Villa Quintana lead stars na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez sa surprise birthday party para sa co-star nilang si Paolo Contis noong Huwebes, March 13, sa Centerstage, Quezon City.

Kapansin-pansin ang closeness ng magka-loveteam sa party, kaya tinanong namin kung official na ba silang mag-on sila.

Tumingin muna nang matagal si Elmo kay Janine na parang tinatantiya kung ano ang isasagot nila.

Nang nagsalita na si Elmo, aniya, “Enjoy lang muna.

“Hindi namin kinakalimutan yung work namin, pero at the same time, nag-e-enjoy din kami.”

Sabi naman ni Janine, “We’re all just very thankful na maging part ng Villa Quintana.”

Malaki ang pasasalamat ni Elmo dahil dito sa kanilang afternoon drama series lalo niyang nakilala si Janine, at naging close silang dalawa.

Ani Elmo, “Everytime na nakakasama siya, everytime na mas nakikilala ko siya… natutuwa lang ako pag kasama ko siya.

“Hindi kasi mahirap maging close kay Janine, ’coz she’s super nice, super caring, and that’s what I like about her.

“Mas nakilala ko siya dito sa Villa Quintana, kasi pareho kami ng pinagdaanan and it turns out, magkasundo pala kami.”

Sabi naman ni Janine, “Masaya lang ako pag kasama ko siya. Saka, we just focus on work muna.”

Kahit hindi pa sila diretsahang umaaming sila na, inamin nilang mayroon nang selosan sa kanilang dalawa.

Ayon kay Elmo, “Ako, pag work, hindi naman ako naaapektuhan. I’m very understanding sa mga ganung bagay.

“Pero feeling ko, ako ang seloso.”

Napangiti na lang si Janine na sumingit ng, “Wala namang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN