Andre Paras busts snobbish image: “I’m not suplado or mayabang.”

Andre Paras explains his snobbish facade: “My dad advised me to just be myself and let things flow. I did just that. I just hope na yung first impression nila sa akin would not be the last. They just need to get to know me more.”


Dahil malakas ang dating ni Andre Paras, marami tuloy ang nami-misinterpret ang kanyang mga kilos at pananalita.

May mga nagsasabi ring may pagkamayabang at suplado ang dating niya, at parang bihira raw itong ngumiti.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Andre sa location shoot ng Diary ng Panget noong March 12, sa Lyceum of the Philippines University, sa General Trias, Cavite, tinanong namin siya tungkol dito.

Ayon kay Andre, hindi niya alam na ganoon pala ang dating niya sa iba. Kaya sinsisikap niyang mag-adjust, makisama, at makasanayan ang mga kalakaran sa local showbiz.

“I really didn’t know that there are people who think that I am like that. Hindi ko po alam iyon na ganoon ang dating ko sa kanila.

"If ever may na-offend man ako, I am very sorry. I wasn’t aware po talaga."

Saad pa niya, “Maybe it all started when we were introduced as the cast of Diary ng Panget.

"That was my first time time to be in front of many people from the press.

“It was overwhelming for me and I didn’t know if I was doing the right thing and saying the right words.

“My dad advised me to just be myself and let things flow. I did just that.

“I just hope na yung first impression nila sa akin would not be the last. They just need to get to know me more.

“I’m not suplado or mayabang.

"I may not smile a lot but I assure everybody that I am a very good person."



FIRST MOVIE. Nakapag-adjust na raw si Andre sa buhay-showbiz at ini-enjoy na niya ang paggawa ng kanyang first movie sa ilalim ng Viva Films, ang Diary ng Panget: The Movie.

Sinabi niyang masayang-masaya siya kapag nasa shooting dahil ang marami siyang natututunan, lalo na sa pagiging isang professional actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ng basketball player turned actor/TV host, “Actually, it’s not different from sports.

"You do your best in any game and you will get good results.

“Like, dito po sa shooting namin ng movie, we all do our best.

"We’re like one team. If we all cooperate and do our best, we will get the best results.

“Gusto po namin ’yon and we are positive that our movie will do very good because of the tremendous response we are receiving through social media and the teens who have already read the novel and fell in love with it.

“Now, they are waiting for it on the big screen.

"We pray that we all do a very good job bringing the characters to life on the big screen."

Sa Diary ng Panget, gaganap si Andre bilang si Chad.

Ang ibang characters ay gagampanan naman nina Nadine Lustre bilang Eya, Yassi Pressman bilang Lory, at James Reid bilang Cross. Sa April 2 na ito ipalalabas.

BIG ADJUSTMENT. Inamin ni Andre na nagkaroon ng malaking adjustment sa kanya dahil hindi naman daw niya naging plano ang maging isang artista, ’tulad ng kanyang mga magulang na sina Benjie Paras at Jackie Forster.

Pero willing naman daw siyang pag-aralan lahat kung ang pagpasok niya sa showbiz ang nakatakda para sa kanya.

Saad ni Andre, “At first po, it was pretty overwhelming because this is a new place for me.

"Nasanay po ako sa school and on the court. Now, I’m in front of the camera, acting.

“I’m the first to say that I’m not an actor. I love playing basketball.

"But if this is the path the God has set for me, I should at least try, ‘di ba?"

Dagdag niya, “I’m learning a lot from everybody.

"We had our acting workshop before shooting the film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We got to know one another very well and we got to know our director, Direk Andoy Ranay.

“Direk Andoy has handled us very well in the movie. He knows all the quirks and what’s happening with the young generation of today.

“Kaya ang saya po namin sa set.

"Kahit na po we are shooting almost every day, we are enjoying every minute of it kasi we can all relate with the story."



MISSING BROTHER KOBE. Dahil sa pagiging busy ni Andre, marami na raw siyang nami-miss out sa family activities nila.

Bukod kasi sa shooting ng Diary ng Panget: The Movie, isa ring video jock si Andre for MTV Pinoy. Co-host din siya ng Sunday All Stars sa GMA, at napapanood din siya paminsan-minsan sa gag show na Bubble Gang.

Nami-miss na rin daw niyang makasama ang kapatid na si Kobe Paras.

Noong mga bata pa raw kasi sila ay halos hindi sila mapaghiwalay. Very close nga raw silang magkapatid kaya nalulungkot siya na nabawasan ang panahon nila para sa isa’t isa.

Kasalukuyang nag-aaral sa Cathedral High School sa Los Angeles, California, si Kobe na nagawaran ng basketball scholarship.

Sabi ni Andre, “Yeah, I miss my brother Kobe.

"Because of my workload, we barely see one another na.

“We communicate naman po through text and we sometimes call one another when we really need to talk.

“Me and Kobe, we are always there for one another ever since we were little kids.

“Now, we are doing our own things now and we’re happy for what is happening to both of us.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN