Yassi Pressman admits snubbing ex-boyfriend Sef Cadayona’s rumored new girlfriend Andrea Torres: "It’s better po na umiwas na lang ako, ’di ba?"

Yassi Pressman on why she chooses not to talk to Andrea Torres, who’s now the alleged girlfriend of Yassi’s ex-boyfriend Sef Cadayona: “It’s better po na umiwas na lang ako, ‘di ba? Hindi naman ako galit sa kahit sino. For me, it’s better na ganito na lang. Makakaiwas pa kami sa anumang puwedeng sabihin ng ibang tao.”


Nilinaw ni Yassi Pressman na hindi sa kanya nanggaling ang balitang ang Kapuso actress na si Andrea Torres ang ipinalit sa kanya ng ex-boyfriend niyang si Sef Cadayona.

Ayon kay Yassi, siya mismo ay nagulat nang may magsulat na mabilis siyang napalitan ng kanyang ex-boyfriend.

Magkasama kasi sa Bubble Gang sina Sef at Andrea, at balitang doon daw nagsimulang ma-develop ang damdamin nila para sa isa’t isa.

Diin ni Yassi, “It didn’t come from me. Mas nauna nga po ang press na malaman iyon kesa sa akin, e.

“Ayoko na lang isipin iyon kasi tapos na kami ni Sef.

“I’m focusing more on my career now. Tama na yung minsan akong dumaan sa ganung sitwasyon.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yassi sa shooting ng Diary ng Panget: The Movie sa Lyceum of the Philippines University, sa General Trias, Cavite, noong March 12.

SNUBBING ANDREA? Hindi naman itinanggi ni Yassi na hindi sila nagbabatian ni Andrea dahil sa balitang ito.

Dati raw ay close sila ni Andrea at madalas silang nagkakasama ng ibang girls na kagrupo nila sa Sunday All Stars.

Pero mula raw noong kumalat ang balita tungkol kina Andrea and Sef, si Yassi na ang umiwas na makasama ito.

Paliwanag ni Yassi, “It’s better po na umiwas na lang ako, ‘di ba?

“Hindi naman ako galit sa kahit sino.

"For me, it’s better na ganito na lang. Makakaiwas pa kami sa anumang puwedeng sabihin ng ibang tao.

“I can still work with Andrea kasi professional naman tayo. Pero wala na yung mga dating girl talk namin.

“’Tsaka, I never asked her naman regarding sa kanila ni Sef.

“If she wants to say something sa akin, okey lang.

"But it’s better nga na may distance na kami para walang maging intriga pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REMAINS CIVIL WITH SEF. Sa kanila naman daw ni Sef, civil na lang daw sila sa isa’t isa.

Lahad ni Yassi, “Hindi naman po maiwasan na magkita kami sa GMA-7 compound, ‘di ba? Especially kapag may rehearsals for Sunday All Stars.

“Okey na yung civil na lang kami. Hi and hello lang talaga.

"Hanggang doon na lang. Wala na yung kumustahan or kuwentuhan.

"Wala naman kaming pag-uusapan na, ‘di ba?

“Mabuti na rin yung gano’n na lang.

"Naka-move on na siya at naka-move on na rin ako."

MOVIE. Busy si Yassi ngayon sa shooting ng pelikulang Diary ng Panget: The Movie para sa Viva Films.

Sa April 2 na ang playdate nila kaya naging araw-araw ang shootings nila.

Gaganap si Yassi bilang si Lory sa pelikulang ito na hango sa best-selling teen novel na unang sumikat sa Wattpad.com.

Kasama niya rito sina Nadine Lustre, James Reid, at Andre Paras.

Sabi ni Yassi, “Marami na ngang excited for this movie, lalo na yung mga fans ng novel when this was first published on Wattpad.com.

"We all get a lot of great comments through social media.

“Dito nga po sa shooting namin, a lot of the students have read Diary ng Panget and they were very happy to see the characters of Eya, Chad, Lory, and Cross come to life.

“They all can relate to the story and they are all excited to see this on the big screen.

“We all pray that this project be a huge success and we expect to see all the fans of the novel enjoying the movie,” asam niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN