Jessica Sanchez to sing Philippine National Anthem at Manny Pacquiao-Timothy Bradley rematch on April 12

Ayon sa Filipino-American singer na si Jessica Sanchez, ang proceeds mula sa concert nila mamayang gabi, March 16, sa Solaire Grand Ballroom, ay mapupunta sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.


Nasa bansa muli ang American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez.

Masaya niyang ibinalita na muli siyang napili para umawit ng Philippine National Anthem sa rematch nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley, April 12 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada.

At dahil daw sa maraming papuring kanyang natanggap sa una niyang pag-awit ng "Lupang Hinirang" sa laban ng Pambansang Kamao, wala daw siyang balak na baguhin ang tono at paraan ng pagkanta nito.

Saad niya, “Actually, no. I think I did a pretty good job last time. I received so many tweets and everybody wants to keep it [the same way].

“They want me to keep it traditional and nice and simple like what I did last time. I don’t wanna change.

"But I’m very excited, I love Manny and this is the second time I think I’m singing for the fight, ah no, third time, and I’m very excited to sing.”

Unang kumanta si Jessica sa laban nina Manny at Timothy noong June 2012 kung saan inawit niya ang U.S. National Anthem, at pangalawa naman sa laban ni Manny at Brandon Rios noong November 2013 sa Macau kung saan inawit niya ang National Anthem ng America at Pilipinas.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Jessica kahapon, March 15, sa presscon ng Solaire Turns One concert na ginanap sa VIP Lounge ng Solaire Resort and Casino, sa Tambo, Parañaque, City.

SOLAIRE TURNS ONE. Masaya naman ang Filipino-American 18-year-old singer sa kanyang muling pagbalik sa Pilipinas dahil ang proceeds mula sa concert na kanilang gagawin mamayang gabi, March 16, sa Solaire Grand Ballroom, ay mapupunta sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.

Saad nito, “I’m just really, really excited to be back.

“Every single time that I come back, I just feel more, more at home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I actually was in New York a couple of days ago, supporting the [fundraiser for] victims of hurricane Haiyan that happened at the Madison Square Garden.”

Ang tinukoy ni Jessica ay ang #Pinoy Relief benefit fundraising concert para sa mga bikitma ng Yolanda na ginanap noong Martes, March 11 sa New York. Nakasama niya dito sina Charice at Jennifer Hudson.

Sa Solaire Turns One concert, makakasama ni Jessica ang kapwa American Idol season 11 finalist na si Hollie Cavanagh, ang mga Champions na sina Mark Bautista, Christian Bautista, at Sheryn Regis, at ang The Voice of the Philippines finalists na sina Morisette Amon at Klarisse de Guzman.

From left, Klarisse de Guzman, Mark Bautista, Hollie Cavanagh, Jessica Sanchez and Sheryn Regis. (Photo by Mark Atienza)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN