Rayver Cruz not jealous of Cristine Reyes’s new suitor

Rayver Cruz on Cristine Reyes being courted by Gilas Pilipinas Kevin Alas: “Ano ba dapat ang reaksyon ko? Madami naman talagang nanliligaw sa kanya. Di naman ako nagseselos sa mga ganyan. Kung saan masaya si AA, dun tayo.”


Mismong si Cristine Reyes ang nagkumpirma sa nakaraang finale presscon ng Honesto na nanliligaw nga sa kanya ang basketball player na si Kevin Alas ng Gilas Pilipinas.

Naging tapat din ang aktres sa pag-amin na hindi niya sinasarado ang pinto, na maaaring sagutin niya si Kevin at may malaking pag-asa ito sa kanya basta magtiyaga lang ito at maghintay.

Nang hingan ng reaksyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Rayver tungkol dito, siniguro ng aktor na wala siyang selos na nararamdaman kung may manligaw o magustuhan mang iba si Cristine dahil wala na naman silang relasyon at magkaibigan sila ng ex-girlfriend.

“Ano ba dapat ang reaksyon ko? Madami naman talagang nanliligaw sa kanya. Di naman ako nagseselos sa mga ganyan. Kung saan masaya si AA, dun tayo.

“Hindi ko siya kilala. Hindi ko naman kasi tinatanong ang mga ganun, di naman niya kailangang banggitin sa akin, di naman ’kami’ para i-report niya sa akin ang lahat,” paliwanag ni Rayver.

MUTUAL FEELINGS. Sa isang panayam namin kay Cristine ay nabanggit nito na mahal pa niya higit sa isang kaibigan si Rayver at hindi nawala ang espesyal na damdamin niya rito kahit kailan. Pero para kay Rayver ay mas mahal na niya ngayon si Cristine bilang isang kaibigan.

“Ganun din naman ang sinabi ko, ganun din naman sa akin, sa part ko. Naging mahalaga kaming parte ng bawat isa, may pinagdamahan kami. Mahal namin ang bawat isa bilang magkaibigan.

“Siguro di naman agad nawawala ’yon, di ba? Ganun lang si AA, malambing lang talaga ’yon.

“Mahal ko pa rin si AA, mahal ko pa rin siya pero bilang kaibigan. Di na kami, mas okay talaga na friends kami, alam naman niya ’yon,” giit niya.

SINGLE BUT HAPPY. Nang kumustahin namin ang kanyang lovelife, aminado ang aktor na lumalabas siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin namin kung nagde-date pa rin sila ni Imee Schweighart, ang 2013 Bb. Pilipinas semi-finalist na dating na-link sa kanya, sinabi ng aktor na hindi na pala ito naulit.

“Wala e, lumalabas ako with friends, pero yung talagang dating, wala pa," ang sabi ni Rayver.

“Okay lang, normal lang naman ’yon. Tanggap ko kasi sa industriya naman natin, pagkalumabas ka, kinabukasan may issue na.

“Hindi na, hindi ko na siya uli nakita [Imee].”

Para kay Rayver, hindi niya hinahanap ang magkaroon ng lovelife sa ngayon, lalo’t nag-e-enjoy naman siya sa pagiging single.

“Hindi ko hinahanap, di ako nagmamadali, darating ‘yan in time. Nage-enjoy pa ako ng ganito, trabaho, single,” masaya niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN