Denise Laurel and fiancé Solomon Mercado plan to get married in 2016

Denise Laurel on saying "yes" to Solomon Mercado: “Mahal ko siya! Iyon lang naman yun. ’Tsaka hinahayaan niya akong mag-bloom, hinahayaan niya akong... alam mo yun, suportado niya talaga ako kung ano ako, kinu-complement niya ako.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Denise Laurel noong Sabado, March 15, sa Training Hall ng ABS-CBN, sa 13thfloor ng ELJ Bldg., para sa finale presscon ng early primetime series na Annaliza.

Ipinakita ni Denise sa amin ang two-karat diamond engagement ring nila ng boyfriend niyang si Solomon Mercado, player ng San Miguel Beermen sa Philippine Basketball Association (PBA).

Hindi masyadong marunong mag-Tagalog si Solomon, na isang Filipino-Puerto Rican at lumaki sa taga-Sacramento, California.

Ayon kay Denise, anim na taon pa lang sa Pilipinas si Solomon at Ingles sila kung mag-usap.

“Baluktot din naman ang dila ko, e!” natawang sabi ng aktres.

THE PROPOSAL. Sobrang ikinagulat daw ni Denise ang proposal ni Solomon, as in wala siyang ideya.

Lahad niya, “It was my birthday, September 30 [2013].

"Bad trip na bad trip ako, kasi nag-show kami sa SM Mall of Asia Arena, and I was so excited because I rarely get to sing.

"’Tapos malaking venue pa siya, ’tapos bago pa yung songs ko, medley, excited ako.

“E, nagkamali sa prodcution. Yung music ko nag-play, nasa dressing room pa ako.

“Pagpasok ko sa stage, halos kalahati na ng kanta ko, minus one pa, live ako kumakanta.

"So, hindi ko alam saan ako magsisimula, ganyan.

“Bad trip na bad trip ako kasi I was so excited. The venue was full.

“So, after nun, nung pagdating sa family dinner, iniisip ko family dinner na naman, e.

"We have a family dinner every weekend, and I don’t really celebrate my birthday, so parang it’s no big deal sa akin.

“When I got there, parang regular dinner lang.

"Before I knew it, sabi ko, ’Bakit ang tagal ng dessert?’

"Iyon pala, that’s when he was gonna propose. So I got gulat talaga.

"Pagtalikod ko, nakaluhod na pala siya!"

Napa-oo ba agad siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre na-shock ako.

"Pinakinggan ko muna lahat ng sinasabi niya kahit hindi ko naririnig dahil shocked ako!” tawa na naman ni Denise.

Dagdag niya, “Yung nakikita ko lang gumagalaw yung labi niya nang slow motion, ’tapos parang lumilipad ako na hindi ko maintindihan.”

DENISE LOVES SOLOMON. Hindi raw pumasok sa isip niya na sumagot ng “no” sa proposal ni Solomon. Talagang handa na raw siya.

Sabi ni Denise, “Kasi I never thought of marriage, I never wanted to get married.

"Kasi I’m a very independent person, strong ako.

"Ever since bata ako, lahat ng kung anong meron ako, pinaghirapan ko.

“Lahat ng akin, blood, sweat, and tears ko talaga yun.”

Paano siya napa-oo kung wala naman pala sa isip niya ang pagpapakasal?

“Mahal ko siya!” at tumawa si Denise. “Iyon lang naman yun.

“’Tsaka hinahayaan niya akong mag-bloom, hinahayaan niya akong... alam mo yun, suportado niya talaga ako kung ano ako, kinu-complement niya ako.”

Matagal na silang magkabarkada, ayon kay Denise, bago sila nagkaroon ng relasyon.

“And I never put anything to it. Parang sobrang magka-vibes kami dati pa, pero hindi ko binigyan ng kahit ano.”

Sa 2016 ang planong pagpapakasal nina Denise at Solomon, pero wala pang eksaktong petsa.

“Wala pa po.

"We’re just enjoying what we have right now, we’re both very busy and we’re both very young, and he’s very supportive of what I do.

“Siya nga yung pinamalaking fan ng Annaliza kahit wala siyang naiintindihan, nanonood siya.

“So, I’m very thankful for that.

"So, we’re just getting to know each other more, preparing for the future, nag-iipon.”

DENISE’S DAUGHTER. May two-year-old son na si Denise ngunit hindi si Solomon ang ama nito, kundi ang dati niyang nakarelasyong Italian-American.

Hindi raw sila nagkikita ng ama ni Alejandro.

“He’s not here, he doesn’t live here. Hindi siya Pinoy at all,” sabi ni Denise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsusuntento ba ang ama ng anak niya?

“I told him na whatever he… kaya ko naman, e.

"So, sabi ko, ’Whatever you wanna send, if you don’t feel like sending, it’s okay.’

"And I send photos of him [Alejandro]."

Magkaibigan daw sila ng ama ng kanyang anak.

“Opo. I wanna be a good mom to my son.

"And part of being a good parent is letting go of whatever, getting over yourself, getting over your ego, whatever, ganyan, and sharing.

“Feeling ko, even if he’s not here, I want him to know how he is, how he’s grown.

“Wala akong pagkukulang.”

Bakit hindi nag-work out ang relasyon nila ng ama ng anak niya?

Sagot nig 26-year-old actress, “I just feel like maybe because we’re in two different sides of the world, it’s really difficult.

"And he’s very young also. Magka-age kami.”

Niyaya rin daw siyang magpakasal noon ng ama ng kanyang anak.

“Pero at that time talaga, ’di ba, sabi ko, ayoko ng…”

Mabuti nasa kanya ang bata?

“Of course! Siyempre ako’ng nanganak, e. Unless siya yung...” at muling tumawa si Denise.

Kapag dumating na sa tamang edad ang anak nila at pamiliin ito kung kanino sasama?

“Whatever he wants. Hindi ako kinakabahan.

"Siyempre despite na sobrang busy ko very hands-on ako."

Kung kunin ng tatay ang bata?

“Kung kaya niya!” bulalas ni Denise.

Close daw sina Solomon at Alejandro.

“Para ngang sila yung mag-ano, e. Sobra!

"Pag nasa trabaho ako, sinusundo niya, ’tapos gumu-go sila kung saan-saan.”

Hindi raw sila magka-live in Solomon; at binata ito at walang anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN