Diego Loyzaga does not mind falling behind contemporaries in ABS-CBN

Diego Loyzaga does not mind falling behind his contemporaries like Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. He says, "Okay lang, we will have our own time naman, e. We all have our own time to shine. So, right now, nauna sila, I’m very happy po."


Magiging bahagi pa rin ng upcoming teleserye na Mira Bella si Diego Loyzaga.

Ito ang sinabi ng young Kapamilya actor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa fashion show na inihanda ng clothing brand na iniendorso niya noong nakaraang linggo.

Noong mga unang announcement ng Mira Bella, pinangalanan sina Diego at Kiko Estrada na gaganap bilang leading men ng lead actress ng teleserye na si Julia Barretto.

Read: Julia Barretto will star with Diego Loyzaga and Kiko Estrada in Mira Bella

Subalit bago matapos ang 2013, inanunsiyo ng ABS-CBN na sa halip na sina Diego at Kiko, sina Enrique Gil at Sam Concepcion na ang makakasama ni Julia sa kanyang launching teleserye.

Read: Kiko Estrada blames no one for being pulled out of Mirabella

Subalit hindi naman lubusang nawala si Diego sa teleserye, sa halip gaganap pa rin siya bilang isang supporting character sa teleserye.

“One of the mean boys. Kakaiba na ang role ko doon.

“Hindi na ako boy-next-door. Medyo ano na ako doon, medyo bad guy,” paglalarawan ni Diego sa kanyang role.

Bilang paghahanda, sabi ni Diego ay pinag-aralan niya ang ugali ng mga bully.

Kuwento niya, “Actually, high school setting po ito. Bully sa high school.

“Siyempre, naranasan naman po nating lahat yung mga bully sa high school. Kinuha ko lang ang character ko doon.

"Siyempre, sa mga kaibigan ko, may mga bully-bully. Simple lang naman po."

Dahil dito, inaasahan daw niya na marami ang magagalit sa kanya kapag nagsimula nang umere ang teleserye.

“Gusto ko talaga na mainis ang mga manonood sa akin.

“Hinihintay ko nga, e. Inaabangan ko nga po ‘yon,” nakangiting sabi ni Diego.



STUDIES FIRST. Hindi naman daw dahil sa pag-iba ng role niya sa Mira Bella kung bakit sandaling nawala si Diego sa showbiz.

Ayon sa binatang anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, inuna muna niyang tapusin ang high school bago bumalik sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Diego, “Marami nga pong nagsasabi na sayang.

“Pero nag-usap kasi kami ng parents ko, sabi nila na mas importanteng unahin ang pag-aaral.

“They are completely right, na unahin muna ang pag-aaral.

“Balak ko pa nga sana pagsabayin yung college, pero we’ll see how it goes first after this show.

“Pero gusto ko po talagang makatapos muna ng college.

“College life muna. Kasi iba rin yung nakaranas ka ng regular college.”

Dagdag niya, “I’m willing to give naman kaso [bumalik] na po ako sa showbiz.

“I went back already, so kailangan ibigay ko po ang 100 percent.

“Kung mag-aaral ako, 100 percent akong mag-aaral.

“Kung magso-showbiz ako, 100 percent ako sa showbiz.

“So, ngayon na nabigay ko na ang time ko sa pag-aaral, showbiz naman.”



NO REGRETS. Matatandaang halos kasabayan ni Diego sina Julia Montes, Kathry Bernardo, at Daniel Padilla.

Nagkasama-sama ang apat na young star sa dating teen teledrama ng ABS-CBN na Growing Up.

Read: Diego Loyzaga, Julia Montes, Kathryn Bernardo and Daniel Padilla reveal their growing-up insecurities

Hindi ba nanghihinayang si Diego na mas kilala na ngayon ang mga kasabayan niya noon?

Sabi ng young actor, “It’s nothing.

“Everything happens for a reason naman po, e.

"I’m so happy for them.”

Dagdag pa niya, “Sana nga nakasabayan ko sila, pero nauna sila.

“Okay lang, we will have our own time naman, e.

“We all have our own time to shine.

“So, right now, nauna sila, I’m very happy po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN