Rocco Nacino to spend Holy Week vacation in Italy with Lovi Poe

Here’s the thing, will Rocco Nacino and Lovi Poe spend their holiday in Italy like honeymooners do? He laughs, "Hindi nga kami kasal, e!” The bombshell? He’s not in favor of pre-marital sex, “Conservative ang pananaw ko sa bagay na ‘yan, it has to be tradional. It’s a no, not yet."


Sa unang pagkakataon, makakasama ni Rocco Nacino si Lovi Poe na magbabakasyon at sa Italy ang destinasyon nila.

Kuwento ni Rocco, “April yung plano namin, pero wala pang specific date. We’re setting the schedule pa.

“Malamang na itaon namin sa Holy Week para walang matamaan na trabaho.

“Kailangan din namin pareho ng vacation, e, kaya ayun, sabay na kami na magbabakasyon.”

May nabuo na ba silang itinerary sa biyahe nilang ito?

Natatawang sagot ng Kapuso actor, “We want to keep mum about it na lang siguro kung saan kami pupunta.

“Kasi siyempre, it’s a private thing.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, March 16.



FOURSOME. Dalawa lang sila ni Lovi na aalis patungong Italy kung saan imi-meet daw nila ang sister ng aktres at ang boyfriend nito.

Saad ni Rocco, "So, parang group date kami, kaming apat ang magiging magkakasama doon."

Natawa si Rocco sa pabirong tanong namin kung paano ang gastos, sagot ba niya lahat?

“Tulungan kami, tulungan kami at hindi naman kailangang mag-splurge, e.

"Yung masaya lang kayo, adventure lang, yung gano’n.”

Ang malamang na magiging dating ng pagbabakasyon nila sa Italy ay kumpirmasyon na ngang sila na.

“Ewan ko!” nangiting reaksiyon ni Rocco.

“Basta hindi ko na iniisip kung anuman ang iniisip ng ibang tao.

“Ang importante lang, makapag-bonding kami doon, ‘yon lang!”

Mabuti at pumayag ang mommy ni Lovi na magkabakasyon silang dalawa?

“Ano naman siya… she’s of legal age na naman, e.

"At saka mabait naman ang mommy niya,” pagtukoy ni Rocco sa dating artista ring si Rowena Moran, na ina ni Lovi.

Dagdag niya, “Nagpaalam kami sa parents namin, wala namang problema sa kanila.”



SEPARATE ROOMS? Paano kung malagyan ng malisya ang pagbabakasyon nila ni Lovi sa Italy? O kaya ay magkaroon ng hinalang sa iisang hotel room lang silang dalawa mag-i-stay na parang honeymooners?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, hindi nga kami kasal, e!” tawa ni Rocco.

Mariin din niyang nilinaw na hindi siya pabor sa pre-marital sex.

“Conservative ang pananaw ko sa bagay na ‘yan, it has to be traditional siyempre.

“It’s a no... not yet.

“At saka we know our priorities, we both have our career paths.

"Sobrang busy kami pareho sa career namin ngayon.

“She’s at the peak of her career, maganda rin ang takbo ng career ko.”

Ang maganda nga raw sa kanila ni Lovi, they inspire each other at sa maraming bagay ay nagkakatulungan daw sila.

Sabi pa ni Rocco, “At saka walang nakikialam sa career ng isa’t isa, sumusuporta kami sa isa’t isa.

"That’s a good thing kaya we’re happy naman, naiba-balance namin."



NEW PROJECTS. Masaya rin daw si Rocco sa bagong soap na gagawin ni Lovi kasama sina Dingdong Dantes at Maricel Soriano.

Kuwento niya, “Kinakausap niya ako tungkol sa mga preparasyon niya.

"I get to say kung ano sa tingin ko yung baka puwede sa kanya.

“Gusto niyang mag-dance lesson, sinasamahan ko siyang mag-dance lesson.

“Nag-zumba nga kami!” tawa niya.

Dagdag niya, “Actually, first time kong mag-zumba and masaya siya.”

Ano ba ang pinakamagandang naging impluwensiya sa kanya ni Lovi?

“Uhm… optimism, being positive.

“Although dati na naman akong optimistic, but then she reminds to continue to be, yeah!

“Also, to know your priorities and to focus on work.

“Kasi gano’n siya, kaya focused din talaga ako sa trabaho.”

May mga bago ring project si Rocco na gagawin, ang pelikulang Ibong Adarna at isang indie movie na hindi pa raw niya puwedeng sabihin kung ano ito.

Aniya, “I’m very excited for this project. I’m just waiting na ma-finalize ang tungkol dito.”

Wala pa siyang bagong uumpisahang soap sa GMA?

“Siguro pagbalik ko galing sa bakasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi, meron na raw bagong soap for me, so I’m looking forward to it.”



DENY, DENY. Samantala, kapag kinukulit ng press kung ano nga ba talaga ang nasa likod ng magandang pagtitinginan nila sa ngayon, consistent na walang paglilinaw ang mga sagot nila ni Lovi.

Sabi ni Rocco tungkol dito, “Yeah, siguro ‘yon lang siguro ang puwede naming i-treasure.

“Na yung personal namin, we should keep it private.”

Baka naman kasi hinihintay lang ni Lovi na siya ang maunang umamin?

“It depends!” nakangiting sagot ni Rocco.

“Puwedeng siya, puwedeng ako, puwede ring sabay!

“Hindi natin masabi kasi hindi pa naman dumarating do’n.

“Sang-ayon din naman ako sa kanya, although we’re public figure nga, dapat private lang yung personal."

Iyon ba ang usapan at napagkasunduan nila ni Lovi?

Sabi ni Rocco, “Automatic na ‘yon, kasi nga, hindi naman kailangang lagi e ibinubulgar kung ano ang nangyayari sa amin.

“And that’s one thing we can keep to ourselves.

"Siyempre nakakapagod din to keep telling everyone what’s happening.

“Kaya, yun nga, you treasure your personal life and keep it private.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN