Jennylyn Mercado has nothing against Luis Manzano and Angel Locsin’s highly publicized romance

Jennylyn Mercado says she doesn’t want to jump into a new relationship even though she currently has new suitors. "Siyempre alam ko yung priorities ko ngayon kasi kailangan ko mag-ingat. Gusto ko habang tumatanda tayo, mas gusto ko yung sigurado sa buhay. Yung alam natin na hindi tayo lolokohin, yung pang forever na," stated the Rhodora X star in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) before her mall show in Davao City last Fr


"Almost there."

Ito ang pahayag ni Jennylyn Mercado nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nalampasan na niya kung anumang sakit na naidulot ng hiwalayan nila ni Luis Manzano noong October 2013.

Hindi kinakitaan ng anumang bitterness si Jennylyn kahit na lantaran ang pakikipagrelasyon ngayon ni Luis kay Angel Locsin.

Matatandaang opisyal na nagkabalikan sina Luis at Angel noong Enero 2014, at mula noon ay madalas silang mag-post ng couple pictures sa kani-kanilang Instagram account.

Ngunit ayon kay Jennylyn, ayaw na niyang kuwestyunin kung ano man ang desisyon ni Luis sa buhay nito.

Hindi na raw importante kung nakahanap man agad ang Kapamilya TV host-actor ng bagong girlfriend, habang siya ay single at unattached sa ngayon.

Sabi ni Jennylyn, "Ayoko na pag-usapan yung ganung bagay kasi tapos na rin naman. Five months ago pa yun.

"As long as they’re happy... Ako naman, I’m happy.

"Alam ko naman na yung mga priorities ko sa buhay. Dun muna ako magpo-focus.

"Sa ngayon, wala. Bakit ko pipilitin?"

Nakapanayam ng PEP si Jennylyn sa Chippens Restaurant sa Davao City, ilang oras bago siya nagtungo sa Gaisano Mall para sa Kapuso Fans’ Day noong Biyernes, March 14.



ON FINDING THE ONE. Inamin naman ni Jennylyn na mayroong "mangilan-ngilan" na nanliligaw sa kanya.

Pero hanggang maaari ay ayaw niyang magmadali na pumasok muli sa isang relasyon.

Saad niya, "Honestly, meron mga ilan-ilan [na suitors].

"Pero siyempre, alam ko yung priorities ko ngayon kasi kailangan ko mag-ingat.

"Gusto ko habang tumatanda tayo, mas gusto ko yung sigurado sa buhay.

"Yung alam natin na hindi tayo lolokohin, yung pang-forever na.

"Sabi ko nga sa sarili ko, the next time na mai-in love ako, I’ll make sure na yun na talaga."

Bukod kay Luis, ang iba pang ex-boyfriends ni Jennylyn sa showbiz ay sina Dennis Trillo, Patrick Garcia, at Mark Herras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit kahit na nauwi sa hiwalayan ang pakikipagrelasyon niya sa mga ito, hindi naman daw dumating sa puntong nawalan na ng gana si Jennylyn na magmahal muli.

"Hindi naman ako scarred forever," giit ni Jennylyn.

"Kahit yung pinaka-recent, hindi naman ako talaga [naging cynical afterwards].

"Kumbaga, well, there’s this reason kung bakit nangyari yun.

"Siguro si God na ang bahala sa akin."

Ayon pa sa Rhodora X star, pangarap din naman niyang lumagay sa tahimik, lalo pa’t ang mga malalapit niyang kaibigan at StarStruck batchmates na sina Yasmien Kurdi at Katrina Halili ay may kanya-kanya nang pamilya.

"Sa ngayon, masasabi ko lang na siguro talagang ibinibigay ko na muna lahat ng kaya ko sa career ko, habang nandiyan pa yung opportunity.

"Sayang naman kung palalampasin ko at uunahin ko yung ibang bagay.

"At least, nandiyan naman si Jazz [her son] at nandiyan yung mom ko. That’s the most important thing.

"Para sa akin, kung darating man yung araw na yun, yung guy na yun, hindi ako nagmamadali."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN