Jennylyn Mercado on Patrick Garcia’s responsibility to their son: "Hindi ko kailangan ng kahit ano from them. Wala na akong iintindihin."

Jennylyn Mercado says she has new suitors but she is not ready to jump into a new relationship: "Alam ko yung priorities ko ngayon kasi kailangan ko mag-ingat. Mas gusto ko habang tumatanda tayo, yung sigurado sa buhay. Yung alam natin na hindi tayo lolokohin, yung pang-forever na."


Marami ang humahanga sa dedikasyon ni Jennylyn Mercado na i-improve ang sarili sa bawat aspeto ng kanyang buhay.

Positibo ang feedback sa acting skills nisa telya eseryeng Rhodora X, kunsaan kakaiba ang ginagampanan niyang papel na isang babaeng may disorder na split personality.

Pakiramdam ni Jennylyn ay sobrang blessed siya dahil patuloy na mataas ang ratings at madalas na trending sa Twitter ang kanyang primetime teleserye.



TIME SQUEEZE. Samantala, tuluy-tuloy pa rin raw ang fitness training niya.

Sa kabila ng kanyang pagiging abala sa trabaho ay naglalaan pa rin siya ng oras para sa swimming at biking.

"Dumating na nga sa point nagte-taping ako, matatapos ako ng 3 a.m.

"I’ll go straight to my training, diretso ako ng swimming.

"’Tapos nami-miss ko na yung isang buong araw."

Base na rin sa Instagram posts ng 26-year-old actress, madalas din siyang may panahon para maka-bonding ang anak niyang si Alex Jazz, 5.

Saan niya kinukuha ang kanyang lakas upang magampanan ang mga gawaing ito?

Sagot niya, "Alam mo, sa totoo lang, nakakapagod siya.

"Pero dahil gusto ko yung ginagawa ko, ine-enjoy ko yung every single moment.

"Kasi by the time na wala na siya, ayoko pagsisihan na, ’Sayang hindi ko ginawa yung best ko.

"’Hindi ko pinilit yung mga puwede kong gawin.’

"Habang nandiyan, habang kaya ng katawan ko, sige.

"So, parang three times na lang ako natutulog. Ganoon katindi."

Mas gusto raw talaga ni Jennylyn na siksik ang kanyang schedule at walang nasasayang na oras.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn bago ang kanyang mall show sa Davao City noong Biyernes, March 14.



HANDS-ON MOM. Madalas ay isinasama rin ni Jennylyn si Jazz kapag mayroon siyang training sa swimming.

"Minsan, kung maaga siya nagigising, isasama ko siya sa training.

"Nagtatakbo siya dun, nagba-bike siya dun."

Sinisikap daw ni Jennylyn na gampanan nang maayos ang kanyang pagiging ina, kahit na madalas ay abala siya sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May times na hinahatid ko pa rin siya sa school. Kunwari taping ako, ’tapos training ng madaling-araw.

"By 9 a.m or 8 a.m. darating na ako sa bahay, wala pa akong tulog, ihahatid ko na ’yan sa school.

"’Tapos susunduin mo ulit ’yan. ’Tapos magmu-mall kami. Sa gabi na ulit ako matutulog."

Kuwento pa niya, hindi siya nahihirapan na iwan si Jazz pag-aalaga ng kanyang ina sa tuwing aalis siya ng bahay papuntang taping.

"Never siya hahabol ’tapos magta-tantrums.

"Kailangan mo lang siya kausapin na, ’Jazz, I’ll go to work.’

"’Ok, Mommy, I’ll wait for you.’ Wala siyang reklamo.

"Wala akong problema talaga."

Kumusta naman ang relasyon ni Jazz sa ama nitong si Patrick Garcia?

Sagot ni Jennylyn, "Okay lang, just OK.

"Sabi ko nga, as long as they’re happy, we’re happy. Everything’s okay.

"Hindi ko kailangan ng kahit ano from them. Wala na akong iintindihin.

"Basta ang importante, happiness namin sa both sides."

Idinaan na lang din ng Kapuso actress sa tawa nang tanungin ng PEP kung regular bang binibisita ni Patrick si Jazz.

"Ok lang. Basta as long as they’re happy at may peace of mind on both sides, that’s perfectly fine," pag-ulit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN