PEP EXCLUSIVE. Guji Lorenzana confirms breakup with Kaye Abad; willing to wait “if ma-realize niya one day na ako talaga”

Nanghihinayang ang singer-actor na si Guji Lorenzana sa naputol na relasyon nila ng aktres na si Kaye Abad. Pero handa naman daw siyang maghintay na balang-araw ay mapagtanto ng ex-girlfriend niya sila talaga para sa isa’t isa.


Kinumpirma ni Guji Lorenzana ang rebelasyon ni Kaye Abad na hiwalay na nga sila matapos ang halos tatlong taong relasyon.

Sa ulat na lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, March 17, nagpaliwanag si Kaye kung bakit ngayon lang niya inaming naging sila ni Guji gayong hiwalay na sila.

Sinabi rin ni Kaye, 31, na parang “trial and error” ang kanilang naging relasyon.

At sa kasamaang palad, "error" ang kinalabasan nito at tuluyan na nga silang naghiwalay ng landas ni Guji, 33.

Read: Kaye Abad admits breakup with Guji Lorenzana

Ngayong gabi, sa pamamagitan ng telepono, nagpaunlak ng isang eksklusibong panayam sa PEP si Guji.

Isa-isa niyang binigyang linaw ang mga naging pahayag ng ex-girlfriend.

Una, bakit ngayon lang sila umamin gayong hiwalay na sila?

Pahayag ni Guji, “Well, actually ako, I don’t… ‘di ko inisip na three years yung samahan namin ni Kaye, e.

"Kasi umpisa pa lang, wala kaming anniversary date.

"Basta noong nililigawan ko siya, siguro after nung Bud Brothers [2009].

“I treat her na as girlfriend ko. Naging loyal ako, lahat.

"Na gusto naman niya, e, kasi may isang beses na parang nainip ako sa situation namin kasi ‘di namin inaamin, at hindi naman talaga kami.

"Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Na parang sabi ko, ‘Sige, quit na lang ako.’

"Kasi siyempre, gusto ko na bigyan yung sarili ko ng chance na parang maging part ng relationship na totoo, ganyan.

“So, in that time, hindi naman siya humabol sa akin, pero ayaw niya ako… parang mawala sa buhay niya.

"So, nung nalaman ko yun, nag-stay ako. And that was three years ago.

"So siguro, sa isip niya, yun yung time na yun na nag-start na parang kami na."



NO THIRD PARTY. Gaya ng sinabi ni Kaye, kinumpirma ni Guji na walang third party sa kanilang hiwalayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Ganun naman talaga sa relationship naman, e, minsan nagwo-work, minsan hindi.

"And siguro, over time na na-realize lang niya na hindi talaga kami.

“Pero ako naman, hanggang ngayon, in love pa rin ako sa kanya.

“I mean, nagho-hope pa rin ako minsan na maayos kasi matagal na din ako naghintay.

"Nagtiis ako talaga, alam mo yun?

“So, yun.”

Ano ang dahilan ng breakup nila?

Tugon ni Guji, “Actually, wala talagang reason, e.

"Parang na-realize lang namin o na-realize lang niya na baka hindi pa siya ready.

"Siguro na-pressure lang siya siguro sa pamilya niya.

“And pumasok lahat ng mga projects, Anna Liza...

“Siyempre pag busy ka, it’s hard to work at a relationship… it’s hard to fix a relationship.

"It’s hard to spend time with somebody.

"And siguro na-realize lang niya during that moment na, ’Mag-concentrate lang muna ako dito.’

“Mahirap, e, kasi may nasasaktan, e.

"You know, if you’re in a relationship and you’re not there, siyempre the other person gets hurt, ‘di ba?

"It’s hard to focus sa relationship kapag busy ka talaga."



KAYE PRESSURED FOR MARRIAGE? Kasama kaya sa sinasabi niyang na-pressure si Kaye ay ang usapin ng pag-aasawa?

Sagot ni Guji, “And siguro lahat nun, nasa age namin, alam din niya na ready ako.

"But hindi naman… I never proposed naman, there was no proposal or anything.

"But siguro, nakita niya na ako nasa time na maging seryoso talaga.

“And siya, hindi pa.”

Nagparamdam ba siyang gusto na niyang lumagay sa tahimik o magpakasal?

Sabi ni Guji, “Hindi naman...

"Basta minsan, yung mga hirit ko, like, ‘Wow masaya sila, nasa thirty na sila, yung mga ibang tao may anak na, I want that one day.’

“Hindi ko alam kung na-pressure siya dun.

"Pero alam niya na ready ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sinasabi rin naman niya sa press na, ako, willing ako mag-wait, pero alam din niya na ready ako."

Nagpaparinig ba siya kay Kaye tungkol dito?

“Nagdyo-joke lang ako. Hindi naman sa totoo, pero siyempre gusto ko talaga.

"Dyinu-joke ko lang palagi sa mga kapamilya niya na, ’Oo naman, gusto ko talaga.’

"Pero alam ko, hindi pa siya ready. Alam ko naman yun."



THE DAY KAYE SAID GOODBYE. Naalala pa ba niya kung anong buwan o araw sila naghiwalay?

Sagot ni Guji, “Siguro nag-start ‘to late last year, na parang napi-feel lang namin na baka hindi magwo-work”

Umaasa ba siyang magkakabalikan sila?

Tugon ni Guji sa PEP, “Hindi naman ako naghihintay.

"But we never know, if ma-realize niya one day na ako talaga, then sana.”

Ano ang mensahe niya para kay Kaye?

“Alam naman ni Kaye, e, hanggang ngayon magka-text pa din naman kami. Ka-text ko naman siya kanina lang.

“Alam din naman niyang nagdi-date na ako. And I’m trying to move on.

“I’m not dating someone specifically ha, pero I’m going out with girls na.

“Kasi mahirap din, e, I can’t be alone sa condo ko.

“Nahirapan talaga ako dito, kasi yung pamilya ko nasa States lahat sila, ‘di ba?

“So, wala talaga akong pamilya dito.

"Yung pamilya niya, naging pamilya ko.”

Sa ngayon daw, ibabaling muna ni Guji ang kanyang panahon sa bago niyang proyekto sa ABS-CBN, ang Moon of Desire.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN