Alden Richards on being loveless: "Marami pa akong dapat unahin kaysa sa lovelife."

Alden Richards challenges himself to improve his craft: “Every time na pini-playback ko yung mga eksenang ginagawa ko, kini-critic ko yung sarili ko. Sinasabi ko na ito kulang pa, kailangan ko pa mag-improve. Kailangan mas maging mahusay ka pa sa mga susunod mo pang gagawin."


“Zero!" bulalas ni Alden Richards tungkol sa kawalan ng romansa sa buhay nito.

Sabi pa ng Carmela actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Choice ko talaga yung maging single.

“Kasi iba yung priority ko, marami pa akong dapat unahin kaysa sa lovelife.

“Marami pa kasi akong gustong gawin para sa sarili ko at pamilya ko.

“Kahit anong edad at panahon, nandiyan lang ang pag ibig.

“Yung proyekto, yung mga blessings na dumadating sa akin, isang beses lang ‘yan dadaan kaya iga-grab ko na.

“Basta hangang may project, go lang nang go, kasi hindi mo alam hangang kailan ka may proyekto.

“Kumbaga, strike while the iron’s hot, ‘di ba?"

Nangingiti pang pahayag ni Alden, “Minsan, nakaka-miss din na iyong meron ka karelasyon.

"Na-experience ko naman dati na magka-girlfriend, pero tiis-tiis muna.

“Sabi ko sa sarili ko na kapag steady na ako, steady na ang family ko at naibigay ko na sa kanila yung magandang buhay, puwede na.

“Ang ini-aim ko kasi ngayon, magkaroon ng bahay, magkaroon ng business.

“Darating ‘yan kapag gusto na ni Lord at alam kong siya na yung right girl para sa akin."

RESPITE. Naisip ba ni Alden na sa dami ng ginagawa niya ngayon na huwag munang tumanggap ng trabaho at magpahinga sandali?

Sagot nito, “Wala naman sigurong tao na hindi napapagod.

"Pero nagdadarasal ako, kinakausap ko yung nanay ko.

“’Ma, hindi ko na kaya, konting tulong lang.’

"’Tapos matutulog ako tapos on the next morning okey na.

“Alam ko naman kasi na walang imposible sa prayers.

"Basta maka-Diyos, tutulungan ka Niya. Hindi Siya natutulog, hindi Siya bulag."

Yumao ang ina ni Alden noong 2007 dahil sa cancer.

HUMBLE. Flattered daw si Alden sa mga taong nagsasabing kahit malayo na ang narating ng kanyang career ay nananatili pa rin itong humble at mabait.

Reaksiyon nito, “Masaya kasi nakikita nila kung sino talaga ako, hindi yun kaplastikan, yun na talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas gusto kong pahalagahan yung nai-invest kong relationships sa lahat ng tao.

“Mas maganda kasing nakatapak ang paa mo sa lupa, mas maraming kaibigan at blessings ang darating sa ‘yo.

“Lahat ng mga papuring ibinibigay nila sa akin, sa puso ko lang inilalagay at hindi sa ulo.

“Pag sa ulo kasi, next stop na yung mag-iiba na ang ugali mo.

"Kapag sa puso, pasasalamat ang ibabalik mo sa kanila at mas magiging humble ka.

“Naniniwala kasi ako na kapag na-reach mo na yung point na bilib na bilib ka na sa sarili mo, unti-unti ka nang magbabago.

“Yayabang ka na, magiging overconfident ka, mapapansin ‘yan ng mga tao sa paligid mo.

“Kung ano ka sa simula, dapat ganun ka pa rin, dumating man yung point na sumikat ka."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN