Maui Taylor and Katya Santos allegedly duped by show promoter in Dubai

Naglabas ng kanyang hinaing si Maui Taylor (kanan) tungkol sa panloloko diumano ng isang show promoter sa Dubai na kumuha sa kanila ni Katya Santos (kaliwa) para mag-show roon.


Naging biktima diumano ng manlolokong show promoter/producer sa Dubai ang dating Viva Hot Babes members na sina Maui Taylor at Katya Santos.

Noong March 13 ay nag-post si Maui sa kanyang Facebook account ng kanyang hinaing sa producer ng show nila ni Katya na nagngangalang Engr. Mardilito Daya Go, may-ari raw ng Golden Lion Exhibition & Organizing.

Ikinagagalit ni Maui ang hindi raw pagbayad sa kanila ni Go sa apat na shows na ginawa nila ni Katya sa Dubai at ang naging problema nila sa kanilang flight pabalik ng Pilipinas.

Narito ang sunud-sunod na Facebook posts ni Maui:

“ibang tao nga naman ang hilig mamikon at makipag asaran pero pag siya ang pinikon daig pang siraulo kung mag react!nako te kilala na kita tigil tigilan ha!”

“What’s with the fully booked flights fr Dubai to Manila!!!! Grrrrr!!!! I wanna go home na!”

“Konting paghihintay ba ang two days??? Wala kaming return ticket ikaw ngayon ang galit?? Ayos ah! Kapal talaga ng mukha mo sir!”

“stuck in dubai for another day, hay!!! im so damn pissed with the fully booked flights!”

“Calling the dubai police!!!!”

“Daming manloloko sa mundo. Pag di ka nagpakita sa amin ni Katya sisiguraduhin kong asa news yang pagmumukha mo! Rachelle Zara Lopez and Jay Tanael you two were right manloloko nga yang kausap namin dito.”

Hindi rin daw inasikaso ni Go ang kanilang return tickets pauwi ng Manila.

Lagi raw nitong sinasabi na naka-book na ang flight nila, pero hindi naman daw nito binabayaran ang tickets.

Dapat ay nakabalik na sina Maui at Katya sa Manila noong March 15, pero ngayong araw, March 18, lang sila nakauwi.

IN HIDING. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Maui, via private messaging sa Facebook, kahapon, March 17, sinabi nitong pinagtaguan sila ni Go pagkatapos ng shows nila sa Dubai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalaman pa raw ni Maui at ng kanyang mga kasama na wala palang legal papers si Go sa Dubai.

“He didn’t pay us ng four shows. ’Tapos pinaantay niya kami ng two days for our flight.

“Antayin daw namin na maka-produce siya ng money.

“E, di naman kami taga-Dubai, we also have obligations here in Manila.

“Di na siya nagpakita sa amin. Pinapulis namin asawa niya.

“Only to find out wala silang visa at papeles sa Dubai. Expired pati passport niya.”

Noong March 8 pa raw nasa Dubai sina Maui at Katya para gawin ang apat na shows doon.

Pero bago sila lumipad patungo roon, may ilang mga tao na raw ang nagsabi sa kanilang may record sa panloloko ang producer nila at baka maging biktima sila nito.

Kabilang sa nag-warning kay Maui ay ang manager ng singer na si Gerald Santos. Hindi rin daw sila nabayaran nang mag-show si Gerald doon last year.

Naging biktima rin ng isa pang manlolokong producer sa Dubai ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro.

Dahil sa nangyaring ito ay hindi nagdalawang-isip si Maui na i-post sa Facebook ang larawan ng nanloko diumanong show promoter sa kanila para makilala ito ng ibang artista at huwag paniwalaan kapag nag-offer itong mag-produce ng show.

“WARNING.... Wag n wag pagkatiwalaan tong taong to. Engr Mardilito Daya Go. Pangalan pa lang manloloko at mangdadaya na diba. Madami na tong artista na linoko at hindi binayaran dito sa Dubai. We gave you two days to settle with us. We TRIED to be patient with you pero hanggang ngayon ginagawa mo pa din kaming tanga. Antayin mo ang karma mo. Wala kang takot sa diyos ha sa karma ka matakot. Digital na ang karma ngayon. Nakakalungkot na kapwa pilipino pa ang nanloko samin dito...

“I have all supporting documents to prove to the police that your license as golden lion events is expired so technically you are not allowed to operate here in Dubai. Also found out you dont have an Emirates card meaning wala kang papers dito, you’re not allowed to stay here. One wrong move on your end and you know what’s going to happen to you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa raw magpa-interview sa media si Maui para lalong madiin ang nanloko sa kanila sa Dubai.

“I can’t wait to get home and do my interviews with ABS and GMA.

“Mali ka ng niloko, sir. May kalalagyan ka ngayon.

“Illegal citizen ka pa dito sa Dubai ha. Tignan natin san ka pupulutin manloloko ka.”

Nagpapasalamat naman sina Maui at Katya sa ilang mga Pinoy sa Dubai na tumulong sa kanila para makauwi na ng Pilipinas.

“Thank you to those who sent us food and drinks Katya and I will forever be grateful... #dubaicameraclub

“feels good to be back home in the arms of my family and loved ones..thank you to all our kababayans who helped us in Dubai - kabayan newspaper, dubai camera club, new found friends, abs cbn dubai who tried to get intouch with us last minute pero di na namin napagbigyan. salamat salamat salamat. alam niyo lahat diyan ang totoo kahit ano pang sabihin ng Lito Go na yan di kami natatakot dahil alam na namin ang buong katotohanan. hindi lang kami ang artista na linoko niya diyan be it a big or small event.”

Bukas naman ang PEP sa panig ni Mardilito Daya Go kaugnay ng mga paratang na ito ni Maui.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN