Kathryn Bernardo rates closeness to Daniel Padilla 8 out of 10

Kathryn Bernardo on having a serious relationship with Daniel Padilla, “Siguro hinihintay lang namin ang tamang panahon. Kasi, kapag pipilitin natin ngayon, makakasira rin sa kanya, makakasira rin sa akin. Kaya huwag munang makipag-commit kung hindi pa naman kaya.”


Sa nalalapit na ika-18 na kaarawan ni Kathryn Bernardo, may ilang umaasang mapupunta na sa susunod na level ang pagiging close nila ng onscreen partner niyang si Daniel Padilla.

Pero kahit “legal” nang magkaroon ng boyfriend, tila hindi pa rin magiging opisyal na magkasintahan ang isa sa pinakasikat na loveteam sa local showbiz ngayon.

“Kami, kagaya ng parati naming sinasabi, we are very good friends.

“Special siya sa akin and special ako sa kanya, ‘yon muna,” pahayag ni Kathryn sa ginanap na press conference kagabi, March 17, para sa grand debut celebration niya sa March 29.

Ang aktuwal na kaarawan ni Kathryn ay sa March 26.

Sa ngayon, ayon kay Kathryn, nasa 8 pa lang ang pagiging malapit nila ni Daniel.

“Dalawa pa, malayu-layo pa ‘yon. Kasi kapag 10, ibig sabihin, kayo na. Malayo pa,” biro pa ng young actress.

Ibig sabihin ba nito ay pahihirapan pa niya si Daniel para makaabot sa 10 ang relasyon nila?

Nakangiting sagot ni Kathryn, “Hindi naman sa pinapahirapan. Hindi ko naman siya pinapahirapan.

“Siguro hinihintay lang namin ang tamang panahon.

“Kasi, kapag pipilitin natin ngayon, makakasira rin sa kanya, makakasira rin sa akin.

“Kaya huwag munang makipag-commit kung hindi pa naman kaya.”



IS RELIGION AN ISSUE? Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na magkaiba ang relihiyon nina Kathryn at Daniel.

Si Kathryn ay bahagi ng Iglesia Ni Cristo, samantalang si Daniel ay isang Katoliko.

Kaya natanong sa press conference si Kathryn kung isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi pa napupunta sa susunod na level ang kanilang relasyon.

“Feeling ko, isa ‘yon sa mga reason,” pag-amin ni Kathryn.

“Minsan niloloko ko siya na magpa-doktrina siya, kinu-convince ko siya.

“For me naman kasi, yung sa religion, kung gugustuhin ng tao, madaling magawan ng paraan.”

Sabay nagbiro pa siya, “Kung willing yung guy, malay mo, nine points kaagad siya because of the religion.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, ani Kathryn, “Si DJ kasi, alam ko na may takot naman siya sa taas, so importante sa akin na naniniwala siya.”

Sa hiwalay na panayam matapos ang presscon proper, tinanong si Kathryn paano kung naging baligtad ang sitwasyon nila ni Daniel. Payag ba siyang magpalit ng relihiyon?

Sagot ng Got To Believe actress, “Siyempre, titingnan ko muna yung teachings kung pasok sa pinaniniwalaan ko.

“Kung puwede, kung okay sa akin, especially sa INC na pinaniniwalaan ko naman, walang problema.

“At least, [nadala] niya ako sa tamang daan.”

Handa rin ba siyang isakripisyo ang relihiyon para sa pagmamahal?

Sagot niya, “Well, of course, religion, malaking factor siya para sa ating lahat.

“Pero for me, kapag mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo kung ano na yung tao na ‘yon.

“Like ako, kung ganun na talaga ako, kailangang tanggapin na ‘yon ng isang tao kasi ako na ‘yon, hindi mo na mababago.”

Paano naman kung ang pagmamahal ang isasakripisyo para sa relihiyon?

“Of course, unahin muna natin si God ngayon bago ang lahat.

“Ang hirap naman ng tanong na ‘yan!

“Basta, ayaw kong masalita nang tapos!” sabi ni Kathryn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN