Venus Raj shrugs off comparison to Roxanne Cabañero

Bilang isang babae at isang beauty queen, ano ang masasabi ni Venus Raj sa isyu ng rape. Saad nito, “Ang akin lang, kahit ano pa man ang gender mo, babae ka, lalaki ka, bisexual ka, transgender ka, just respect... Respeto ang kailangan natin sa isa’t isa."


Single pa rin si Venus Raj hanggang ngayon magmula nang mag-break sila ng TV host-actor na si Andrei Felix.

Sabi pa ng 2010 Miss Universe 4th runner-up, ayaw na rin niyang makipagrelasyon ng taga-showbiz.

“Siguro, in the future, if I’m gonna be in a relationship, I would prefer non-showbiz.

“Pag non-showbiz, mas tahimik ang buhay.

"At saka, ako rin naman, galing sa ganung klase ng buhay.

“Ngayon-ngayon na lang din naman ako talaga napunta sa show business," saad niya.

Sa tingin ba niya ay nakakaapekto sa relasyon kapag pareho silang celebrity?

Sagot ni Venus, “I would say yes.

“Kung workmates kayo, maraming kailangang isaalang-alang, especially your image, how people look at you.

“And sometimes what they see is not the real one.

"So, medyo maraming kailangang isaalang-alang talaga."

Nakausap ng PEP.ph si Venus Raj sa pictorial niya last March 7 sa Antel Platinum Condominum, sa Makati City, para sa travel show nila ni Cristina Decena sa GMA News TV, ang Business Flight.

ROXANNE ISSUE. Sa kabilang dako, may nagsabi na ba sa kanya na magkamukha sila ni Roxanne Cabañero?

Si Roxanne ang beauty-queen aspirant na nag-akusa ng rape sa actor-TV host na si Vhong Navarro.

Sabi ni Venus, “Medyo… may mga nababasa po ako online."

Sa comment naman na mas class ang beauty ni Venus, tawa lamang ang naging reaksiyon nito.

Nakita na raw nang personal ni Venus si Roxanne.

Kuwento niya, "Nagpa-screen po siya for Binibini [Binibining Pilipinas] nung 2011.

“Ako po ang nanalo nung 2010 and as the reigning Bb. Pilipinas-Universe, I was one of those who screened them.”

Nakapasa ba si Roxanne?

“Parang nakapasok po siya, pero eventually parang naano din, natanggal.

“Parang may mga photos na kung anu-anong lumabas.

"Alam niyo naman kung gaano ka-strict ang Binibini, so iyon po.”

Hindi na nagbigay ng detalye si Venus kung ano ang photos na lumabas na dahilan ng pagkakatanggal ni Roxanne sa Binibining Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RAPE ISSUE. Bilang isang babae at isang beauty queen, tinanong ng PEP si Venus kung ano ang masasabi nito sa isyu ng rape.

Saad niya, “Kahit hindi ho ako beauty queen at hindi ho ako nasa kalagayan ko ngayon, lahat naman tayo e dapat nirerespeto ang kababaihan.

“Sabi nga, kung ano ang ibinibigay mo, yun ang nakukuha mo.

"So, if you respect even the other genders, you will beget respect.

"Ang akin lang, kahit ano pa man ang gender mo—babae ka, lalaki ka, bisexual ka, transgender ka—just respect.

"Respeto ang kailangan natin sa isa’t isa."

Umiwas naman itong magbigay ng pahayag tungkol sa kaso nina Vhong at Roxanne.

"We can never speak for them. Kung totoo man o hindi, wala tayong alam."

MERCATOR. Bilang talent ng Mercator Artist & Model Management, hiningan namin si Venus ng komento tungkol sa halos magkasunod na pag-alis ng mga dati niyang “kapatid” sa talent agency na sina Mikael Daez at JC Tiuseco.

Naging close si Venus kay Mikael dahil lagi silang nagkakasama sa hosting events dati.

Saad nito, “Close kami [ni Mikael] pero hindi ko po alam yung naging situation nila.

"Pero siguro ang puno’t dulo naman ng lahat o ang magiging dulo naman ng lahat e yung free will ng tao.

“I mean, kung ano’ng gusto din siguro ni Mikael gawin sa buhay niya o kung sinumang talent ng Mercator...”

Si Mikael ay nasa management agency na ni Betchay Vidanes, at si JC naman ay si Popoy Caritatitvo na ang manager.



Sa career naman ni Venus, open naman daw ito kung sakaling magkaroon ng offer na gumawa siya ng isang teleserye basta raw hindi makakaapekto sa pag-aaral niya.

Tinatapos nito ang kanyang master’s degree sa Community Development sa University of the Philippines-Diliman para matupad ang pangarap nitong makapagturo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang taping daw niya para sa Business Flight ay hindi masyadong kumakain ng oras kaya hindi ito nakakasagal sa kanyang pag-aaral.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN