Glaiza de Castro entrusts career path to GMA Artist Center

As one of the many talents in the stable of the GMA Artist Center who have been sidelined for major projects, Glaiza de Castro is not alone in her predicament. As she sees it, "Mahirap din kasi na lagi kang nasa taas... May pressure na lagi ka lang dapat nasa taas. Sakto lang na paalon-alon ako, lead or support or whatever projects na ibibigay nila. O kung kailan nila ako bibigyan.”


Umaasa si Glaiza de Castro sa bagong TV series project na ibibigay sa kanya ng GMA Network sa second quarter ng taong ito.

Noong April 2013 pa natapos ang huling teleserye niya, ang Temptation of Wife, na pinagsamahan nila nina Marian Rivera, Dennis Trillo, at Rafael Rosell.

Wala pang maibigay na detalye ang aktres sa sinasabi niyang acting project dahil wala pang final na pag-uusap sa pagitan niya at ng production na bubuo ng serye.

Sa ngayon, regular siyang napapanood sa Sunday All Stars (SAS) at nag-guest din siya sa Rhodora X.

Hindi ba nito nami-miss ang mag-drama o ang pagganap ng character roles?

Sagot ni Glaiza, “Ang bigat kasi nung Temptation of Wife, e, so sakto lang yung pahinga, although nami-miss ko ito.

"Parang nae-excite na mapanood uli ako sa drama, pero ibang atake naman."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza noong Linggo, March 16, matapos ang live airing ng Sunday All Stars sa Studio 7 ng GMA Network Center.

CAREER STATUS. Tinatanong din daw ni Glaiza ang sarili kung ano ang susunod niyang proyekto, at dito ay nakapag-isip-isip siya.

"Parang testing of faith, testing of patience na hintayin yung tamang project para sa akin," sabi niya.

Yung ibang hindi naman kagalingan sa acting ay sunud-sunod ang drama shows. Ano ang nararamdaman niya tungkol dito?

Sagot ni Glaiza, “Kasi kakalipat ko lang din nitong September sa Artist Center [talent management arm ng Kapuso network].

“Nagtitiwala naman ako doon sa ibibigay nila for me, na hindi nila ako pababayaan.”

Si Glaiza ay dating contract artist ng DMV Talent Management, na pinamamahalaan ni Manny Valera.

Higit sa sampung taon ding hinawakan ng DMV ang showiz career ni Glaiza, bakit siya nagdesisyong kumalas sa dating management team niya?

Tugon ni Glaiza, “Actually, ginusto ng parents ko na huwag nang mag-renew pagkatapos nung kontrata namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, parang another chapter sa buhay, different flavor, parang ganun.”

Diin pa ni Glaiza, “Good terms pa rin naman kami ni Direk.

"Nagkikita kami, nagkakasalubong kami sa cinemas, sa panonood ng play.

"Thankful nga ako sa naging experience ko with DMV at sa ginawa nila para sa akin.

“Siyempre, at some point, magde-decide ka talaga kung anong path ang gusto mong puntahan.

“Nung bata ka, kung ano lang yung dumating.

"Pero 26 na ako ngayon, parang meron nang direksiyon.

"Parang yung standards mo, dapat in harmony with who you really are."

SINGING CAREER. Ano bang direksyon ang gusto niyang tahakin?

Sagot niya, “Well, gusto ko talagang makilala ako bilang aktres at singer.

"Kasi siguro, ang tagal na ring wala akong ginagawa para sa singing career ko.

“Thankful ako na binibigyan ako ng stint dito sa SAS, pero gusto ko talagang magkaroon ako ng album na may control ako sa music.

"Kasi nagku-compose din ako.

“Yun talaga ang dream ko, yung goal ko this year na sana matupad.”

Dati raw sa DMV ay nakagawa siya ng album, kaya lang ay ang producer ang namili ng mga kanta ni Glaiza.

COMPETITION. May ibang talents ng GMA Artist Center na may reklamo na hindi sila nabibigyan ng projects. Kumpiyansa ba si Glaiza na makakatulong ito na makamit ang career goals niya?

Pahayag ng aktres, “Siguro tamang timing lang talaga, siyempre hindi naman mabibigyan nang sabay-sabay.

"Parang turn lang, umiikot-ikot.

“Naniniwala ako na bilog ang mundo, mahirap din kasi na lagi kang nasa taas.

"Baka maapektuhan yung disposisyon mo, yung perception mo sa life.

"At saka may pressure na kapag lagi kang nasa taas, lagi ka lang dapat nasa taas.

“Sakto lang na paalon-alon ako, lead or support or whatever projects na ibibigay nila.

“O kung kailan nila ako bibigyan, so sakto lang naman.”

HOPEFUL. May takot ba siya sa takbo ng career niya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Glaiza, “Wala naman. Aware naman ako sa mga competition at sa mga bagong talent.

"Minsan nakakatuwa kapag nakikita mo yung mga bago ngayon, ganun ka rin nung nag-uumpisa.

“Hindi ako natatakot na baka kalimutan o baka mawala ako kasi may darating at darating, e.

“Hindi na nga lang gaya ng dati na sunud-sunod, na nabibigyan ka ng loveteam-loveteam.

“Siguro tapos na yung phase na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN