Enrique Gil clarifies Japan sighting with Bangs Garcia

Enrique Gil on being pushed by ABS-CBN: “Masaya, blessed, ang daming artists, pero ilan lang ang nabibigyan talaga ng opportunity na maipakita ang galing ang talent. Pag may ibinigay talaga na opportunity sa iyo, kailangang ipakita mo talaga. Go lang.”


Nilinaw ni Enrique Gil ang balitang nagli-link sa kanila ng sexy actress na si Bangs Garcia.

Nagsimula sa blind items hanggang sa pinangalanan na, may mga larawan ding lumabas na kuha ang dalawa sa ibang bansa na nagpaugong lalo sa isyu tungkol sa kanila.

Sa grand presscon ng upcoming primetime series ng ABS-CBN na Mira Bella kagabi, March 18, sa Garden Loop ng ABS-CBN compound, ay nagsalita si Enrique tungkol sa isyung ito.

Saad ng Kapamilya young actor, “Para matapos na rin…

“Nagkita kami sa Tokyo. Nandun siya for show, ako for vacation lang. Kasama niya ang boss niya.

“Sabi niya sa akin, since nandun daw ako, gusto ko rumaket na rin, kasi bukas may show sila sa gabi.

“Sabi ko… siyempre babayaran na rin kami, sabi ko sa mom ko, ‘Why not? Daan na rin kami diyan.’ May pang-shoppping pa ako.

“Dun nagsimula yun, hanggang ngayon ‘di pa natatapos.

“Sana matapos na ‘yang issue kay Bangs Garcia para tapos na.”

Lumalabas o gumigimik ba silang dalawa lang ni Bangs?

Sagot ni Enrique, “After nun, wala… minsan pag nadadaan lang sa ASAP, that’s it.”

Ayon pa sa 21-year-old actor, hanggang ngayon ay zero pa rin ang kanyang lovelife.

“Wala pa talaga. Siguro when the time comes, dun ako magko-commit.

“Pero lovelife, loveteam muna saka yung work na ginagawa ko.

“Pero pag dumating talaga, siyempere open naman ako diyan.”

Bukod kay Daniel Padilla, kapansin-pansin ang pagpu-push na ginagawa ng ABS-CBN kay Enrique bilang isa sa top young leading men ng network.

Labis-labis naman itong ipinagpapasalamat ng young actor.

Sabi niya, “Masaya, blessed, ang daming artists, pero ilan lang ang nabibigyan talaga ng opportunity na maipakita ang galing ang talent.

“Pag may ibinigay talaga na opportunity sa iyo, kailangang ipakita mo talaga. Go lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN