G Tongi does not mind playing mother roles

G Tongi on playing an empowered woman in Paraiso Ko’y Ikaw: "I relate to my character a lot because she’s very driven, she’s very ambitious. And sinabi ko nga dati na minsan, ang Pilipina, hindi ine-encourage para, you know, maging go-getter. And I feel like napakaimportante nun para sa mga kababaihan natin. Na hindi sila lumaki na iniisip nila na porke babae ako, ‘eto lang ang puwede kong gawin. So, that’s how I


“Because I’m a woman!”

Ito ang tumatawang sagot ni G Tongi nang tanungin kung paano siya napapayag na mag-pose nang sexy para sa FHM Philippines noong isang taon.

Natatawa pa ring dagdag niya, “Even though nanay ako, I’m still a woman with needs.”

Humanga rin daw si G kay Alice Dixson na kahit nasa early 40s na ay nag-pose pa rin para sa FHM.

“Alice looks amazing!” bulalas niya.



MOTHER ROLE. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si G sa taping ng GMA drama series na Paraiso Ko’y Ikaw kamakailan.

Dito ay gumaganap siyang ina ng newcomer na si Phytos Ramirez.

Wala raw problema kay G ang gumanap sa mother role kahit binata na ang gaganap na anak niya.

Saad ng 35-year-old actress, “Hindi, alam mo, bilang isang artista, artista naman ako, hindi na ako bagets, nanay naman talaga ako, you know.

“Of course, for television, you have to stretch your imagination a little bit for casting purposes, but work is work. You know what I mean?

“And it’s a challenging role. I relate to my character a lot because she’s very driven, she’s very ambitious.

“And sinabi ko nga dati na minsan, ang Pilipina, hindi ine-encourage para, you know, maging go-getter.

“And I feel like napakaimportante nun para sa mga kababaihan natin.

“Na hindi sila lumaki na iniisip nila na porke babae ako, ‘eto lang ang puwede kong gawin.

“So, that’s how I relate because she’s very, you know, she goes for what she wants, she’s determined at hindi siya nagpapakawawa.”



FEMALE DIRECTOR. Kaya nga masaya si G na babae ang direktor ng Paraiso Ko’y Ikaw—si Joyce Bernal.

Unang beses pa lang daw niyang nakatrabaho si Joyce.

“She’s amazing!” bulalas ni G.

“Well, I’ve worked with a lot of women directors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My first woman director ever was Olive Lamasan when I did Sa Sandaling Kailangan Mo Ako [ABS-CBN]. That was fifteen years ago!

“Joyce is very relaxed and, well, thankfully hindi naman over the top yung pagka-drama ko dito.

“Kasi, nagsimula akong mag-drama kay Olive, talagang drama.

“But that’s the best way to learn is from someone who’s really, you know, persistent.

“But with Joyce, super-easy kasama.”

Mas okay ba sa kanya yun na light lang ang direktor niya, na hindi siya nape-pressure?

Tugon ni G, “Siguro dahil nakapag-aral ako ng Theater Arts, ‘tsaka nag-aral ako sa Amerika, nag-two years ako ng method acting sa Lee Strassberg, naa-appreciate ko pareho.

“Pero bilang isang aral na aktres, siyempre to be given the freedom to do a scene, for me, I like.

“Ngayon, kung nagsisimula pa lang ako, siyempre kakailanganin ko talaga ng isang direktor na talagang ipu-push ako, ‘di ba?”

RYZZA MAE SHOW. Nandito ngayon sa Pilipinas ang asawa at anak ni G. Dati kasi ay sa U.S. sila naka-base.

“Bumalik kami nung Pasko,” banggit ni G.

Tawa naman nang tawa na nagkuwento si G nang mag-guest sila ng anak niyang si Sakura sa The Ryzza Mae Show ng child star na si Ryzza Mae Dizon.

“Sabi ni Ryzza Mae sa kanya, ‘You’re so adorable!’

“Sabi ng anak ko, ‘You, too!’

“’Tapos, sabi ni Ryzza Mae, ‘You’re so beautiful!’

“Ang sabi ng anak ko…”

Hindi raw sumagot ang anak ni G.

“Tawa ako nang tawa!”

Hindi bolera ang anak niya?

“Mana sa nanay!” bulalas ni G.

Eight years old na si Sakura, na ang ibig sabihin daw ay cherry blossom.

“Lumalabas po siya every April, ‘tapos dalawang linggo, tatlong linggo lang, wala na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN