Enchong Dee on taking a leave from primetime series: "This is the perfect time to just take a rest, be on hiatus."

Habang wala pa siyang proyektong ginagawa sa telebisyon, sasamantalahin daw ni Enchong Dee ang pagkakataon upang magbiyahe sa mga lugar at bansa na hindi pa niya napupuntahan.


Pansamantala munang natigil ang shooting ng pelikulang pagsasamahan muli ng dating magka-loveteam na sina Enchong Dee at Erich Gonzales—ang Once A Princess.

Ito ay dahil ne-revise ang script ng pelikulang ito mula sa Star Cinema.

Sabi ni Enchong, “Alam ko nire-revise yung script but we’re going to continue it within this week or next week.

"Yun, so parang lahat ng pelikula ng Star Cinema ay pinapaganda nila as much as possible dahil nga sa success nung Starting Over Again, which is I’m very, very happy.”

Paanong ni-revise? Iniba ba yung istorya?

Tugon ni Enchong, “Siguro, pinaganda lang siguro.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Enchong sa second anniversary celebration ng iniendorso nitong bag, ang Technopack, kaninang hapon, March 19, sa Visayas Ballroom ng Sofitel Hotel, sa Pasay City.

Read: Enchong Dee and Erich Gonzales topbill movie adaptation of Once A Princess



ENCHONG ON PRIMETIME? Sunud-sunod ang naging primetime shows ni Enchong sa ABS-CBN noong taong 2012 hanggang 2013.

Kabilang na rito ang Ina, Kapatid, Anak at Muling Buksan ang Puso.

Pero ngayong 2014, wala pang napapabalitang proyektong nakalinya sa kanya sa primetime ng Kapamilya network.

Sabi ni Enchong tungkol dito, “Siguro after last year, meron na rin akong mga nadidinig na, ’Palagi na lang si Enchong.’

"So, sabi ko ‘Okay, this is the perfect time to just take a rest, be on hiatus.’

"Para, kumbaga, para hindi naman ako parati nakikita ng tao.

“This is the perfect time

"So, now, ito lang muna yung pinagkakaabalahan ko.”

Naapektuhan ba siya sa mga nangba-bash sa kanya na siya na lang daw palagi ang nakikita sa primetime ng Kapamilya network?

Sabi ni Enchong, “Hindi naman.

"At the same time, pahinga din, kasi nga last year, seriously, wala akong pahinga for eleven months.

“So, now this is the perfect time na parang alagaan ko lang muna yung sarili ko, ’tapos go sa mga places na hindi ko napupuntahan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LOVELIFE. Matagal-tagal na ring walang napapabalitang karelasyon ang 25-year-old actor.

Taong 2012 pa napabalita ang breakup nila ng kapwa niya Kapamilya star na si Julia Montes.

Read: Enchong Dee on why relationship with Julia Montes did not prosper: "It’s because of the time."

Diretsahang tinanong ng PEP ang swimmer turned actor kung bakit ngayon ay wala pa rin siyang lovelife.

Sagot nitong nakatawa, “Hindi niyo lang alam, kasi ngayon niyo lang ulit ako nakita!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN