Jake Vargas glad that his sister and Bea Binene’s mom have settled their issue

Jake Vargas on live-in rumor about him and girlfriend Bea Binene: "Yung paghatid ko sa kanya sa bahay niya, parang pagiging gentleman lang. At ‘yon siguro ang dahilan kaya may lumabas na nagli-live in na kami. Pero wala! Wala pong gano’n na nangyayari."


Natutuwa si Jake Vargas dahil nagkaayos na ang kanyang kapatid at ang ina ng kasintahan niyang si Bea Binene, pagkatapos lumabas ang balitang nagkaroon daw ng iringan sa pagitan ng dalawa.

Ito ay sa kabila ng naunang pahayag nina Jake at Bea na walang anumang problema sa pagitan ng kani-kanilang kaanak.

Sabi ni Jake sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Okey na. Okey naman.

“Bale kinausap ko rin yung kapatid ko, si Ate Lani, na parang huwag nang pansinin yung mga isyung lumalabas.

“Kasi mahirap dahil nandito tayo sa showbiz, ‘di ba?

“At mas kailangan na puro sa work na lang yung tinututukan ko para hindi ako maabala.

“So, sinabi ko sa kanya na iwasan na ‘yon. Makipagbati na, huwag nang mag-away, kasi mahirap.

“Siguro mali lang ang pagkakaintindi ng ate ko sa mga naririnig niya.

“Na parang may ibang tao na sinasabihan siya tungkol dun sa kabila, na mga pangit ang sinasabi.

“Siguro parang naniniwala din si Ate.

“Sabi ko naman, kinakausap ko rin siya na, ‘Huwag ganun. Huwag na lang pansinin.’

“E… basta, magulo, e.”

Dagdag pa ni Jake, “Nagkaayos na naman nga sila. Okey na sila.

“Okey naman talaga sila, e.

“Maayos naman ang pakikitungo ng pamilya ko kay Bea at sa mommy niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa Sunday All Stars noong Linggo, March 16.



LIVE-IN RUMOR. Pero silang dalawa ni Bea, hindi pa rin tinatantanan ng intriga. May lumabas pa ngang isyu kamakailan na nagli-live in na raw sila.

Sabi ni Jake tungkol dito, “’Yon nga po, natatawa ako!

“Kasi siyempre, boyfriend ako ni Bea, girlfriend ko si Bea.

“Yung paghatid ko sa kanya sa bahay niya, parang pagiging gentleman lang.

“At ‘yon siguro ang dahilan kaya may lumabas na nagli-live in na kami.

“Pero wala! Wala pong gano’n na nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, inirerespeto ko si Tita. Inirerespeto ko si Bea.

“And pagdating sa mga ganyang intriga, iniiwasan naming magpaapekto, lalo kapag may isyung hindi naman talaga totoo.

“Happy naman kami sa ngayon. Okey kami ni Bea,” sabi ni Jake.



SUMMER. Papasok na ang summer. Kaya naman si Jake, kagaya ng karamihan, ay naghahanda na rin kaugnay ng bakasyon at family bonding na gagawin kasama ang kanyang buong pamilya.

“Malapit lang sa amin dun sa Olongapo yung mga dagat-dagat, kaya hindi na ako lalayo,” nakangiting sabi niya.

Isasama raw niya Bea at ang mommy nito sa Olongapo ngayong Holy Week. Magbi-beach daw sila roon.

"Kadalasan kasi, kapag pumupunta kami sa beach ng family ko, nagdyi-jetski kami. "

Pero, ano nga bang magandang gawin?

“Siguro susubukan naman namin yung hydrowater. Yung aangat ka na parang si Iron Man?

“Iyon ang bagong magandang i-try dun sa Subic.

“Gusto naming ma-experience iyon ni Bea.

“Parang exciting nga ‘yon,” sabay ngiti ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN