Ruffa Gutierrez reveals having 15 suitors; cites 10 qualities she looks for in a man

Ruffa Gutierrez wants a Pinoy lover: “Actually, ang sarap din sa mga Pinoy na naka-love interest ko… naka-love interest ko raw! Malalambing sila, at yung mga Pinoy, masarap magmahal. At siguro, nakakapag-joke kayo in Tagalog na tayo lang ang nakakaintindi. So, nakaka-miss din.”


“Single but happy.”

Ito raw ang estado ni Ruffa Gutierrez ngayon.

Ayon pa sa TV host-actress, dalawang taon na siyang walang karelasyon.

Pero ganunpaman, hindi raw nangangahulugan na hindi siya inspirado at masaya sa buhay niya ngayon.

“You know, maraming textmate, maraming humahanga. May mga nagpapadala ng flowers.

“Pero wala pa ’kong choice kung sino ang magmamay-ari ng puso ko.

“Nakakakilig naman, you know, that there are people that admire you for your beauty.

“I have naman admirers,” pahayag ni Ruffa nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa launching niya bilang bagong celebrity endorser ng Cosmo Skin sa Luxent Hotel noong March 14.



QUALIFICATIONS OF MEN. Kung sakaling may mapipili na siya, ano ang mga katangian ng lalaki na hinahanap niya?

Sabi ng 39-year-old TV host-actress, “Well, siyempre naman, as you get older, hindi na uso yung you fall in love, kilig-kilig.

“Minsan natuturuan na rin ang puso, especially if you’ve been through a lot.

“For me, I have ten qualities that I look for in a guy. At isinulat ko yun sa isang paper, gabi-gabi tinitingnan ko yun.

“So, at my age now, I don’t wanna waste my time. Tama na yung kilig-kilig na textmate.


“But, to be with someone na alam kong it’s not gonna work out in the end, what for?

“I’m happy being alone.”

Anu-ano ang sampung katangian ng lalaking isinulat niya sa papel?

“Well, siyempre, kailangan God-fearing.

“I’ve been with someone with a different religion and I accept all religions.

“But, I guess, it’s best if you’ll go together in Church, you’ll pray together, you’re holding hands.

“It’s not a deciding factor, but I think makakatulong yun.

“Number two, you should have integrity.

“So, yung someone who has leadership quality.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Someone who will hold my hands and take me to a better place in my life, in a more positive place in my life.

“I don’t want to get someone na bibigyan lang ako ng wrinkles or stress, you know. I’d rather not have them in my life.

“I’m very picky that’s why it’s been two years na wala pa akong boyfriend.”



AGE DOES NOT MATTER. Pero ayon kay Ruffa, hindi naman isyu sa kanya ang edad.

“Age for me doesn’t matter as long as you both have the same mindset.

"Siyempre, kung masyado namang bata at wala naman kayong pag-uusapan, hindi rin maganda yun.

“In order to have a relationship, in all aspect, you have to get along, so importante rin sa akin ang intelligence.

“Kung wala rin siyang ibi-bring up sa table at wala rin siyang maitutulong sa akin, hindi rin maganda yun.

“Mabu-bore lang ako sa kanya.

“Pero siguro ang 22 [years old], masyado namang bata yun.”

May age requirement ba siya?

Natatawang sabi ni Ruffa, “More than 18, joke!

“Well, yung mga admirers ko naman, you’ll be surprised, they range from 22 up to…

“Actually, yung walang hair, hindi ko na tinatanong, but I’m sure they are over than 50.

“So, for me, it’s not just the physical quality, it’s more like having a partner in life.

“You know, someone’s attractive, hardworking.

“Hindi naman importante na sobrang yaman, pero gusto ko naman yung maabilidad. Yung kayang magtrabaho.

“Siyempre, dalawa ang anak ko.

“Ayoko naman nung tamad, na ako pa ang nagtatrabaho for him.”



FIFTEEN SUITORS. Bilang isang single, hindi ba niya nami-miss na magkaroon ng romance sa buhay niya?

Saad ni Ruffa, “Alam mo, I’m trying to enjoy life now to the fullest and, at the same time, sanay na akong mag-isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro kaming mga babae, we’re more tolerant and kaya namin kahit na mag-isa kami.

"Basta nandiyan ang mga anak namin, pamilya namin, may trabaho kami, kaya naman namin na walang romance.

“But like I’ve said, hindi ko naman kaya na walang inspirasyon.

“So, inspired pa rin naman ako.”

Sabi ni Ruffa, may 15 suitors daw siya ngayon.

Meron ba sa mga ito ang nangingibabaw?

Sagot ng dating beauty queen, “Well, may ilang mababait, pero siguro time will tell na lang kung ano ang true colors nila.

“Kasi, importante naman, kahit na kaya nilang ibigay sa ‘yo ang lahat, ano ba ang intensiyon nila?

“So, para sa akin, ang pinakaimportante, you have good intention for me, for my kids, and for my future.”



RUFFA WANTS A PINOY. Ang napangasawa niya noong si Yilmaz Bektas ay Turkish.

Ngayon daw, parang hindi makaporma at nai-intimidate sa kanya ang mga Pinoy.

“Naku, gusto ko nga ng Pinoy!” natawang sabi ni Ruffa.

“Actually, ang sarap din sa mga Pinoy na naka-love interest ko… naka-love interest ko raw!

“Malalambing sila, at yung mga Pinoy, masarap magmahal.

“At siguro, nakakapag-joke kayo in Tagalog na tayo lang ang nakakaintindi.

“So, nakaka-miss din.”

Sa 15 na manliligaw niya, may Pinoy ba?

“A, meron din.

"Pero usually, half-Pinoy or Pinoy-Pinoyan na nandito na sila forever.

“Foreigner sila, but since they are living here, parang Pinoy na ang ugali nila.

“May pure Pinoy rin naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN