GMA talent Phytos Ramirez in pain after he was unable to grant dying wish of an avid fan

Given a choice, Phytos Ramirez will pick Joyce Ching as his next leading lady to continue what they started in Paraiso Ko’y Ikaw.


Katulad ng iba niyang mga kasama sa Paraiso Ko’y Ikaw, ikinalulungkot din ni Phytos Ramirez ang nalalapit na pagtatapos ng kanilang drama series.

Sabi ng young actor, “Sobrang nalulungkot ko, kasi first show ko ito sa GMA and parang ito yung first lead role ko.

"Pero okay na rin kasi ang dami kong natutunan sa show."

Kaya lang daw, “Kaka-start pa lang ng friendships namin na nagiging comfortable na kami sa set, ’tapos matatapos na.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Phytos sa pocket interview sa kanilang apat na young stars ng Paraiso Ko’y Ikaw—na kinabibilangan din nina Kim Rodriguez, Kristoffer Martin, at Joyce Ching—sa GMA Network Center noong Huwebes, March 13.

Mami-miss daw ni Phytos lahat ng nakasama niya sa teleserye, lalo na ang kakulitan ni Gabby Eigenmann.

Kuwento nito, “Sobrang kulit niya talaga sa set, parang ano siya, social butterfly talaga, iyon yung term.

"Hindi siya naglalagay ng upuan, paikut-ikot lang siya sa mga tent, ’tapos mangungulit siya.

"Mag-aabang siya ng natutulog, ’tapos pipiktyuran niya, ’tapos ia-upload niya.

"Kaya kung minsan, sa Instagram, merong picture na nag-uusap si Kristoffer ’tsaka si Joyce or si Kim na hinahampas ako.

“Yung mga ganun, talagang pinipiktyuran niya.”

Sino ang gusto niyang maging susunod na leading lady?

Aniya, “Kahit sino naman, kung sino yung sa tingin nilang babagay sa akin.

“Pero ngayon, ang nakikita ko, si Joyce pa din kasi comfortable na ako sa kanya.

“At hindi masyadong na-establish yung loveteam namin.

“So, parang gusto kong i-try kung magwo-work yung loveteam namin.

“So, si Joyce."



IN PAIN. Samantala, may nag-text daw kay Phytos na labis nitong ikinalungkot.

Kuwento ng young actror, ang text message na natanggap niya ay galing sa anak ng isang fan niya na kamamatay lang dahil sa cancer.

Sabi pa raw ng anak, sobrang ina-admire daw ng mommy niya si Phytos sa Paraiso Ko’y Ikaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Phytos, “Hindi ko nga alam kung paano ko siya re-reply.

"Sabi ko, ’Condolence and sana matagal mo nang sinabi sa akin or nag-PM [private message] ka sa akin sa Facebook.’

“Kasi, parang hinihingi nung nanay was video greeting lang or dalaw sa hospital.”

Dadalawin sana ito ni Phytos.

“Dapat, dapat. Sabi kasi nung anak, ‘Hindi ko alam baka fake account,’ ganun.

“So, ayun, sayang.”

Nailibing na raw ang naturang fan at nasabi ni Phytos sa anak na bibisitahin nito ang puntod ng yumao nitong ina at magdadala siya ng bulaklak.

Saad pa ni Phytos, “Ang masakit dun, parang nagbi-Brix-Brix pa siya bago talaga siya mamatay.

“Iyon yung name ko sa Paraiso Ko’y Ikaw.

“So, parang ang sakit sa loob.”

Sinubukan naman daw gawan ng paraan ng anak na makontak si Phytos habang buhay ang ina nito.

“Ang dami kasing poser sa Facebook, e, kaya lately lang siya nag-message sa akin, siguro a week ago lang, sa totoong account ko.

“’Tapos kanina [Thursday last week] lang niya sinabi na, ‘Phytos, sa totoo lang, yung mommy ko na namatay, ina-admire ka sa show ninyo, sa Paraiso Ko’y Ikaw.”



NO GIRLFRIEND. Last year huling nagkaroon ng girlfriend at nag-break daw sila dahil mas pinili ni Phytos ang kanyang showbiz career.

“Hindi niya maintindihan yung work ko, e.

"Ako, ito talaga yung gusto ko.

“Sabi ko, ‘Siguro in the future, kung tayo talaga, e, di tayo talaga.’

“Pero as of now, gusto ko muna mag-focus sa career ko.”

One year and three months daw ang itinakbo ng relasyon nila ng non-showbiz ex niya.

Sa career naman nito, hanggang topless lang daw ang kaya niyang pagpapaseksi bilang male star.

Kahit daw underwear pictorial ay ayaw niya.

“Hindi ko pa makita ang sarili ko na naggaganun.

"Maybe in the future po, pero as of now, topless lang po talaga and depende po sa magiging desisyon ni Tita Becky [Aguila, his manager], ng mommy ko, ng family ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi po basta-basta yung pagbi-briefs or kahit sa indie, yung mga ganun, hindi siya basta-basta, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN