Lovi Poe shrugs off possible talk about her trip to Italy with Rocco Nacino

Lovi Poe is excited about her upcoming primetime soap with Maricel Soriano and Dingdong Dantes: "It’s not gonna be the usual soap opera kasi na napapanood natin. Ibang-iba talaga ito. Pati character na ipu-portray ko, kakaiba. Na siguradong maninibago ang lahat na mapanood ako sa ganitong role. Kinakailangan ng total change sa akin. Hindi lang sa looks ko kundi sa personality rin."


Plantsado na ang bakasyon ni Lovi Poe sa Italy ngayong Holy Week kasama si Rocco Nacino.

Ayon sa Kapuso actress, excited na silang pareho sa unang trip nilang ito abroad.

“Mga two weeks kami doon,” banggit ni Lovi nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, March 16.

Dagdag niya, “Right now, we’re still waiting for our visa.

“First, sa itinerary namin… I have to visit my sister doon. Iyon talaga ang plano.”

Silang dalawa lang nila ni Rocco ang aalis patungong Italy, kaya tiyak na mas titindi ang hinala ng marami na may relasyon na nga sila.

“Okey lang. It’s already there, e!” natatawang reaksiyon ni Lovi.

“Andiyan na, e. Hindi ko na mapipigilan iyon kaya it’s okay.

“And my sister is there nga, also some of our friends.”

Baka rin intrigahin na magiging parang honeymooners sila ni Rocco doon?

Paglilinaw naman ni Lovi, “No, it’s just that masarap mag-explore ng ibang lugar with someone you know.

“Mahirap namang pumunta sa isang lugar na yung tao, boring, ‘di ba?

“So, si Rocco is very fun to be with. Masaya kami sa company ng isa’t isa.”

Parehong ayaw nilang tukuyin kung ano na ba talaga ang real score sa kanilang dalawa. Kahit i-label man lang ang magandang pagtitinginan nila sa ngayon, umiiwas si Lovi.

Sabi niya, “I don’t want labels, e. I’m not comfortable with labels.

“I don’t know why, basta gano’n ako!

“Ang importante lang naman, I’m very happy now.”



UPCOMING SOAP. Masaya rin daw si Lovi sa kasalukuyang takbo ng kanyang career.

Sobrang excitement nga raw ang kanyang nararamdaman sa bagong soap na gagawin niya, ang Dalawang Mrs. Real, kasama sina Maricel Soriano at Dingdong Dantes.

Pero ayon sa aktres, “Wala pa kaming schedule ng taping. We’re still gonna have our story conference.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit natatagalan na magsimula ang taping nila para rito?

Sagot ni Lovi, “Marami kasing inaayos, e. Kumbaga, talagang binubusisi ito nang husto.

“Kaya kailangan talagang maging maganda siya, maging perfect siya.

“Nung nag-meeting nga kami, medyo nakaka-pressure din.

“Of course, kasi first time kong makakatrabaho si Ms. Maricel Soriano.

“‘Tapos, kasama rin si Dingdong Dantes. Although we’ve worked together na sa Tiktik: The Aswang Chronicles, first soap namin ito.

“It’s not gonna be the usual soap opera kasi na napapanood natin. Ibang-iba talaga ito.

“Pati character na ipu-portray ko, kakaiba. Na siguradong maninibago ang lahat na mapanood ako sa ganitong role.

“Kinakailangan ng total change sa akin. Hindi lang sa looks ko kundi sa personality rin.

“After na makapag-storycon kami, we’re gonna talk about kung ano yung mga changes.

“Basta hundred percent change daw ang kailangan.”

Meron ba siyang peg in her mind hinggil sa magiging character niyang ito?

“Ayokong sabihin, kailangan secret, e!” tawa ulit niya.

“Basta kailangang very jolly, e. Parang sixty percent of me in real life.”

May pagka-daring din ba ang role niyang ito?

“May part na daring din, oo.”

Siya na kaya ang mababansagang “Kapuso Primetime Drama Princess”?

“I don’t know!” tawa ni Lovi.

“I cannot ano… hindi ko iniisip ang tungkol diyan.

“Ang mindset ko lang is mapagbuti ang trabaho ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN