Kathryn Bernardo hands-on in preparations for her debut party

Hindi raw pinangarap ni Kathryn Bernardo na magkaroon ng magarbong debut party. Pero isa raw dahilan kung bakit siya napapayag na magpa-party ay para sa mga fans niya. Saad ng Kapamilya star, “Feeling ko kasi, napaka-stressful niya. So, masaya na ako sa Europe tour or magta-travel with family. Alam niyo yun, yun ang gusto ko. Pero in-explain nila sa akin na isang malaking milestone daw sa buhay ng babae ang debut. And, of course, para sa mga fans, gagawin ko.


Sa March 26 ay ipagdiriwang na ni Kathryn Bernardo ang kanyang 18th birthday.

Sa araw na ito ay magiging ganap nang dalaga ang itinuturing na isa sa pinakasikat na young actresses sa bansa ngayon.

Pero ayon kay Kathryn, hindi pa niya nararamdamang 18 na nga siya.

“Parang kung walang debut, feeling ko, mga sixteen pa rin, ganun.

“Feeling ko, wala namang nagbago.

“Pero masaya ako. Nae-excite ako ngayon as I turn eighteen.

“Kasi, feeling ko, mas marami pa akong matutunan.

“And feeling ko, mas nag-grow ako ngayon as a person also.

“Medyo ready na akong harapin kung ano ang mangyayari and kung anuman ang i-offer.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Kathryn sa press conference na inihanda para sa kanya ng ABS-CBN noong Lunes, March 17, sa 9501 restaurant sa ELJ Bldg.

Ito ay kaugnay ng debut party ni Kathryn na gaganapin sa The Blue Leaf Filipinas, Taguig City, sa March 29.

Pinamagatang #Kathryn18 My 18th Birthday Vlog, mapapanood ito sa ABS-CBN Sundays Best sa April 6.



HANDS-ON DEBUTANTE. Sa debut party ni Kathryn, dalawa ang isusuot niya—isang ball gown na gawa ni Francis Libiran at isang after-party dress na gawa naman ni Vania Ramoff.

Hands-on daw si Kathryn sa mga mangyayari sa kanyang party.

Saad niya, “Tutok talaga ako sa design ng gown, hands-on kami dun ng stylist ko na si Ate Em [Millan].

“’Tapos, yung theme namin, modern vintage.

“Ako talaga, matagal na akong naghahanap ng perfect theme for the debut.

“Ayoko ng princess na debut, ayoko ng circus, ayoko ng typical theme.

“And feeling ko, yung very close to my personality is modern vintage, kasi gusto ko more on classic.

“Yung kahit i-look back ko siya years from now, hindi nawawala sa uso.

“’Tapos yung color niya, black or mystic pink or Dior pink—not the typical pink.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Kathryn, “Sa program, very short lang talaga ang ni-request ko.

“Merong 18 Roses and 18 Candles.

“Bale yung Treasures, minix ko na po sa Candles para hindi masyadong mahaba.

“And then, yung pagse-serenade… and very short lang talaga ang program.

“Gusto ko, hindi masyadong ma-bore yung guests ko.

“Kahit sa little details from invitation, naka-ilang revise ‘yan.

“Sa table setting, sa music sa party, as in sa maliliit na details, talagang tinutukan ko.

“Kasi, gusto ko na very personal.”

Lahat ng participants sa 18 Roses at 18 Candles ay siya raw ang personal na namili.

Ano ang pinakamahirap na proseso ng preparasyon?

Sagot ni Kathryn, “Maybe the… siguro yung pag-arrange ng mga invites.

“Hindi ko maalala, baka may na-miss akong mga tao.

“May tao na wala na akong contact, so hinanap ko pa para ma-contact sila.

“So, mahirap para pagsama-samahin sila sa isang gabi.”

Pagkatapos daw ng primetime series niyang Got To Believe natutukan ni Kathryn nang husto ang preparasyon para sa kanyang debut party.

“Parang yung mga first procedure, stylist ko lang, pati si Mama.

“Pero yung final decision, like food tasting, sa damit, pine-present na lang nila sa akin, pipiliin ko noong matatapos na ang Got To Believe.”



FOR HER FANS. Hindi raw pinangarap ni Kathryn na magkaroon ng magarbong debut party. Pero isa raw dahilan kung bakit siya napapayag na magpa-party ay para sa mga fans niya.

Saad ng Kapamilya star, “Feeling ko kasi, napaka-stressful niya.

“So, masaya na ako sa Europe tour or magta-travel with family.

“Alam niyo yun, yun ang gusto ko.

“Pero in-explain nila sa akin na isang malaking milestone daw sa buhay ng babae ang debut.

“And, of course, para sa mga fans, gagawin ko.

“And hands-on ako sa planning, nae-enjoy ko siya.

“Hindi ko ini-expect na mae-enjoy ko ang process. Tutok kasi ako sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Excited ako na makita niyo at sana magustuhan niyo.”

Bukod sa engrandeng debut party, matutupad na rin ang isa sa gustong gawin ni Kathryn—ang regaluhan ang sarili ng isang bakasyon.

Nakangiting sabi niya, “After Pagpag, Got To Believe, nagtuluy-tuloy [ang trabaho].

“Alam niyo naman kung gaano ako kapuyat palagi.

“So, after po ng debut, magbe-vacation ako with family.

“Inaayos pa kung U.S. or Europe.

“Yung Korea with friends, sure na yun.”

Kasama raw niya sa Korea ang mama niya at kanyang mga “beki friends,” ‘tulad ng stylist niya, na magsisilbing pasasalamat na rin ng young actress sa mga ito.

Pero bago ang debut party niya sa The Blue Leaf, magkakaroon muna ng selebrasyon si Kathryn sa Fernwood Gardens sa Linggo, March 23, na inorganisa naman ng kanyang fans.

Ayon sa young actress, “Two years na po nila pini-prepare.

“Parang around 200 po sila. Parang mga admins lang.

“Parang may mga representatives lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN