Kathryn Bernardo on Daniel Padilla: "Espesyal siya sa akin, espesyal ako sa kanya."

Kathryn Bernardo on turning 18: “Meron kasi akong habit before na medyo dependent ako, especially sa sister ko. So, parang yung sister ko, sinabi niya na, ‘It’s time, now that eighteen ka, kaya mo na ‘yan na wala ako. Na kailangan alam mo na ang tama sa mali.’ So, feeling ko, yung responsibility, mas nadagdagan. Feeling ko, automatic na kasi yun kapag 18 ka, kailangan mas responsible ka.”


Kahit walang pormal na pagtatanong mula kay Daniel Padilla kung puwede itong maging escort sa debut ni Kathryn Bernardo, tiniyak ng young actress na ang ka-loveteam talaga ang escort niya sa mahalagang araw na iyon.

Ngayong 18 na si Kathryn, aamin na ba sila ni Daniel kung ano ang totoong estado ng relasyon nila?

Sagot ng dalaga, “Hindi, ano kami, kagaya ng sabi namin, we are very close friends.

“Espesyal siya sa akin, espesyal ako sa kanya.

“So, yun muna.”

Kung magkaka-boyfriend na siya, posibleng si Daniel ba yun?

Sabi ni Kathryn, “Ayoko kasing magsalita nang tapos.

"Pero kung pag-uusapan natin ang qualities, yung effort na ipinapakita niya ngayon, malakas talaga ang chance ni DJ [palayaw ni Daniel].

“Nakikita ko naman na mabuting tao si DJ.

“Aside from guwapo, yung personality ang gusto ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga miyembro ng media si Kathryn sa birthday presscon niya noong Lunes, March 17.

SUITORS. May ibang manliligaw ba siyang ini-entertain ngayon?

Sagot ng young actress, “Kasi ngayon, wala naman.

“Pero kung meron, kung maganda naman ang intention, e, di okay, tingnan natin.

“Makipagkaibigan muna siya. Step by step.

“Doon muna tayo sa being friends.

“Of course, si DJ naman, hindi ko rin naman siya pinipigilan sa ibang babae. Wala rin naman akong karapatan.

“Kung may manligaw, tingnan natin kung meron.

“Kaso, wala naman.”



MAMA’S GIRL. Ngunit kahit nasa legal na edad na siya, tuluy-tuloy pa rin daw ang pagbabantay at pagsama-sama sa kanya ng kanyang ina.

Saad ni Kathryn, “Okay lang naman. Wala naman akong nakikitang problema dun.

“Mas masaya naman kapag kasama siya, especially kapag out of the country, mas marami siyang alam.

“And hindi naman kasi siya yung sumasama para magiging KJ [killjoy] sa mga gusto ko.

“Kasi nga, parang sinusuportahan niya.

“Like now, sa taping, naiiwan na rin niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta gusto lang niyang masigurado na I’m in good hands, good people around me, so tuluy-tuloy naman yun.

“Pero ngayon, medyo nagsi-shift na ang attention niya, kasi meron na kaming baby Lhexine [her niece].

“Medyo tutok ang atensiyon niya sa pagiging lola.”

Ngayong malapit na siyang maging 18, paano niya maipapakita na mature at kaya na niyang maging independent?

Sabi ni Kathryn, “Of course, sa sarili ko, kailangan ko rin i-prove yun.

“Hindi ko naman kailangang i-prove lang kay Mama.

“Feeling ko, kailangan kong i-prove yun sa sarili ko.

“Meron kasi akong habit before na medyo dependent ako, especially sa sister ko.

“So, parang yung sister ko, sinabi niya na, ‘It’s time, now that eighteen ka, kaya mo na ‘yan na wala ako. Na kailangan alam mo na ang tama sa mali.’

“So, feeling ko, yung responsibility, mas nadagdagan.

“Feeling ko, automatic na kasi yun kapag 18 ka, kailangan mas responsible ka.”



LEAKED PHOTOS. Samantala, kapansin-pansin ang tweet ni Kathryn ilang araw na ang nakalilipas kunsaan tila disappointed siya.

Pag-amin ng young actress, may kaugnayan ito sa paglabas ng ilang pictures para sana sa kanyang debut.

Saad niya, “Actually, parang medyo normal lang naman ang naging reaction ko.

“Like, sa mga pictures, supposedly ire-release namin ‘yan sa debut itself.

“Parang nagkaroon lang ng miscommunication.

“Medyo na-depress talaga ako, kasi gusto ko maging surprise yun sa mga fans.

“Pero, yeah, I can’t do anything about it anymore.

“Ibinigay ko na lang nang mas maaga sa kanila siguro. And wala naman palang may mali.

“Kung may mali, dahil sa miscommunication.

“Pero ang intention nila is to promote the debut.”

Naiyak siya?

“Medyo,” pag-amin ni Kathryn.

“Kasi, nagulat ako. Na-frustrate ako.

“Yung pictorial na ‘yan, we shot that for a day.

“And yung mga damit talaga, whole day yun, as in whole day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga damit dun, pinatahi para sa pictorial talaga, kasi gusto ko, personal.

“Medyo… pero move on na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN