JC de Vera dreams bigger after transferring to ABS-CBN

JC de Vera does not mind the slight delay in doing his first project in ABS-CBN. He explains, "Matagal-tagal na rin ako sa industry. Napag-aralan ko na rin talaga na patience is a virtue. Hindi ka puwede talaga na nagmamadali. Kapag dumating yung time mo, darating talaga"


Kahit bahagyang natagalan ang pagsisimula ng trabaho ni JC de Vera sa kanyang bagong home network, sulit naman daw ang paghihintay dahil ngayon ay dalawang magkasabay na proyekto ang ginagawa niya.

Buwan ng Hulyo noong nakaraang taong nang pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN, subalit ngayong taon lamang nagsimulang umere ang una niyang drama series sa network, ang The Legal Wife.

Ito ay agad na sinundan ng afternoon series na Moon of Desire.

“Well, ever since very patient naman ako sa pagpasok ng mga project,” sabi ni JC nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa press conference ng Moon of Desire kagabi, March 20.

Ayon pa sa aktor, “Kapag wala, e, di wala. Ganun mo dapat siya tanggapin.

“Hindi ako nag-e-expect ng maraming trabaho, hindi rin ako nag-e-expect na magagandang shows ang ibibigay sa akin.

“Naghihintay ako kung ano ang ibibigay sa akin.

“Kung meron, e, di thank you.

"Kapag wala, ganun talaga yung laban dito sa industry.

“Right now, I’m very blessed and very thankful sa mga nangyayari ngayon.

“I’m really overwhelmed sa lahat ng projects na ginagawa ko.”

Habang naghihintay, hindi raw nakaramdam si JC ng pagkainip.

Katuwiran niya, “Matagal-tagal na rin ako sa industry, napag-aralan ko na rin talaga na patience is a virtue.

“Hindi ka puwede talaga na nagmamadali.

"Kapag dumating yung time mo, darating talaga.

“Ako, never akong nagmadali. Magaling akong maghintay.

“Kung ano talaga yung ibigay sa akin, hindi ako nagreklamo na ayaw kong gawin.”

BIGGER DREAMS. Bagamat halos araw-araw siyang nagtatrabaho dahil sabay niyang ginagawa ang dalawang TV series, hindi naman iniinda ni JC ang hirap at pagod.

Sabi niya, “Alam kong mahirap siya, pero minsan lang ‘to.

“Minsan lang ako magkaroon ng ganitong opportunity.

“Of course, I’m very thankful sa ABS-CBN dahil nabigyan nila ako ng ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap ang ipinapagawa nila sa akin pero kayang-kaya.”

Sigurado rin daw siyang hindi siya makakaramdam ng burnout dahil mas ginaganahan siyang magtrabaho ngayon.

“Alam mo, ang maganda kasi ngayon, since nag-start ako sa dalawang shows, nagkaroon ako ng bigger dreams.

“Kahit alam kong araw-araw ako, nagkaroon ako ng mas malaking goals for myself, mas lalo akong naging big dreamer.

“I’m sure hindi ako mabe-burnout kasi marami akong magagawa sa pag-iipon ngayon.”



HEALTHY COMPETITION. Dahil sa dami ng artista sa ABS-CBN, maaaring magkaroon ng pagkakataong maikumpara si JC sa ibang talents ng network.

Para kay JC, hindi ito problema dahil aniya, “It’s a healthy competition. Never akong nakipag-compete kahit na kanino.

“Ang kalaban ko talaga all the time is sarili ko.”

Halos ganito rin ang paliwanag niya sa posibilidad na mapuna ang pagkakaroon niya ng sunud-sunod na proyekto habang ang iba ay walang proyektong natatanggap.

Sabi ni JC, “Alam mo, ginagawa ko lang yung trabaho ko.

“Every day, I just work. ‘Yon lang, wala na akong ibang iniisip na may masagasaan akong iba.

“Kasi, kung paano ako mag-isip, minsan lang ‘to, e. Blessed ako na mabigyan ng dalawang shows.

“Hindi ko naman sinasadya na ganito ako kasuwerte, ’di ba?

“Wala, medyo talagang may masasagasaan ka.

“Pero gagawin ko lang yung ipapagawa nila sa akin.”

Diin niya, “Kung hindi man ako bibigyan ng show, siyempre maghihintay lang ako.

“E, naghintay ako at binigyan ako ng dalawang shows, nagkataon lang.

“Pero wala naman ako talagang hinihinging sobra-sobra, isa lang kuntento na ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN