Derrick Monasterio reveals being groped by fans

Being mobbed by fans is an indication of an actor’s popularity but it has its drawback as attested by Derrick Monasterio who has grown wary of the sexual predators among them.


Mayabang ang dating ni Derrick Monasterio sa unang tingin dahil sa brusko nitong hitsura.

Pero sa hanay ng mga Kapuso stars, isa siya sa mahaba ang pasensiya pagdating sa pangungulit at pandudumog ng mga fans na madalas niyang maranasan ngayon.

“Kapag artista ka, dapat pagtiyagaan mo ang mga fans,” wika ni Derrick nang makakuwentuhn namin siya noong Linggo, March l6, sa lobby ng GMA Network Studios pagkatapos ng Sunday All Stars.

Dagdag niya, “Bigayan lang naman kasi dapat ‘yan, e.

“Ang mga fans kasi yung maaasahan naming mga artista na susuporta sa aming mga proyekto.

"Sila ang nagpapatunay sa namin sa showbiz na mga artista nga kami.

“Hangga’t kaya kong magbigay ng panahon sa mga fans, talagang nagbibigay ako sa kanila ng oras.

"Kung gusto nila akong makita, magpa-picture at makipag-usap, game ako sa gano’n.”

Cool lang si Derrick sa pahayag nito na ilang beses na siyang nahipuan ng mga fans.

“Hindi naman kasi maiiwasan kapag marami na yung dumudumog.

“Hindi na lang ako nag-react kasi hindi ko naman nakita kung sino ang nanghipo sa akin.

"Ine-entertain ko ang ilang fans, ayan na, biglang dumami pa ang mga tao.

"Hindi naman ako nasasaktan, kasi okey naman sila.

"Naramdaman ko na lang ang kamay na hinipuan ako.

"Ramdam ko talaga na sinadyang hipuan ako dahil sakto talagang ‘doon.’

“Napapabuntung-hininga na lang ako.

"Kasi hindi ko naman tiyak kung sino sa kanila dahil madami ngang tao.

“Kung makita at mahuli ko naman kung sino yung nanghipo ay hindi naman ako magagalit.

"Sasabihan ko na lang siguro siya na huwag naman manghipo."

Ayon kay Derrick, maraming artista ang may mga ganyang kuwento ng karanasan. Hindi man niya gusto ay natatawa na lang daw ito.

Pakiramdam ba ni Derrick ay binabastos siya kapag nahihipuan?

Sagot niya, “Hindi ko na iniisip ‘yon.

"Kapag artista ka, ihanda mo na lang ang sarili mo na puwedeng mangyari iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko nga na nangyayari ang mga gano’n hindi lang sa akin.

"Sa buong showbiz, may ganyan.

"Kaya nung mga sumunod na pagkakataon, nag-iingat na lang ako.

“Iniingatan ko na huwag ‘doon’ sumakto ang panghihipo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN